Chapter 34

688 43 2
                                    


Nirenta muna ni Primo ang dining room dahil magkakaroon sila ng selebrasyon sa pagiging mag-on nila ni Phemie.

Ngayon ay nakakalahati na niya ang bote ng alak habang si Phemie ay naliligo sa swimming pool kasama ang mga babaeng kaibigan.

Sila-sila lamang ng ZERO ang nasa lamesa at nag-iinom. Halos ang lahat ay bagsak na dahil sa kalasingan pero pinanatili niya pa rin ang sarili na gising at kaunti lang ang iinumin dahil may babae pa siya kailangang bantayan, ang nobya niya.

"Ubushin mow na yawn!" Ani Baxter habang tumatawa at umiikot na ang paningin.

Napailing siya at ngumisi dito. "Itulog mo na yan."

Tumayo si Baxter sa kinauupuan ngunit mabilis lang ding bumagsak. "Hindi pa...hindi pa ako lashing!"

Natawa na lang si Primo sa inasal nito dahil nagpupumilit itong tumayo habang may hawak na bote ng alak.

Napapailing na nagsalin siya sa babasaging baso ng alak at ininom iyon nang bigla na lamang tumayo ang katabi niyang si Dion at may pilit na inaabot.

"Akin yawn! Akin!" Pinaupo niya naman ito pabalik at balik na naman ito sa pagtulog sa lamesa.

Si Lyncoln, Dion, Luther, Macon, Azriel ay bagsak na at pare-parehong nakadukdok na ang mga ulo sa lamesa samantalang siya si Jaxon, Baxter at Kenji ay patuloy pa ring umiinom.

Nangunot ang noo niya nang biglang bumuka ang bibig ni Luther na tila may sinasabi. Inilapit niya ang tainga sa kaibigan upang mapakinggan ang gusto nitong sabihin.

"Papatayin kita 'pag shinaktan mo kapatiwd ko."

Napapangiting inilayo niya ang tainga dito. Mahal na mahal talaga ni Luther si Phemie at nakikita niya iyon pero hindi na niya muling sasaktan pa si Phemie. Nagising na siya sa mula sa nakaraan at hindi na siya babalik pa doon.

Tumayo siya upang puntahan si Phemie na masayang lumalangoy kasama ang mga kababaihan. Tila para silang nagkakarera sa bilis lumangoy.

Tumalon siya sa swimming pool nang sa gayo'y magising siya dahil nadadala na siya ng alak. Lumangoy siya sa malalim at hinatak ang paa ni Phemie.

"Ahhh---" Hindi na nakasigaw si Phemje matapos malubog ang katawan sa tubig.

Itinapat ni Primo ang mukha ni Phemie sa kaniya pagkatapos ay idinampi ang labi sa labi nito na ngayo'y gulat na gulat. Mabilis lamang iyon at agad niya ring hinatak si Phemie pataas.

Sumagap muna ng hangin si Phemie bago siya hinampas sa dibdib. "Baliw ka ba?! Balak mo ba akong lunurin? Ha?!"

Natatawa niya namang hinapit ito sa bewang palapit sa katawan niya. "Kung lulunurin kita, bakit hindi na lang sakin? Mas pabor yun diba?" Pinandilatan lamang siya ng mata ni Phemie.

"Hoy, love birds! Tama na yan!" Sigaw ni Adrienne.

Hindi naman iyon pinakinggan ni Primo at inilapat ang noo sa noo ni Phemie. May mumunting ngiti na namumutawi sa labi habang nakatitig sa mata nito.

Kontento na siya sa ganito. Kontento na siya kay Phemie.

***

Hinampas ni Niah si Ayashi habang tumatawa. "Woohh! Party-party!" Nahihilo niyang saad habang itinaas ang dalawang kamay at ang isa'y may hawak na bote ng alak.

Nanlaki naman ang mata ni Ayashi. "Bakit ka naglasing? Magsi-swimming lang tayo eh."

Pinaypay ni Niah ang mukha gamit ang kanang kamay. "Ano shila?! Shila lang may karapatan?! Ako din!"

Lumapit naman sa kanila si Thiara at Audrey na tulak ang wheelchair ni Blair.

"Oh? Lasinggera lang?" Bungad ni Audrey.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon