Chapter 23 (Part 2)

699 41 0
                                    


"Ako na magbitbit niyan, pare."

"Ako na."

"Sige na. Ako na."

"Kaya ko na nga, pare!"

"Sige na!"

"Ayoko nga! Ako na!"

Napakamot na lang ng ulo si Baxter dahil ayaw ni Niah na ipabitbit sa kaniya ang skateboard nito. Hindi niya naman nanakawin, eh.

"Pare, galit ka ba?" Mahinang tanong niya.

"Tss. Naiinis lang." Sagot nito sa kaniya.

"Eh, kaya ko lang naman inutusan si Lyncoln para masolo kita. Paano kita masosolo kung nandiyan si Audrey, 'diba?" Pagdadahilan niya naman.

"Ano ba naman 'yan, pare. Sabi ko nga sa'yo, hindi katulad mo ang tipo ko! Hindi kita magugustuhan! Pare lang kita!" Inis na sagot sa kaniya ni Niah.

Tila parang kinurot naman ang puso niya dahil doon pero hindi pa rin siya susuko. "Maraming paraan, Niah. Gagawin ko lahat para maging akin ka." Seryosong aniya.

"Tsk! Ay, ewan ko sa'yo!" Nagmartsa ito paalis ngunit sinundan niya naman ito. Mahirap na, baka mapahamak pa ito.

Lumapit si Niah sa tumpukan ng mga kalalakihan. Bagama't may mga babae naman ay mas maraming lalaki ang naroon.

Ikina-kunot pa ng noo niya nang mag-apir ang mga ito at nag fist bump.

Napatingin naman sa kaniya ang isang lalaki. "Sino 'yang nakasunod sa'yo? Tuta mo?" At nagtawanan ang mga ito sa harap niya.

Kumuyom naman ang kamao niya at balak na sanang sumbatan ito nang akbayan siya ni Niah. Napatingin siya rito at ganoon din sa braso nito.

"Pare ko nga pala, si Baxter." Napangiti naman siya nang ipakilala siya nito sa mga lalaki.

Natawa ang may kulay pulang buhok. "Angas ng pangalan mo, ah? Boxer. Boxer shorts!" At muling naghalakhakan ang mga ito.

Hindi na siya nakapagtimpi at tinanggal ang pagkakaakbay sa kaniya ni Niah at nilapitan ang lalaki saka kinuwelyuhan. "May problema ka ba sa pangalan ko ha? Manok na pula?" Maangas niyang tanong.

"Wow! Bugoy, lalaban oh!"

"Laptrip! Manok na pula!"

"Lol! Hahaha!"

Tinulak naman siya ni Bugoy kaya't napaatras siya ng isang hakbang. "Daanin na lang natin 'to sa laro, ano?" Mayabang nitong hamon sa kaniya.

Napangisi naman siya at kinamot ang ilong. "Nagkakamali ka ng hinamon mo, tsong. Game!"

Sinipa nito ang isang skateboard at agad niya naman iyong inapakan nang mapalapit iyon sa gawi niya.

"Sila any judge." Pagturo nito sa mga lalaki, kasama si Niah.

Tumingin naman siya kay Niah na binigyan lang siya ng okay sign, saka muling humarap kay Bugoy. Gagalingan niya para sa pare niya!

Naunang maglaro si Bugoy sa kaniya. Nakita niyang sanay na sanay ito sa pagbalanse ng katawan at pagtalon-talon kasama ng skate board.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon