Chapter 35

679 38 0
                                    


Nagising si Kenji mula sa mahimbing na tulog nang may marinig siyang sigawan mula sa ibaba. Kauuwi niya lang galing sa bakasyon nila sa Tagaytay at ngayon ay may iistorbo pa sa tulog niya.

Kahit inaantok at pagod pa ay umalis siya sa kwarto niya at bumaba upang tignan kung sino ang bumubulabog sa kanila sa ganitong oras.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakakausap si Arman!"

"I've already told you! My husband is not here!"

"Tabi! Wag mong itago sakin ang asawa mo!"

"Leave or I'll call the police?"

"Sige! Para magkaalaman na tayo!"

Nangunot ang noo niya sa naabutan paglabas niya. Naroon ang kaniyang ina na si Hershey sa gate at tila may kinakausap.

Nilapitan niya ito. "Ma, who's that?" Inaantok niyang tanong.

Napatalon naman sa gulat si Hershey at nanlalaki ang mata ng makita siya. "K-kenji," gulat nitong sambit. "M-matulog ka na." Bigla siya nitong tinulak patungo sa loob.

"No, wait. Who is that?"

Natatarantang mas lalo pang itinulak ni Hershey si Kenji sa takot. "Everything's fine here—"

"Oh!" Biglang pumalakpak ng isang beses ang babaeng sumilip sa gate at tinignan siya ng may ngisi sa labi. "Ang anak, nandito na!"

"K-kenji, pumasok ka na sa loob!" Rinig niya ang pagkataranta sa boses ni Hershey.

Hindi niya pinansin ang ina at nilampasan ito saka nilapitan ang gate nila. "Who are you?" Tanong niya habang pinagmamasdan ito. Tila pamilyar ang mukha nito sa kaniya.

"Ako si Esmeralda. Hindi ba ako naikwento ng mama mo?" Nakangising anito.

"Why are you smirking? Ano bang pakay mo?" Bigla siyang nairita sa ngisi nito.

Napahinga ito ng malalim. "Gusto ko lang naman makausap si Arman. Ayaw naman akong payagan ng mama mo."

"What do you want from him?"

Hinawakan siya ni Hershey sa braso. "A-anak, akyat ka na sa taas, please?" Hindi naman niya pinansin ang ina.

"Pera." Sagot nito. "Kailangan ko ng pera. Magugutuman na kami ng kapatid mo. Kulang-kulang binigay ng tatay mo."

"W-what?" Nabigla siya. Kapatid? Nabibingi lang siya. Isang anak lang siya. Wala siyang kapatid.

"Ay hindi mo alam? May kapatid ka—"

Sapilitan na siyang hinila ni Hershey papasok at sinara ang gate. "Upstairs! Now!" Nag-uutos na anito at kung dati'y mabilis siyang mapasunod dito ngunit hindi ngayon.

"What is she talking about, ma? Anong kapatid?" Tanong niya. Hindi siya basta-basta na maniniwala doon sa babaeng iyon. Marami ng baliw na tao ngayon.

Nag-iwas ng tingin si Hershey. "I-it's nothing."

Nangunot naman ang noo niya at hinawakan sa magkabilang balikat ang ina. "Ma, tell me what is it?!"

Doon bumagsak ang luha ni Hershey. "I-i'm sorry, Kenji. Last week ko lang nalaman."

"Nalaman ang alin?" Kinakain na siya ng kursyoridad. Ano ba talaga iyon?

"You have a half-brother, Kenji," nabitawan niya ang ina sa isiniwalat nito sa kaniya. "And he's the same age as yours." Dugtong nito na nagsisibagsakan ng mabilis ang luha.

So, all this time his father, Arman Heston, cheated on her mother?

Tulalang napakuyom ang kamao niya.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon