Chapter 44

589 36 0
                                    


Nagising si Phemie sa kalagitnaan ng kaniyang pagtulog nang may naramdaan siyang malambot na bagay na dumampi sa kaniyang noo.

Natulog kasi agad siya matapos siyang ihatid ni Primo sa kanilang bahay. Wala ang kuya Luther niya at hindi niya alam kung saan nagpunta.

Inaantok na idinilat niya ang mata. Naiinis siya dahil tila may nakadagan sa kaniyang tiyan na mabigat na bagay. Malamang si Prim iyon, ang kaniyang stuff toy na kwago. Muli niyang ipinikit ang mata.

Ngunit napadilat siya nang rumihistro sa kaniyang isip na hindi ganoon kabigat si Prim. Mayroon pa siyang nararamdamang mainit na hininga na tumatama sa kaniyang pisngi kaya't napabalikwas na talaga siya ng bangon.

"Anak ka ng kuting!" Gulat niyang sigaw matapos makilanlan ang kaniyang katabi.

Natawa ng mahina si Primo ngunit nababakas pa rin sa mata nito ang lungkot. Hinila nito ang bewang niyang yakap ng braso nito--kaya pala siya nahihirapang huminga--palapit dito.

"H-hoy! Tsansing ka na ah?! Paano ka nakapasok dito?!" Hinampas niya ito sa balikat ngunit hindi naman ito umalma.

Hindi naman sumagot si Primo at isiniksik ang mukha sa kaniyang leeg. "Let me hug you, my queen. I badly need you right now." May lungkot na maririnig sa boses nito.

Napahinga siya ng malalim dahil tila may mabigat itong pinagdadaanan. Sinuklay niya ang buhok nito gamit ang daliri at tahimik na tinatapik-tapik ang braso nito.

Maya-maya'y naramdaman niya ang pag-vibrate ng katawan ni Primo at pagtaas-baba ng balikat nito. Noong una'y mahihinang hikbi lamang ang kaniyang naririnig ngunit lumakas iyon ng lumakas hanggang sa naging hagulgol iyon.

Nakagat niya ang labi. Nagbabadya na rin ang kaniyang luha sa mata. Nalulungkot siya para kay Primo kahit hindi niya alam ang dahilan kung bakit ito umiiyak ngayon. Ngayon niya lang itong nakitang mahina at umiiyak.

Humigpit ang yakap sa kaniya ni Primo at hinayaan niya lamang na umiiyak ito sa kaniyang leeg. Hinahaplos niya ang likod nito habang sinusuklay pa rin ang daliri sa buhok nito.

Maya-maya'y nakaramdaman siya ng kapayapaan. Natahimik ito na ikinataka niya. Nang kaniyang silipin ay natutulog na ito.

Malungkot siyang napangiti saka hinalikan ang noo nito. Nakatulugan na nito ang pag-iyak. Masakit sa puso na marinig itong umiiyak dahil sa lahat ng pagkakataon ay pinapakita nitong malakas ito kahit saang anggulo. Yun pala'y nakakubli ang kalungkutan sa loob-loob nito. Masaya rin siya dahil sa kaniya ito unang lumapit na tila pinagkakatiwalaan siya nito.

Isang tunog ang pumailanlang sa silid. Nagtatakang inilibot niya ang tingin. Saan iyon galing?

Dumako ang kaniyang tingin sa bulsa ni Primo at nakitang may kumikislap-kislap doon. Maingat na dinukot niya ang cellphone nito at sinagot ang tawag.

[Where the hell are you, Primo?! Nandito na ang ZERO at ikaw na lang ang kulang! Nagpapakasaya ka habang nagluluksa kami dito!]

Bahagya niyang nailayo ang cellphone sa tainga nang sumigaw ang nasa kabilang linya. Boses lalaki iyon at hindi niya kilala kung sino lalo na't unknown number lang naman iyon.

[Come your ass here before I do something you wouldn't like---]

"Excute me, sir? Who you?" Pagputol niya dito.

[Who are you?! Where's Primo?!]

Napaikot ang mata niya. "Ako po ang unang nagtanong." Pabalang niyang sabi.

[What the fuck?! How dare you?! Hindi mo ba ako kilala?!]

Nangunot naman ang kaniyang noo at dinuro ang cellphone. Nag-iinit na ang ulo niya. "Bakit? Kilala mo rin ba ako? Makapagtanong ka parang kilala mo din ako, hindi naman!"

[Where's Primo?! I need to talk to him now!]

"Sino po ba kayo? Makapag-utos kayo parang sisiga-siga eh! Sigaw ka ng sigaw masakit na sa tainga!"

[How dare you talk to me like that---hon, where's Primo?]

Nanigas siya sa kinauupuan nang marinig ang isang tinig ng babae sa kabilang linya. Nanindig ang kaniyang balahibo sa hindi malamang dahilan. Hindi pwedeng makalimutan niya ang boses na iyon.

[I don't know---asshole, your son is an asshole---hon---]

Doon na naputol ang tawag. Napahawak siya ng mahigpit kay Prim na kaniyang stuff toy upang doon kumuha ng lakas. Bakit? Bakit parang pamilyar ang tinig na iyon sa kaniya?

***

Nagising si Primo nang madaling araw. Napangiti siya ng kaunti nang marinig ang mumunting hilik ni Phemie sa kaniyang tabi habang nakaawang ang labi nito.

Dumukwang siya upang patakan ito ng halik sa labi. Napakibot-kibot ang labi nito ngunit hindi naman nagising.

Napahinga siya ng malalim at biglang dumako ang tingin sa side table nang pumailanlang ang paborito na niyang kanta na 'dear future husband' na kinanta ni Phemie noon.

Naroon sa side table ang cellphone niya na ikinataka niya. Bakit naroon ang cellphone niya?

Inabot niya iyon at sunod-sunod na missed calls at text messages ang naabutan niya.

Napailing siya at binuksan ang unang text ng unknown number na kilalang-kilala niya kahit na hindi nakarehistro ang pangalan nito sa kaniyang contacts.

'Where the hell are you?!'

'Who's that girl?!'

'Umuwi ka na!'

'Primo Beau Vladimir! Come back your ass here!'

Napapailing na ini-scroll down niya lang iyon at tinignan ang huling message nito na kararating lang.

'Let's talk. Meet me at ****'

Napahinga siya ng malalim. Mukhang seryoso na ito ngayon dahil wala itong ginamit na padamdam.

Lumabas siya ng kwarto ni Phemie. Siguro nga'y kailangan din nilang mag-usap. Tila may importante itong sasabihin sa kaniya.

Sinakyan niya ang motorbike at mabilis na narating ang lugar. Noong una'y nagtaka siya lalo na't sa isang liblib na lugar sa ilalim ng tulay nito gustong makipag-usap ngunit ipinagkibit-balikat niya lamang ang pagtataka.

Bumaba siya ng motor at napakunot ang kaniyang noo nang makakita ng isang taong nakahiga sa malamig na sahig sa madilim na lugar sa 'di kalayuan.

Dahan-dahan niya iyong nilapitan at mabilis na nanlaki ang mata niya nang mamukhaan kung sinong tao iyon.

Agad siyang napaluhod sa gilid nito at inalog-alog ang katawan nito. "Dad. Dad." Mahinang pagtawag niya na tila hindi pa napoproseso ang nangyari. "Dad! What the fuck, dad?! Tell me this is just a joke!" Nanginig ang kaniyang katawan at namumuo ang kaniyang luha sa mata.

Napatingin siya sa gilid at nakita ang isang baril at sigurado siyang iyon ang baril niya sa kaniyang kwarto na lagi niyang itinatabi sa kaniyang pagtulog kung sakaling may masamang mangyari sa kaniya.

Nasilaw siya sa mga ilaw na biglang tumama sa kaniya sa madilim na parteng iyon.

"Sumuko ka na, Primo Beau Vladimir! Napapaligiran ka na namin!" Sigaw ng pulis sa na nasa tulay ngayon sa itaas niya.

Naiangat niya ang tingin at marami ngang pulis ang nasa paligid niya. Hindi makapaniwalang bumalik ang kaniyang tingin sa kaniyang amang si Primitivo Vladimir na may tatlong tama ng bala sa ulo at naliligo na sa sariling dugo.

Doon rumihistro sa utak niya ang nangyayari kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha sa kanang mata.

'Crap! This is a fucking trap!'

***

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon