Chapter 28

685 44 0
                                    


Nasa eskwelahan si Macon kasama ni Rupert at Robert na mga personal bodyguard ni Primo, upang imbestigahan ang nangyaring pagsabog sa eskwelahan.

Nang dahil din doon ay ipinatigil ang Sports Fest dahil baka mapahamak pa ang maraming estudyante.

Kasama niya rin si Baxter, Jaxon, Lyncoln at Dion upang tulungan sila sa pag-iimbestiga habang si Primo, Luther, Kenji at Azriel ay naroon sa ospital upang asikasuhin ang tatlong biktima.

Si Coleen ay may bali sa kaliwang paa at si Lauren at Phemie naman ay nakalanghap ng usok ng apoy ngunit maayos naman ang lagay ng mga ito, base sa text ni Kenji.

Nagpunta sila sa building na ngayo'y tabingi na ang tayo. Nagsuot sila ng dilaw na hard helmet nang sa gayon ay maprotektahan mula sa matitigas na bagay ang kanilang ulo.

Pinuntahan nila ang limang lugar na pinaglagyan ng bomba at ang lahat ng iyon ay inilagay sa likod ng nasabing building.

"This is just a warning," ani Robert na dean nila. "Wala silang balak na saktan ang mga estudyante."

"Sinadya nilang sunugin at lagyan ng bomba ang builiding na malayo sa court para walang sinumang estudyante ang masaktan." Segunda naman ni Rupert.

Nakinig naman silang lima sa sinasabi ng dalawa. Hasa na ang dalawa sa mga ganitong krimen at silang lima ay hindi pa ganoon kagalingan sa mga ito.

"But what is their motive?" Tanong ni Dion.

"I think they just want to scare you." Ani Rupert. "Kaya huwag kayong masyadong mapanatag sa mga nangyayari. Paparating pa lang ang kalaban." Seryoso pang dugtong nito.

Bigla namang nag-vibrate ang bulsa niya. Nag-excuse siya at nagpunta muna malayo-layo sa mga ito saka niya sinagot ang tawag.

"What?" Bungad niya.

[Humingi ka ulit ng pera sa tatay mo.]

Nangunot naman ang noo niya. "He already gave the money last week."

[Last week pa 'yon! Naubos ko na sa sugal! Sabihin mo kailangan ko ng pera!]

Napasinghal siya. "How many times do I have to tell you? Tigilan mo na ang pagsusugal." Mariin niyang sabi.

[Wala kang karapatang pigilan ako! Anak lang kita, Macon! Anak lang kita!]

Bigla namang nag-init ang ulo niya. "Sana nga hindi na lang. Mas gugustuhin ko pang mabuhay ng wala ka."

[Ha! Ginaganyan mo na ako ngayon?! Gusto mo bang puntahan ko 'yong asawa ng tatay mo at sabihin kong may anak siya sa'kin?! Masaya 'yon! Malalaman niya na ang anak sa labas ng asawa niya ay kaibi—]

"Stop it already. Gagawin ko na." Aniya at pinutol na ang tawag.

Napahinga na lang ng malalim si Macon at nagtipa sa cellphone saka iyon ini-send sa kaniyang ama.

'Ang sikreto ay manatili na sanang sikreto.'

***

Naiinis si Coleen. Nadamay at nasaktan siya dahil sa pagsabog na iyon na hindi naman dapat. Hindi dapat siya kasali.

Ini-dial niya ang unang-una sa contacts niya. Ilang ring lang at sinagot na iyon ng ina.

"Mom, how could you do this to me?!" Unang bungad niya rito.

[What? Why?]

"Kasama ako sa nasabugan sa building na iyon! Nabali 'yong left leg ko! Huhu!"

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon