Ito na ang araw na pinaghahandaan ng lahat at pinakahihintay. Ang Sports Fest!Nasa kotse si Phemie katabi si Luther sa backseat, si Marion ay nasa driver seat at si Lara ay sa passenger seat.
Suot nila ang t-shirt na nakaprint na 'Family Montinez' na kulay asul. Naisip kasi ng mga magulang nila na suportahan sila sa pamamagitan din ng pagpaprint ng t-shirt.
Wala namang kaso kay Phemie iyon pero nahihiya siya dahil ito ang unang beses na mangyari ito sa buhay niya. Ngayon niya lang din kasi naranasan na magkaroon ng buong pamilya at natutuwa siya roon.
"Excited na ako sa laro niyo, anak!" Natutuwang sabi ni Lara na halos hindi na mapakali sa kinauupuan. "Iche-cheer ko pa kayo! Nagdala ako ng pompoms, eh!"
"Ma, may program pa. Ipapakilala pa ang mga makakalaban namin." Ani Luther.
"Anong oras ba game niyo?" Tanong naman ni Marion.
"2 pm." Maikling sagot ni Luther at inilabas na ang cellphone.
Nanahimik sila buong byahe bukod kay Lara na pana'y ang daldal patungkol sa kanilang laro.
Dumating sila ng eskwelahan at bukas na bukas ang gate. Madaming estudyante ang pumapasok pati na rin ang estudyante ng eskwelahang makakalaban nila.
Ipinarke ni Marion ang kotse sa parking lot at agad silang nagsibabaan.
Namangha naman si Phemie sa nakikitang alon ng mga estudyante. Ang dami kasi ng mga ito pero hindi naman sobrang dami na kayang sakupin ang buong eskwelahan.
Dahil na rin sa malaki ang SU ay ang eskwelahan nila ang napili para roon na lang ganapin ang Sports Fest. Isang linggo rin ang Sports Fest na ito at tatlong eskwelahan ang napili upang makalaban nila.
Ang Gorsollo High, Heart Academy at Racoso University. Unang-una nilang makakalaban ay ang Gorsollo High.
"Let's go!" Tumitiling sabi ni Lara at hinila na si Phemie at Luther papasok.
Nadaanan nila ang field ng soccer at ilang mga buildings bago nila nakita ang maraming upuan na nakalagay at stage.
Naupo na sila roon at naghintay pa ng kaunti bago dumating ang host, dean, secretary, at kung sino-sino pang maiimpluwensyang tao ang naupo sa pinakaunahan.
"GOOD MORNING, STERIES AND GORSOLLOS!" Magiliw na pagbati ng baklang host kaya't naghiyawan naman ang lahat. "I am Maria Leonora Theresa short for Masa and I'm your host for the whole week! Kaya tandaan niyo 'tong mukhang 'to. Nag-iisa lang ang mukhang 'to sa mundo ng mga tao." Dinuro-duro pa nito ang mukha.
"KASI MUKHA KANG HAYOP!"
Nagtawanan naman ang lahat dahil sa isinigaw ng isang lalaki.
"Tse! Baboy na 'to! Paluto mo muna 'yang taba mo bago mo 'ko pag-akusahang hayop, no!" Lalong natawa ang lahat sa banat ni Masa. "Anyway, narito ang dean natin at magbibigay siya ng maikling speech sa inyo." Ibinigay nito ang mikropono sa dean ng eskwelahan.
Ang maikling speech ay umabot ng ilang oras dahil sa sunod-sunod na speech ng mga kasama ng dean. Matapos niyon ay muling bumalik ang mikropono kay Masa.
"Ipapakilala na natin ang ating manlalaro! Ready na ba kayo?!"
"Yes naman!"
"OO!"
"Ready na!"
"Sige na!"
"Una nating ipapakilala ang Taekwondo Club ng Stery Academy. Come here, boys!" Tinawag na ni Masa ang mga lalaking nasa taekwondo. "Hmm! Pakurot sa pwet!" Hirit nito kaya't nagsitawanang muli ang mga estudyante.
BINABASA MO ANG
Stupid Goddess
Teen Fiction[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana mapurol ang utak niya. Mahilig sa gawa at puro kuda. Isa raw siyang Diyosa ng kagandahan, ngunit sa i...