Chapter 22

661 44 0
                                    


Siya nga talaga ang nagbigay ng kwintas. Siya. Si Phemie Montinez.

Nakita niya ang kwintas na iyon sa loob ng bag niya, hindi niya alam kung paano iyon napunta doon... dahil hindi naman kaniya at mas lalong hindi siya mahilig manguha ng hindi kaniya, ibinigay na lamang niya iyon kay Lauren.

Noong una ay puro tanggi ito, kaya't sinabi niya na lamang na hahanapin nila kung sino ang may-ari niyon. Ipinalagay niya na rin muna ang kwintas sa bag nito dahil baka makalimutan niya.

At ito na nga ngayon.

Narito siya sa Dean's Office at sino pa ba ang Dean? Eh, 'di si Primo. Ngayon ay seryoso itong naka-sandal sa swivel chair habang pinapaikot-ikot nito iyon. Ngumunguya din ito ng Bubble Gum.

"Did you stole the necklace?" Madiing ulit ni Primo sa kaniya.

Nagkibit-balikat na lamang siya. Wala na rin namang point para magpaliwanag pa siya. Naagrabyado na siya. May kalmot na siya sa mukha at braso, nauna na siyang saktan bago pa man maipaliwanag ang lahat. Ayaw niya ng magsalita.

Kung una pa lang ay pinakinggan muna siya ng mga ito, baka sinabi na niya ang totoo pero ngayon, naubos na ang pasensya niya. Hahayaan na niya kung ano man ang pumapasok sa isipan ng mga ito.

"Phemie." Saway sa kaniya ni Luther na nakaupo sa isang upuang katapat niya.

Muli siyang nagkibit-balikat. Matigas na ang ulo kung matigas. Ayaw na niyang magpaliwanag pa.

Napahinga ng malalim si Primo at itinukod ang siko sa lamesa nito. "Ayaw magsalita ng kapatid mo, Luther. No choice, bibigyan ko siya ng suspension."

Nakatingin lang siya sa kisame habang nag-uusap si Primo at Luther. Wala na siyang pakialam sa kung anong mangyayari. Wala na.

Nang makalabas sila sa Dean's Office ay nag-aabang na sa labas si Mouie, Aiden, at Kylo. Nag-aalalang mga mukha ang bumungad sa kanila mula sa mga ito.

"Anong sabi?" Agad na tanong ni Aiden.

"Suspension." Sagot ni Luther.

Hinarap ito ni Mouie. "How many days?"

"Two weeks." Muling sagot ni Luther.

"Let's go. Dadalhin kita sa clinic." Sabi ni Kylo at inalalayan siya.

Hindi pa nga siya nagagamot pero hindi niya iyon iniinda. Naiinis pa rin siya. Inis na inis kay Primo at Coleen.

'Pagbubuhulin ko talaga 'yong dalawa!'

Nang matapos magamot sa clinic ay walang imik na sumakay siya sa kotse ng Kuya niya. Si Gardo ang driver nito kaya't naupo rin ang Kuya Luther niya sa kaniyang tabi, sa backseat.

"I know you didn't stole Coleen's necklace." Sabi ni Luther na nakatingin lamang sa harapan.

Humalukipkip siya at naisip ang mukha ni Primo. "Isa kasi siyang mother fucker."

Nanlalaki ang matang hinarap siya ni Luther. "Saan mo natutunan 'yan?"

"Kay Aiden."

Umiling-iling ito. "Don't say bad words. 'Pag narinig ka ni Mama, pipingutin ka niyon."

Umikot lang ang mata niya. "Marami akong alam na mura, Kuya. Mas matindi pa sa ingles na 'yon. Puta, yawa, pastilan, gago, bwisit, kingin—"

"Stop it! Hindi maganda sa babae ang nagmumura!" Inis na sabi ng Kuya niya.

Ngumisi siya. "Hindi lang kasi ako maganda, Kuya. Dyosa ako."

Naiiling na lang si Luther sa kapatid. Masyado siyang makulit ngunit gayon pa man ay mahal na mahal siya nito.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon