Kabanata I

1.2K 17 1
                                    

Narrator P.O.V.

Sa Hathoria...

"Arvak!" Dumating si Cassiopeia na galit na galit.

"Bakit ka nanggugulo dito sinaunang hara ng Lireo?" Tanong ni Hagorn.

"Nang ipagkaloob ko sa inyo ang mga brilyante... ay pinanghawakan ko ang mga pangako ninyo... na gagamitin nyo iyon para sa kabutihan! Ano't nakalimot yata ang Hatoria? Ano't hindi na kayo gumagalang... Sa buhay at karangalan ng iba?!" Galit na galit na sabi ni Cassiopeia habang lumalapit sa kanya. Sa sobrang galit ni Arvak ay ginamit nya ang brilyante ng apoy laban kay Cassiopeia pinaramdam nya ang init ng impyerno gamit ang brilyante ng apoy. "Ahhhhhhh!" Napaluhod si Cassiopeia sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Nang itigil ni Arvak ay tumayo syang muli gagamitin nya sana ang kanyang kapangyarihan laban kay Arvak ngunit dumating si Ether at humarang sa kanya upang di nya mapatamaan si Arvak. "Bathaluman Ether anong ginagawa mo dito?"

"Nandito ako upang pigilan ka alaga ko si Arvak di ko hahayaang paslangin mo sya shhhhh" sambit ni Ether at sinubukan nyang tuklawin si Cassiopeia ngunit nakailag ito.

"Wag kang magmakaelam Bathaluman kung ayaw mo maski ikaw ay aking idamay" matapang na sabi ni Cassiopeia.

"Napakatapang mo ata hara durie ng Lireo ano laban mo sa akin? Isa ka lamang diwata ako ay bathaluman" pag mamayabang ni Ether.

"Hindi ka makatarungan Ether hinayaan ka ni Emre na bigyan silang pag subok upang tumatag at lumakas ngunit hindi ang pag laruan sila" medyo lumayo si Cassiopeia. "Patawarin sana ako ni Emre sa aking gagawin ngunit ito ang sa tingin ko ay tama. Arvak... Nagtagumpay ka man sa inyong pag kaganid... ngunit hindi sa habang panahon... Ether... nagtagumpay ka man sa paglalaro sa mga naninirahan dito sa Encantadia at nag tagumpay man ang iyong alaga... ngunit kagaya nya ay hindi sa habang panahon magagawa mo ito nila Arde... pagkat sa mga sandaling ito... ay nasa sinapupunan na ng isang ina ang dalawang natatanging pinuno... na kasabay ng iyong kamatayan Arvak ay kanila namang pag silang... ang isa ay isa sa mga pinunong matatapang na balang araw ay tuluyang mag papabagsak sa Hathoria... Ang isa naman ay natatanging bathala na makapangyarihan kesa sa iyo Ether na balang araw magbubura sa inyo ni Arde sa Encantadia" galit at seryosong sabi ni Cassiopeia.

Sa Lireo...

"Raquim aking mahal" may ngiting sinalubong ng yakap ni Hara Mine-a si Rama Raquim ang kanyang kabiyak nag tataka siguro kayo binago ni Cassiopeia ang batas ng Lireo hinayaan nya na mag karoon ng Hari ang Lireo sapagkat napagtanto nya ang pinakamalakas ng panggala ay sandata ay pag ibig. "Mahal ko nabalitaan mo na ba?"

"Oo aking hara nabalitaan ko na ang tungkol sa ating anak" hinalikan ni Rama Raquim ang kamay ni Hara Mine-a. "Isang biyaya ang mag karoon ng anak ako ay lubos na nag papasalamat kay Emre sapagkat binigyan nya tayo ng anak na naging bunga ng ating pag mamahalan" nag yakapan sila.

"Hara at Rama pwede ba namin kayong maabala?" Tanong ni Aquil nakararating lang kasama ni Muros. "May mga Sapirian na nais kayong makausap may ibabalita sila sa inyo na di ko sigurado kung ito ba ay maganda"

"Papuntahin nyo sila" sabi ni Rama Raquim.

"Masusunod Rama... Sapirian mag sipasok na kayo" pumasok na ang mga Sapirian.

"Nabalitaan po namin na lulusubin kami ng Hathoria at sigurado po kami na dahil ito sa brilyante na pinangangalagaan ni Rama Armeo andito po si Hara Amanda upang dito manatili para sa kaligtasan nila ni Rehav Ybrahim at Ybarro" dumating ang Hara ng Sapiro.

"Raquim sana maasahan ka ng iyong apwe sa pag laban sa Hathoria" sambit ni Hara Amanda.

"Makakaasa ka sa akin Hara Amanda" bumaba si Raquim.

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon