Chapter 54

683 35 0
                                    


Naglabas ng baril si Glenda, kinasa at itinutok iyon mismo sa sentido ni Phemie na ngayo'y nakaluhod at nakatitig lamang sa kaniya habang lumuluha na tila walang pakialam sa nangyayari sa paligid.

Naalarma si Primo. "W-wag. Wag siya." Dahan-dahan niyang ibinaba ang baril na hawak saka itinaas ang dalawang kamay sanhi ng pagsuko.

Inihagis din ni Luther ang baril matapos ay ginaya rin siya hanggang sa naging sunod-sunod na sila.

Ngumisi si Glenda at tinapon sa harap niya ang papeles na hawak nito. "Sign it, Primo." Malambing na boses ang lumabas sa bibig nito na kabaliktaran naman ang makikita sa mata nito.

Dahan-dahan siyang yumuko upang abutin ang papeles sa sahig habang ang mga mata'y nasa baril na hawak pa rin ni Glenda. "W-wala akong ballpen."

Umikot ang mata ni Glenda at inihagis ang ballpen na hawak. Dinampot niya rin iyon at balak na sanang pirmahan ang papeles nang may marinig silang pamilyar na sigaw.

"Mommy!" Matinis ang boses na sigaw nito kay Glenda. Muling humawi ang mga armadong lalaki at dumaan sa gitna si Coleen.

"What do you want, Coleen? I'm busy!" Iritadong ani Glenda sa anak.

Hindi nito sinagot ang ina at inilibot ang tingin sa buong paligid. Suminghap si Coleen nang makita ang kabuuan ng lugar. Nasirang building, sirang mga gamit, magulong paligid, at may bakas ng dugo sa bawat sahig.

"What the hell, mommy?! Bakit kailangang umabot sa ganito?!" Inis na sabi ni Coleen sa ina na biglang napatingin sa nakahigang lalaki sa sahig at mas lalong nanlaki ang mata. "Oh my gosh! Jastin!" Agad na dinaluhan nito si Kylo na umuubo-ubo.

Inirapan ni Glenda ang anak. "Umalis ka rito, Coleen. Hindi kita kailangan."

Sinamaan ni Coleen ng tingin si Glenda. "Sumusobra ka na, mommy! Wala 'to sa napag-usapan natin! You even hurt my Jastin!"

Sinenyasan ni Glenda si Gray sa hindi kalayuan. Maya-maya lamang ay hinila na ni Gray si Coleen at pinahawak sa mga tauhan.

"Now, Primo," Binalingan siya ni Glenda. "Go, sign it. Nangangati pa naman ang daliri ko't baka maputok ko ito ng 'di oras." Pagbabanta nito.

"Don't you dare!" Sigaw niya na nanlilisik ang mata at agad na ibinaba sa papeles na hawak. Hindi na niya binasa pa iyon at mabilis lang na pinirmahan sabay inihagis pabalik kay Glenda.

Tumawa si Glenda habang hawak ang papeles at tinitignan ang pirma niya. "Mayaman na ako! Hahaha!" Tumingin si Glenda sa kaniya matapos ay ngumisi. "But I want to make you suffer, Primo."

Nanlaki ang singkit niyang mata at napalunok. May kutob na siya kanina ngunit hindi niya iyon pinansin sa kagustuhang iligtas si Phemie! "W-what---"

Sinipa ni Glenda ang nakaluhod na si Phemie sa likod kaya't napadapa ito. Tila nag-slow motion ang lahat nang itutok muli ni Glenda ang baril kay Phemie. Rinig na rinig nila ang malakas na tunog ng pagputok ng baril. Nagawa man niyang tumakbo upang lapitan si Phemie ngunit huli na dahil nabaril na si Phemie ng isang beses sa likuran nito.

Ikinasang muli ni Glenda ang baril at muling nagpaputok ngunit sa pagkakataong ito'y hindi na tumama kay Phemie ang baril kun'di sa lalaking humarang upang hindi na muling mabaril si Phemie. Si Kylo.

"Noooo!" Malakas na tili ang pinakawalan ni Coleen kasabay ng pagsugod ng ZERO sa tauhan ni Glenda at sa isang iglap ay muling nagkaguluhan ang lahat.

Mabilis niyang dinaluhan si Phemie, tinakpan niya ang likod ni Phemie kung saan ito nabaril gamit ang dalawang kamay niya habang patuloy namang umaagos ang dugo sa likuran nito banda sa may kanang balikat.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon