"N-nasaan tayo?" Tanong ni Phemie habang pana'y ang lingon sa kaliwa't kanan."Welcome to my paradise." Sagot ni Primo habang nakangiti. Iginigiya siya nito papasok ng gate.
Hindi niya maiwasang mapanganga matapos makita ang loob niyon.
May isang malaking bahay sa gitna, halos kalahati ng pader nito ay puro salamin lang, kitang-kita niya ang mga taong kumakain doon. Sa kabilang gilid naman ay tila pahingahan habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Sobrang ganda ng tanawin at maraming bulaklak at puno sa gilid-gilid.
"A-ang ganda rito." Mahinang aniya. Nakanganga niyang inililibot ang tingin sa buong paligid.
Kitang-kita niya pang may mga batang nagtatakbuhan habang may hawak na saranggola. Ang iba ay nakahiga sa damuhan at nakatingin sa kalangitan. Marami mang tao pero malaki at malawak ang lugar kung kaya't hindi sikipan.
"I know." Sagot ni Primo sa kaniya. "Gusto mo bang kumain?" Tanong nito.
"Hindi—" biglang kumulo ang tiyan niya at narinig nila ang pagtunog nito.
Tumaas ang kilay nito. "Iba ang sinasabi ng tiyan mo." Anito, saka siya hinila papasok sa pinto ng malaking bahay na gawa sa bato.
Sa pagpasok doon ay lalo siyang napanganga. Halos karamihan doon ay puro pinintahang larawan na tila buhay na buhay, 3D kung baga.
Pumasok sila sa isa pang pinto at doon niya nakita ang mga chef na nagluluto, stove, pagkain na isiniserve or in short nasa kusina sila.
Nang makita sila o si Primo ng mga ito, bigla itong nagsipagyukuan na ikinataka niya.
"Good afternoon, Sir!" Sabay-sabay nitong sigaw.
Tumango si Primo at hindi pinanasin ang mga ito saka siya ipinasok sa isa pang pinto, doon niya nakita ang mga taong kumakain kanina. Masaya ang lahat habang nagkekwentuhan at kumakain kaya't hindi niya rin naiwasang mapangiti.
Pinaupo siya ni Primo sa isang upuan doon—kung saan kita rin ang mga chef na nagluluto sa loob ng kusina dahil babasaging salamin din ang nakaharang doon.
"Just wait for me here." Rinig niyang sabi ni Primo.
Magtatanong pa sana siya kung bakit ngunit nakaalis na ito at muling pumasok sa pintong kanilang pinaglabasan kanina. Kitang-kita niyang kumuha ng apron si Primo at lumapit sa isang stove, tumulong din ito sa pagluluto.
Hindi niya maiwasang mapanganga habang nagluluto ito sa loob. Parang nag slow motion ang lahat habang binabaliktad ni Primo ang niluluto na naroon sa kalan, kitang-kita niya ang bicep nitong gumagalaw dahil doon.
Napalunok siya. Mas masarap 'atang kainin ang kwagong iyon kaysa ang pagkain niluluto nito.
Tumingin sa bahagi niya si Primo kaya't napatalon siya sa gulat. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin dito. Pinunasan niya pa ang gilid ng labi kung saan may sugat, ramdam niya kasi ang pagtulo ng laway niya roon.
BINABASA MO ANG
Stupid Goddess
Teen Fiction[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana mapurol ang utak niya. Mahilig sa gawa at puro kuda. Isa raw siyang Diyosa ng kagandahan, ngunit sa i...