Hirap na idinilat ni Luther ang mata, unang bumungad sa kaniya ang itim na kisame. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo at umusod ng kaunti, isinandal niya ang sarili sa headboard ng kama.Inilibot niya ang tingin sa paligid, pawang kulay itim ang halos lahat ng nakikita niya. Mapa sopa man, closet, kama, at bangko ay purong itim... na may disenyong Hello Kitty.
Bumukas ang pinto ng silid. Bumungad sa kaniya ang isang pamilyar na Ginang. Ngumiti ito nang makitang gising na siya. "Gising ka na pala, Hijo."
"S-sino po kayo? Nasaan po ako?" Hirap man sa pagbuka ng bibig ay nagawa naman niya iyong isatinig.
Umupo ang Ginang sa dulo ng kama. "Ako si Tina Selvero, Mama ako ni Thiara. Dito ka na lang namin dinala dahil hindi naman namin alam kung saan banda ka dito nakatira." Malumanay na paliwanag ng ginang na si Mrs. Selvero.
Kung gayon kaya pala pamilyar ito sa kaniya, dahil ito ang Ginang na sumalubong sa kaniya noong una niyang nakita si Thiara.
"G-ganoon po ba?" Nahihiyang nagkamot siya ng ulo nang biglang may naalala. "Si Thiara at Mouie po? Ayos lang po ba sila?"
"Oo naman, Hijo. Sa katunayan nga ay kumakain na silang tatlo sa ibaba."
"Tatlo po?" Taka niyang tanong. Sa pagkakaalam niya kasi'y dalawa lang ang babaeng pinrotektahan niya. May nadagdag bang isa?
"Oo. Halika. Kumain ka na muna at siguradong gutom ka na." Ani Mrs. Selvero. Tumayo ito palapit sa kaniya upang alalayan siya.
"Hindi na po. Kaya ko po." Agad niyang pigil dito saka siya na mismo ang tumayo sa sarili niyang paa.
Ngumiti na lang ang Ginang saka nagpatiuna ng lumabas, iginiya siya nito kung saan patungo ang ibaba.
"Eew! Don't touch me!"
"As if I'm touching you."
"Bait naaway? Tap na!"
Sa hagdan pa lang ay rinig na rinig na ang pag-iingay ng tatlo. Hindi niya maiwasang magtaka dahil boses lalaki ang isa... na nasisiguro niyang isa sa tatlo na sinasabi ni Mrs. Selvero kanina.
Tumungo sila pakanan, kahit hirap ay sinubukan niya na maglakad ng normal. Doon ay nakita niya ang dalawang babaeng si Mouie at Thiara gayon din ang isang lalaking si...
"Kylo?" Bigla niyang naisatinig.
Napalingon naman ang tatlo sa gawi niya. Ang nabiglang si Mouie ay agad na nilapitan siya, upang alalayan na umupo sa tabi nito.
"Are you okay? May masakit ba sa'yo? Tell me now!" Alalang tanong nito sa kaniya.
Hindi niya sinagot si Mouie bagkus nakakunot na noo na tinignan niya si Kylo... na ngayo'y prente pang umiininom ng juice.
"What are you doing here, Kylo?" Madiin niyang tanong.
"'Yan ba dapat ang una mong sabihin instead of 'thank you'?" Nakangising anito.
"What?" Lalong nangunot at nagkaroon ng gatla ang noo niya sa pagtataka.
"He saved you. Kylo and the guards is the one who saved you awhile ago." Si Mouie ang sumagot sa kaniya. "Nakita kasi namin siya na kinakausap iyong guard sa gate ng Central Pole, pinipilit niya na makapasok dito kaya humingi kami ng tulong sa kanila."
Tinignan niya si Kylo nang may pagdududa. "Sigurado akong isa ka sa kanila."
Nag-taas ng kamay si Kylo bilang pagsuko. "Woah! Wala akong alam diyan, Luther!"
"Tss." Ingos niya at tumingin sa Ginang. "Salamat po sa pagpapatuloy niyo sa'kin dito... pero aalis na po ako. May pupuntahan pa po kasi akong importante."
BINABASA MO ANG
Stupid Goddess
Teen Fiction[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana mapurol ang utak niya. Mahilig sa gawa at puro kuda. Isa raw siyang Diyosa ng kagandahan, ngunit sa i...