Idinilat ni Phemie ang mata at puting kisame ang nabungaran niya. Inilibot niya ang tingin sa paligid, may IV na nakadikit sa pulso niya habang komportable naman siya sa kaniyang hinihigaan.Nakunot ang kaniyang noo saka umupo ng maayos at sumandal sa headboard ng kama. Bakit nandito siya? Anong nangyari?
Napatingin siya sa side table at nakitang may nakalagay na itim na stuff toy doon. Napaawang ang labi niya at lumakas ang kabog ng dibdib. Nanginginig ang kamay na inabot niya ang stuff toy na si Prim na ngayo'y may maliit na butas sa kaliwang mata.
Niyakap niya ito ng mahigpit nang maalala ang mga nangyari. Lumakas ng lumakas ang hikbi niya. "Primo! H-hindi! Primooo!" Napasigok siya.
Mabilis siyang tumayo sa kinahihigaan at tinanggal ang IV na nakadikit sa pulso niya. Pinagtatadyakan niya ang mga bagay na malapit sa kaniya, binasag niya ang vase na nasa may bintana.
"Ahhh! Hindiii! Hindi totoo yun! HINDIII!" Sinipa niya ang IV stand nang may mga kamay na pumigil sa kaniya. May itinurok sa kaniyang pulso na dahilan ng panghihina niya hanggang sa lamunin na siya ng dilim.
Muling idinilat ni Phemie ang mata at nabungaran ang puting kisame. Nangunot pa ang noo niya at napapikit ng mariin dahil sa tumamang sinag ng araw sa kaniyang mukha.
Umupo siya at sumandal sa headboard ng kama. Tinignan niya ang IV stand at sinundan ang tingin ng hose ng IV patungong pulso niya. Hinawakan niya iyon.
Dahil sa pagtingin sa kaniyang pulso'y nakita niya ang side table kung saan naroon ang itim na stuff toy.
Dahan-dahang dumaloy ang luha pababa sa kaniyang pisngi. Napasigok siya nang maalala ang mukha ni Primo. Bigla siyang natulala.
"H-hindi." Bulong niya. Namamaos.
Nanikip ang kaniyang dibdib habang naaalala ang ayos ni Primo nang maabutan niya itong nakasubsob sa kanin. Hindi na ito humihinga. Iniwan na siya ni Primo. Iniwan siya ng nobyo niya.
Sinabunutan niya ang sarili. "H-hindi totoo 'yon." Namamaos niyang bulong sa sarili habang malakas na sinasabunutan ang sarili.
"Hindi totoo 'yon!" Marahas niyang tinanggal ang IV sa kaniyang pulso saka pinaghahagis ang kung anong masambot. "Primo! Primo ko! Primo!"
May mga kamay na yumakap sa kaniya ng mahigpit. "Shh... Please, stop this, Phemie. Nawawala ka na sa sarili." Bulong nito at naramdaman niyang may tumulong luha sa balikat niya.
"Hindi, kuya! Hindi pa patay si Primo!" Hinawakan niya ang kwelyo ni Luther at pinanlakihan ito ng mata. "Diba hindi? Kuya, mahal niya ako! MAHAL NIYA AKO, KUYA! HINDI NIYA AKO IIWAN!" Ang sigaw na iyon ay hindi ganoon kalakas dahil namamaos na siya.
May mga kamay na pumigil sa kaniya. "Phemie..." Bulong ni Luther na namumula ang mata.
Umiling siya. "Kuya, mahal niya ako! Hindi niya ako iiwan! Kuya! Bitawan niyo 'ko! Kuya!" Halos wala ng lumabas na boses sa kaniya dahil sa pamamaos. Sumasakit na rin ang lalamunan niya.
May kung anong itinurok sa kaniya sa kaniyang pulso kaya't unti-unti siyang nanghina na tila hinihigop ang lakas niya. Ang huli na lamang niyang nakita ay ang paghikbi ni Luther bago siya lamunin ng dilim.
***
Naluluhang pinagmasdan ni Luther si Phemie na ngayo'y naihiga na sa kama. Kahapon pa itong nagwawala at maya't maya sa tuwing gigising ito'y ganoon ang nangyayari na halos ikapaos na nito.
Naiiyak siya sa kalagayan ng kapatid. Hindi niya akalaing ganito na ang epekto ni Primo sa kaniyang kapatid.
Nabuwag na ang grupo nila. Nabubulakbol na ang mga myembro ng ZERO na masyadong naapektuhan sa pagkawala ni Primo.
BINABASA MO ANG
Stupid Goddess
Teen Fiction[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana mapurol ang utak niya. Mahilig sa gawa at puro kuda. Isa raw siyang Diyosa ng kagandahan, ngunit sa i...