Chapter 40

622 39 0
                                    


Kanina pa hindi mapakali si Baxter mula sa kinauupuan habang pilit na iniisip kung may nagawa ba siyang masama na ikinagalit nito.

Pinuntahan niya kasi ang bahay nila Niah ngunit hindi siya pinapapasok ng babae at kahit ang makita ito'y hindi nito ginawa. Puro katulong ang laging kumakausap sa kaniya na masama ang pakiramdam ni Niah ngunit hindi siya naniniwala, noon pang naroon sila sa Tagaytay ay iniiwasan na siya nito.

Naningkit ang mga mata niya at tumabingi ang ulo sa pagtataka dahil habang naaalala ang mukha ni Niah ay may isa pang mukha ang rumirihistro sa isip niya. May kahawig ang babae ngunit hindi niya nga lang mapunto kung sino.

Umiling siya at ipinagsawalang-bahala ang naisip saka siya tumayo mula sa kaniyang kama. Isasara na sana niya ang kurtina ng binta dahil masyado na itong masilaw at istorbo sa malalim niyang pag-iisip nang may bigla siyang matabig na litrato.

Pinulot niya ang picture frame na nahulog sa sahig at nabasag ang salamin nito.

Litrato iyon ng mga batang ZERO kasama ang ina ni Primo, si Kylo at si Coleen.

Namutla siya at napalunok. Inuusig na naman siya ng konsensya habang pinakatitigan ang litrato. Hindi naman nila sinasadya, hindi nila sinasadya iyon. Hindi nila ginusto ang pangyayaring iyon.

Ngunit tinakbuhan nila ang krimen at iyon ang kasalanang sa tingin niya'y panghabang-buhay niyang pagdudusahan kung hindi niya pa sasabihin ang nalalaman.

'I'm sorry.'

***

Sabado ngayon at narito si Aiden sa harap ng isang may kalakihang gate. Ito ang address na naroon sa hawak niyang papel na nasa kaniyang kamay.

Nag-doorbell siya ng tatlong beses at huminga ng malalim. Kung ano man ang malalaman niya sa araw na ito, sana makapagtimpi pa siya.

Bumukas ang maliit na pinto ng gate at sumalubong sa kaniya ang isang katulong. Nginitian siya nito. "Sino po sila?"

"U-uhm... Dito po ba nakatira si Niahra Vagra?"

Binuksan ng malaki ng katulong ang pintuan. "Dito nga po. Anong kailangan niyo kay ma'am Niah?"

"I'm her friend. Pwede ko ba siyang makausap?"

Pinapasok siya ng katulong at pinaupo sa hindi kalayuang upuan na may lamesang pabilog. Naghintay lamang siya saglit at saka dumating si Niah na naupo sa kaharap niyang upuan.

Tipid na ngumiti si Niah. "Bakit nandito ka? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

Walang kangiti-ngiting hinarap niya ito. "I have my ways."

"Ano 'to? BDO? You find ways?" Natawa ng mahina si Niah.

Hindi naman siya ngumiti sa biro nito. Hindi ang pakikipagtawanan ang pinunta niya dito. May kailangan lang siyang kompirmahin.

Dumating ang katulong na may dalang dalawang gatas at keso. Ibinigay sa kaniya ang isa habang kay Niah naman ang isa.

Nakita niya ang pagniningning ng mata ni Niah at kinuha ang keso at inilagay sa gatas saka hinalo-halo. Napataas ang kanang kilay niya sa kawirduhan nito.

Napahinga siya ng malalim saka inilabas ang envelope na hawak. Uminom muna si Niah ng gatas bago inilabas ang laman ng envelope.

Iyon ay mga litrato nito kasama si Kenji sa iisang restaurant. Sa tatlong araw ay walang palya ang dalawa sa pagkikita at miminsan pang nakuha sa litrato ang mumunting ngiti nila sa isa't isa.

"Didiretsuhin na kita, anong relasyon niyo?"

Natatawang pinagmasdan ni Niah ang mga litrato. "Nagseselos ka ba?"

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon