Pinunasan ni Coleen ang luha at umayos ng tayo. Hindi na niya nakita pa ang likod ni Primo kaya't bumalik na siya sa kaniyang kotse at tinawagan aJng kaniyang ina."Mommy, I didn't make it. Hindi na niya talaga ako mahal." Nakangusong aniya habang ang tingin ay nasa kalsada lamang.
[What the hell, Coleen?! Hindi ba't sinabi kong galingan mo ang pag-arte?!]
Halos mawindamg siya sa sigaw ng kaniyang ina ngunit hindi naman tinanggal ang nakapasak sa kanan niyang tainga. Ayaw niyang magalit pa itong lalo kung bababaan niya ng tawag.
"Ginalingan ko kaya! Umiyak pa ako at nagmakaawa sa kaniya pero hindi na siya naniwala sakin."
[Tanga-tanga ka kasing baabe ka! Kung hindi mo siya iniwan noon, maayos pa sana ang plano natin! Inuuna mo kasi 'yang lintik na pag-ibig na yan! Walang maitutulog sayo 'yan!]
Napaikot ang mata niya. Naiinis na siya. Palibhasa'y hindi naman kasi nito mahal ang kasalukuyang asawa. Ginagamit lang din nito ang asawa para mapalapit sa target nila.
"Okay, fine. It's my fault na, you're happy?" Sarkastikong aniya.
[I'm not. Magiging masaya lang ako 'pag nakuha ko na ang kailangan ko!]
Nakagat niya ang ibabang labi nang babaan siya ng tawag ng ina. Minsan gusto na niya talagang magreklamo, hindi naman niya gusto ang nangyayari pero dahil may makukuha naman siya, sinusunod niya na lang ang utos nito.
Pinarada niya ang kotse sa parking lot at pumasok sa isang building. Pupunta siya ngayon sa condo ni Kylo upang kamustahin ito sa nangyari. Nabugbog kasi ito at nag-aalala siya para dito.
Yes, she really didn't love Primo. Ang mahal niya ay si Kylo. Kahit na labag sa kalooban ng ina ay sumunod siya kay Kylo sa Singapore dahil sa pagmamahal niya dito. Tumira siya sa katapat na pad ni Kylo with his friend Ainsley, iwas na iwas si Kylo sa kaniya kahit na dikit na siya ng dikit dito at ginawa niya na lahat ng pang-aakit ngunit hindi bumigay si Kylo.
Matapos ng isang taon, nalaman na lang niyang pumunta naman ng Paris si Kylo kaya't muli siyang sumunod ngunit hindi na niya nahanap ang lalaki. She spent one year in Paris sa paghahanap kay Kylo ngunit hindi na niya ito natagpuan at nang marinig niyang umuwi na ng Pilipinas si Kylo matapos ng isang taon sa Paris, muli siyang sumunod dito. Doon muli nabuo ang plano nilang mag-ina at inakit niya nga si Primo.
Ganoon siya kabaliw kay Kylo ngunit tingin niya'y kahit ni katiting ay walang nararamdaman sa kaniya ang lalaki at iyon ay nagpapasikip sa kaniyang dibdib.
Kumatok siya sa condo ni Kylo at bumungad sa kaniya ang katawan nito. Hindi niya maiwasang tignan ang katawan nito taas-baba. Naka-boxer lamang si Kylo at walang suot na pang-itaas. Magulo ang buhok at halata pa ang mga pasa dahil sa pagkakabugbog.
Napalunok siya. "H-hi! Can I come in?" Nagawa niyang tignan ang mukha nito at lumambot ang kaniyang ekspresyon. Putok pa rin ang gilid ng labi ni Kylo na medyo nawawala na ngayon habang may pasa pa ring makikita sa kanan nitong mukha.
"What do you want, Coleen?" Malamig na tanong sa kaniya nito.
Imbis na sagutin ito'y hinawakan niya ang kanang pisngi nito gamit ang kaliwang kamay. "A-are you okay? Masakit ba?"
Mabilis namang tinanggal ni Kylo ang kamay niya sa pisngi nito. "Leave. Hindi ko kailangan ang awa mo."
"Nag-aalala ako, Jastin! Nagpunta ako dito to check you dahil nabugbog ka!"
Nangunot naman ang noo ni Kylo. "Ang ZERO lang, si Phemie at ako ang nakakaalam na nabugbog ako. Kaya paano mo nalaman?" Ngumisi si Kylo. "Imposible naman na kay Phemie mo 'yan nalaman."
BINABASA MO ANG
Stupid Goddess
Teen Fiction[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana mapurol ang utak niya. Mahilig sa gawa at puro kuda. Isa raw siyang Diyosa ng kagandahan, ngunit sa i...