Chapter 26

674 41 2
                                    


Narito si Phemie sa detention room kaharap ang isang guro, nasa gilid niya naman si Primo at Coleen na ngayo'y inaakusahan siya sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa.


Pumeke ng ubo si Mrs. Gatchalian, ang secretary ng Dean. Noong una ang akala niya'y si Primo ang dean ngunit nagkamali siya.

"I'll repeat, did you—"

Pinutol niya ang sasabihin nito. "Paulit-ulit?! Hindi nga ako! Hindi ako! Hindi ako!" Napipikong aniya.

Kanina pa kasi ito nagtatanong sa kanya at kanina niya pa ito sinasagot pero mukhang hindi siya pinaniniwalaan nito.

"Liar!" Sigaw ni Coleen. "I saw you! May hawak kang bato! Iyong binabato mo samin kanina! And look!" Anito na itinuturo ang noong may band aid. "Nasugatan ako dahil sa kaniya! You should punish her, ma'am!"

"Yes, Ms. Coleen. Please, calm down. Gagawan namin ito ng paraan." Ani Mrs. Gatchalian.

Si Primo naman ay nanatili lang na tahimik habang naka-crossed arms at hindi inaalis ang tingin sa kaniya na hindi naman niya tinatapunan ng tingin.

"Ms. Montinez, you'll clean all the comfort rooms this week bilang parusa." Anito.

Nanlaki naman ang mata niya. "Pati sa boys?"

"Silly, of course not. Baka iba ang malinisan mo roon." Makahulugang sabi ng seretarya na bahagyang natawa. "Kada uwian niyo lang naman. Dismissed." Tumayo na ito at nauna ng umalis.

Tumayo na rin siya at akmang lalabas na nang hawakan ni Coleen ang braso niya. "Papahirapan kita. I'll make you suffer at pagsisisihan mo na kinalaban mo ako." Pagbabanta nito.

Napatingin siya kay Primo na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kaniya. Wala ba itong balak pigilan ang nobya?

Huminga siya ng malalim. Tinatamad na siya.

"Okay." Walang ganang sagot niya at saka binawi ang braso at lumabas na.

Sa paglabas ay maraming nakikiusyoso. Kalat na kalat na naman ang ginawa niyang katarantaduhan. Naroon na naman ang mapanuksong tingin, mapangutya, inis, galit, poot at inggit na binalewala niya lang lahat.

Alam niya sa sarili niyang wala siyang ginawa. Inosente siya. Walang alam. Sadyang matapang lang siya kaya niya nakakaya ang lahat ng ito pero darating din sa puntong mapupuno siya at sisiguraduhin niyang mas magsisisi ang gumagawa nito sa kaniya.

"Phemie!" Pagtawag ni Luther na agad siyang nilapitan na may pag-aalala sa mukha. "What happened?"

"Binato ko ng bato si Primo at 'yong mother fucker niyang jowa." Inis niyang sabi.

Nanlaki ang mata ni Luther. "Did you?"

Umiling siya saka napanguso. "Sana binato na lang din nila ako para patas. Sabi nga sa kasabihan 'Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng pato.'"

Natawa naman si Luther at inakbayan siya. "Anong parusa mo?"

"Maglilinis ako ng cr." Tamad niyang sabi.

Ginulo naman ni Luther ang buhok niya. "Don't worry, I'll help you."

Napahinto naman siya dahil doon. "Kuya, bakla ka ba?"

"What?" Gulat na tanong nito.

"Duh. Bawal kaya ang boys sa cr ng girls."

Napahiya naman si Luther. "Okay pero hihintayin na lang kita. Sabay tayong uuwi, okay?"

"May practice pa kayo 'diba?"

Nag-umpisa na muli silang maglakad. "Uunahin ko pa ba 'yon kesa sa kapatid ko?"

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon