Chapter 32

753 42 0
                                    


Nakatulala lamang si Phemie sa kwarto niya, nakatihaya ng higa at nakatitig sa kisame, habang ang mga daliri'y pinaglalaruan ang labi.

Wala pa ring pasok dahil pinapaayos pa ang nasirang building sa eskwelahan. Mas hinihigpitan ang seguridad nang sa gayon ay hindi na muling mangyari pa ang trahedyang iyon.

Dalawang araw na nang makalabas siya ng ospital at dalawang araw niya na ring hindi nakikita si Primo simula noong halikan siya nito sa labi.

Ramdam niya noon ang lambot ng labi ni Primo na tila hanggang ngayon ay nakadikit pa rin sa kaniyang labi, ang dalawang beses na paggalaw niyon sa labi niya bago ito tumigil at umalis.

Hindi naman iyon ang unang halik nila dahil ang una ay noong nalaglag sila sa swimming pool, ngunit mas may epekto sa kaniya ang ikalawa at hindi niya alam kung bakit.

Nagpagulong-gulong siya sa kama na para bang isang taong nasisiraan na ng ulo. Pati ang buhok niya ay hindi niya pinalampas.

"Ahhh! Ano ba, Phemie?! Ganito ka ba ha?! Ganito ka na ba kalandi?!" Tanong niya sa sarili sabay inuuntog-untog ang ulo sa unan.

Muli siyang gumulong-gulong habang binabatukan ang sarili. Hindi niya kasi maalis sa isipan niya si Primo at ang mga labi nito.

"Ah!" Inda niya nang malaglag siya sa kama sa kagugulong.

Hinawakan niya ang kaliwang tagiliran at ngumiwi, bigla niyang naalalang hindi pa pala tuluyang gumaling ang sugat sa tagiliran niya pero naglilikot na siya ngayon.

Tumayo siya at kinuha ang tubig at gamot sa side table saka iyon ininom, matapos niyon ay naupo siya sa gilid ng kama saka napasimangot.

Naalala niya kasi si Primo. Bakit nga ba bigla na lamang itong umalis matapos siyang halikan?

Oo, hindi siya nag-toothbrush ng araw na yun pero kumain naman siya ng Max. Kahit papaano ay wala ng amoy ang bunganga niya noon.

Napaikot ang mata niya. Maarte ngang talaga si Primo. Noon nga sa iskwater kahit walang ligo, walang toothbrush, at kahit amoy bangkay ay nakikita niyang naghahalikan pa rin ang iba. Iba talaga ang mga mayayaman.

Pero bigla siyang natigilan. Bakit nga ba iniisip niya na naman si Primo? Wala na bang pwedeng isipin ang utak niya kun'di Primo?

Napasabunot siya sa sarili at sa ganoong eksena ay naabutan siya ni Luther.

"Phemie?" Takang tanong sa kaniya ni Luther.

Natigilan naman siya at ngumiti kay Luther. "Bakit, kuya? Dedede ka?"

Nangunot ang noo ni Luther. "May gustong kumausap sa'yo sa baba."

Nagliwanag naman ang mukha niya. Malamang si Mouie o kaya si Aiden iyon. Sa wakas, makakagala na rin siya!

Agad siyang nanakbo palabas. Naitulak niya pa nga ng malakas si Luther sa sobrang pagmamadali ngunit nadismaya lang siya sa nakita.

Wait, nadismaya o nahiya?

Bigla siyang tumalikod pabalik sa kwarto niya nang hawakan nito ang braso niya.

"W-wait." Ani Primo.

Nakayukong pilit niyang hinahatak ang braso at biglang namula ang magkabilang pisngi. Teka, bakit nga ba siya nahihiya?

"Phemie." Pagtawag nito sa pangalan niya sa seryosong tono saka hinawakan ang baba niya. Inangat nito ang mukha niya upang salubungin ang mata nito.

Umiwas siya ng tingin at tumingin na lamang sa noo nito dahil hindi niya kayang makipagtitigan dito.

"A-ano bang kailangan mo? I'm bessy tight now!"

Nangunot naman ang noo ni Primo at pilit na hinuhuli ang tingin niya ngunit sa bandang huli ay sumuko rin ito at huminga ng malalim.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon