Pinagtitinginan. Pinagbubulungan. Kalat na kalat na sa buong eskwelahan ang ginawang pagnanakaw daw kuno ni Phemie, kaya't ngayon ay pinagtitinginan siya ng lahat ng estudyante.Sabi nga sa kasabihan 'May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.'
Kakapasok niya pa lang ngayon dahil tapos na ang suspension niya. Halos lahat ng estudyante ay umiiwas o 'di kaya'y masama ang tingin sa kaniya. 'Yong iba nama'y natatakot na baka pagnakawan niya.
Natawa na lang siya sa isip. Ang mga tao nga naman, mapanghusga. Ni hindi nga nila alam ang buong kwento pero kung makahusga... wagas.
Pero hindi niya iniinda ang anumang paratang dahil alam niya sa sarili niya kung ano ang totoo. Siya ang nakakakilala sa sarili niya at hindi ang ibang tao.
Papaliko na sana siya patungong classroom nang harangan naman siya ng DA o DiLlaTa Angels, pero mas kilala niya sa tawag na Powder Puff Girls.
Dina crossed her arms and raised an eyebrow. "Look who's here?" Tanong nito. Ito 'ata ang favorite line ng DA dahil noong nakaraan lang ay ito ang bumungad sa kaniya sa library.
"Look who's there, pader?" Tanong naman ng kung sino at tumabi sa kaniya.
Nilingon niya si Mouie at nag-cross arms lang din ito na tila ginagaya si Dina.
Napasinghap naman si Dina at tinakpan ang bibig saka tumingin sa dibdib. "Y-you—meron naman, ah!"
Napaikot ang mata niya. "Stand it." Inis niyang sabi. Kagagaling niya lang sa gulo at ayaw niya ng panibagong gulo. "Excute me." Aniya at dumaan sa gilid ngunit hinarangan siya ni Wella.
"We're not done talking pa kaya. You're so bobo talaga." Maarteng sabi nito at pumameywang sa harap niya.
Napahinga naman siya ng malalim at sinadya niyang ibuga iyon sa mukha ni Wella. "Kung wala kayong mapagtripan, try niyong kulayan ang buhok niyo para naman kayo na talaga ang Powder Puff Girls." Naiirita niyang sabi. "You waking my time. Godnesses like me should workshipped at hindi hinaharangan lang ng mga nagfe-feeling maganda." She flipped her hair bago binangga ang balikat ni Wella at umalis.
Sumunod naman sa kaniya si Mouie. "Okay na sana 'yong sinabi mo kung hindi lang baluktot english." Natatawang anito.
Napanguso naman siya. "Wala akong lurel. Sa susunod magdadala na ako para straight na english ko."
"Ruler, Phemie girl. Ruler." Pagtatama ni Mouie sa sinabi niya na inirapan niya lang.
Nagpaalam na siya kay Mouie nang mapunta na sila sa harap ng classroom niya.
Taas-noo niyang binuksan ang pinto ng classroom at naroon na naman ang mga bulong-bulungan ng mga kaklase niya.
"She's scary."
"Itago mo laptop ko!"
"Oh my gosh! Nandito na ang magna!"
Hindi niya pinansin ang mga pangungutya ng mga kaklase niya at umupo na sa upuan. Wala si Lyncoln at hindi niya rin alam kung saan naroon ang lalaki.
Pumasok si Coleen ng classroom at natahimik ang lahat. Unang dumapo ang tingin nito sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
"Good morning." Walang kangiti-ngiting bumati si Coleen.
Nagsitayuan naman silang lahat. "GOOD MORNING, MS. COLEEN!" Saka muling naupo.
Tinitigan naman siya ng masama ni Coleen habang papaupo ito sa silya. Hindi siya nito nilubayan ng tingin.
"Malapit na ang Sports Fest. Nakapaghanda na ba kayo?" Tanong ni Coleen sa lahat.
"YES, MS. COLEEN!"
Napaikot naman ang mata niya. Naiinis pa rin kasi siya noong sinabunutan siya nito. Hindi tuloy siya nakapag-exam ng ibang subject pero pinayagan naman siya na mag-exam sa bahay kaso hindi niya naman alam kung anong score niya.
BINABASA MO ANG
Stupid Goddess
Teen Fiction[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana mapurol ang utak niya. Mahilig sa gawa at puro kuda. Isa raw siyang Diyosa ng kagandahan, ngunit sa i...