Chapter 19

669 46 0
                                    


Nakaharap si Primo sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili. Naningkit pa ang mga mata nang makita ang buhok, hindi siya komportable sa ayos niyon. Kumuha siya ng suklay at muling inayos ang buhok.

Nang matapos sa buhok, hinila niya ang unipormeng sobrang plantsado at walang makikitang gusot, pinantay niya rin ang neck tie sa leeg.

Nangingiti pang inabot ng kamay ang pabango at nag spray sa sarili, matapos ay tinignan ang kabuuan sa salamin.

'Perfect! I'm perfect!'

Kinindatan niya pa ang salamin bago kunin ang bag na naroon sa kama, lumabas siya ng silid ng maganda ang aura.

Sa paglabas ay nakita niya si Glenda, ang ina ni Azriel, na biglang ngumisi at tinignan din ang kabuuan niya.

"Pormadong-promado, ah? Saan ang punta mo?" Mapang-asar nitong sabi.

Hindi niya pinansin ang pang-aasar nito at basta na lang nilagpasan. Naabutan niya ang amang si Primitivo na nagbabasa ng dyaryo at si Azriel na kumakain ng agahan.

"Kuya, kain." Niyaya siya ni Azriel.

Umiling lang siya sa kapatid at diretsong nagtungo sa kaniyang motor, sumakay at pinaandar.

Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib na tila naliligayahan. Talagang masaya siya dahil ang inaasam-asam niyang babae ay muling nagbalik. Nais niyang magbalik din ito sa piling niya.

FLASHBACK

Natigil ang kanilang pagtatawanan nang may tumawag sa kaniyang phone.

"Excuse me." Paalam niya sa dalawang magkapatid at agad nagtungo sa tahimik na lugar.

Tinignan niya ang numero. Unknown number iyon.

"Who's this?" Agad niyang bungad. Walang 'hi' o 'hello'. Mabilisan lang dahil kakausapin niya pa ng matagal si Phemie.

[Hello to you too, baby.]

Nanlaki ang mata niya. That voice. Ang boses na iyon na matagal na niyang gustong marinig muli.

"W-wha—" Hindi na niya alam ang sasabihin. Masyado siyang nabigla.

[Shh... I know you missed me and I missed you to, baby Beau.]

Baby Beau. Tila ang sarap pakinggan. Sabik na sabik na siya dito.

"I-i... I don't know what to say." Aniya. Wala ng masabi pa.

Mahinang natawa ang nasa kabilang linya. [Oh, baby, hindi mo naman kailangan magsalita. Magpapaalam lang ako.]

"H-ha?" He lost words. Napipipi na 'ata ang isang Primo Beau Vladimir.

[Magiging teacher ako sa school mo, pwede naman, 'diba?]

Teacher, sa school niya pa mismo. How great!

"Of course! Of course!"

[Okay, then. See you at school, baby Beau.]

At doon na natapos ang tawag.

Dali-dali siyang tumakbo patungo kay Luther. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito.

"S-she's back. Damn it! She's back!" Wala sa wisyong anya at may pagkasabik ang mga mata.

"Kwago?" Tanong sa kaniya ni Phemie na may nagtatakang tinig.

Hinarap niya ito. "Umuwi na tayo."

Nang dahil sa tawag ng babaeng iyon, halos hindi na niya mapansin si Phemie. Baka nga courtship end na agad. Hindi na niya kailangang makalimot dahil babalik na ito.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon