Lumabas si Azriel ng kaniyang kwarto habang nakaayos na ang lahat. Dala-dala ang backpack na bumaba siya at naabutan ang ina at ama na nag-aagahan."Oh, my baby, tara eat na tayo!" Sinalubong siya ng kaniyang ina at pinugpog ng halik sa mukha.
Todo naman ang pag-iwas niya rito. Hindi na siya bata upang tratuhin pa ng ganito. "No, mom. Maaga akong papasok sa school."
Kumunot agad ang noo ni Glenda at sumama ang timpla ng mukha. Halata ritong may naiisip na iba. "Why? Pinapahirapan ka ba ng Primo na 'yon sa school, Azriel?!"
"Tss."
Mula sa kaniyang likuran ay narinig niya ang isang pag-ingos. Humarap siya sa taong iyon upang bigyan ito ng malaking ngiti sa labi.
"Good morning, Kuya!" Masayang bati niya sa nakatatandang kapatid na si Primo.
Walang imik itong tumango sa kaniya bilang pagbati na rin. Naglakad ito patungo sa lamesa, kumuha ng nakahandang tinapay bago iyon kinagatan.
"Primo, pinapahirapan mo ba ang anak ko roon?!" Biglang lumapit ang kaniyang ina kay Primo at dinuro-duro nito iyon.
"Glenda." May pagbabanta naman sa boses ng kaniyang ama.
Hindi naman na pinansin pa ni Primo si Glenda. Akmang lalabas na sana ito nang hilain ito sa braso ng kaniyang ina.
"Hindi pa ako tapos magsalita! Bastos ka talaga!" Sigaw ni Glenda, nasa boses din nito ang inis at disgusto.
Agad niyang nilapitan ang ina. "Mom, stop it. Hindi ako pinapahirapan ni Kuya, may importante lang akong gagawin." Paglalambing niya sa ina.
Kumunot ang noo nito, lumambot din ang ekspresyon nang tumingin sa kaniya bago padarag na binitiwan ang braso ni Primo. Ngumisi naman ang huli at lumabas na ng kanilang tahanan.
"Hindi ka ba kakain, baby ko?" Malambing na ang boses ngayon ni Glenda habang nakatingin sa kaniya.
"No, Mom. Next time na lang." Sagot niya bago malambing itong hinalikan sa pisngi. Kumaway naman siya sa kaniyang ama at tango lang ang isinagot nito.
Tumakbo siya palabas upang mahabol pa ang Kuya niya ngunit pagkarating niya roo'y wala na ito. Wala na siyang inaksaya pang oras at sumakay sa kaniyang motorbike, nagsuot ng helmet bago binuksan ang makina, at pinaharurot niya iyon ng mabilis.
Napailing na lang siya sa inasta ni Primo. Hindi talaga ito palakibo kapag nasa bahay nila. Hindi magsasalita at ayaw kausapin ang mga magulang nila. Alam niya ang dahilan kung bakit... dahil sampid lamang sila ng kaniyang ina rito.
Masaya nga siya't kahit na hindi sila magkapatid na buo ni Primo, tinanggap siya nito ng buong puso. Hindi siya nito itinuring na iba... bagkus ay naging malapit pa sila sa isa't isa.
Kaya naman ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi niya iiwan ang nakatatandang kapatid... hanggang sa siya'y nabubuhay.
***
Nakanguso si Phemie habang nasa loob ng kotse. Tinatahak nila ang daan patungong paaralan. Hawak niya naman ang phone na nasa kaniyang tainga at kausap ang ina ni Luther.
[Pakabait ka kay Kuya mo, ha? 'Wag magiging pasaway.]
"Opo, Mama." Labas sa ilong niyang sagot.
[Always remember that we love you, Phemie.] Malambing pang saad ng nasa kabilang linya.
"I-I love you too rin po." Naiilang man ay nagawa pa ring isambit ni Phemie ang mga katagang iyon.
BINABASA MO ANG
Stupid Goddess
Teen Fiction[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana mapurol ang utak niya. Mahilig sa gawa at puro kuda. Isa raw siyang Diyosa ng kagandahan, ngunit sa i...