Palakad-lakad si Primo habang ngumunguya naman ng bubble gum. Nag-iisip kasi siya ng paraan kung paano papawiin ang galit ni Phemie sa kaniya.Ilang araw na rin kasi simula nang insidenteng iyon ay iniiwasan siya ni Phemie. Kahit na nga halos sampung metro na ang layo nila sa isa't isa, umaalis pa rin ito upang hindi siya makita. Iyon ang kinaiinisan niya ng lubos.
Umupo siya sa kama niya at kinuha ang cellphone. Tinawagan niya ang lahat ng kaniyang kaibigan.
[Oh? Ba't napatawag ka?] Rinig niyang tanong ni Luther.
[May emergency ba?] Inaantok na tanong ni Lyncoln.
[Reresbak na naman ba tayo?] Ani Jaxon.
[Ang aga-aga pa! Inaantok pa ako!] Reklamo ni Baxter.
[What is it, Kuya?] Tanong ni Azriel.
Rinig niyang humikab lang si Dion.
[Kulang pa ako sa handsome rest, eh.] Antok na sabi ni Kenji.
Samantalang wala naman siyang narinig na tugon mula kay Macon.
Napahinga siya ng malalim. "I badly need your help and I won't take no for an answer." Aniya saka niya ibinaba ang tawag.
Napakagat siya sa kaniyang labi.
'I hope it will work.'
***
Kakapasok lang ni Phemie sa gate ng paaralan nang sabay-sabay na lapitan siya ng mga estudyante na nag-aabang doon.
Agad siyang pumosisyon at handang-handa na sa isang laban, ngunit hindi naman siya pinagbabato ng mga ito ng kung ano-ano. Bagkus ay sabay-sabay nitong inilabas ang mga bulaklak na hawak at ibinigay iyon sa kaniya.
"When happenings?" Tanong niya rito ngunit walang tumugon sa kaniya. Iningungudngod ng mga ito ang bulaklak kung kaya't tinanggap na lang niya iyon.
Nang makuha niya ang mga bulaklak ay nagsialisan na rin ang mga estudyante at ngayon, siya na lang ang mag-isa roon. Napangiwi siya nang makita ang kumpol-kumpol na bulaklak na hawak niya.
"Ang dami naman nito!" Angil niya habang tinitignan ang mga bulaklak.
Maya-maya pa'y may nakita siyang arrow na maliliit sa lapag, tila itinuturo ang daan kung kaya't sinundan niya iyon.
Napahinto siya sa may locker dahil itinuro 'yon ng arrow at nagsasabing 'open it'. Binuksan niya ang locker niya at may nakitang pulang sobre doon.
"Daming pakulo, ah?" Mahinang bulong niya sa sarili.
Inilagay niya muna ang kumpol-kumpol na bulaklak sa kaniyang bag bago kinuha ang sobre at binasa ang laman niyon.
'I'm sorry for what happened last week. Please, forgive me.'
Iyon ang nakalagay sa sobre na ikinataas ng kilay niya. Sino naman kayang tampalasan ang hihingi ng tawad sa kaniya gayong wala naman siyang kinaiinisan?
Ay, meron pala! 'Yong hari ng mga kwago? Pero papaano namang mangyayaring ang hari na iyon ay hihingi ng tawad sa kaniya?
Muli siyang napatingin sa ibaba at nakitang may mga natira pang arrow. Muli niya iyong sinundan hanggang sa mapunta siya sa hardin ng eskwelahan.
BINABASA MO ANG
Stupid Goddess
Teen Fiction[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana mapurol ang utak niya. Mahilig sa gawa at puro kuda. Isa raw siyang Diyosa ng kagandahan, ngunit sa i...