Narrator P.O.V.
Muros: Hara Amihan… natag puan namin ito
Kinuha ni Amihan ang lampin na hawak ni Muros sa sobrang sakit ng nadarama ay napaluhod sya dinamayan sya ni Celestia at pinapakalma.
Amihan: magbabayad sila sa kanilang ginawa sa aking anak!
Sa Hathoria…
Dumating ngayon si Amihan na galit na galit kasama nya si Celestia.
Hagorn: ano ang ginagawa ng mga diwata dito?
Celestia: kailangan mo pa bang mag tanong kahit alam mo na ang kasagutan?
Hagorn: kahit kailan talaga hindi ka matinong sumagot
Amihan: pashnea ka Hagorn! Maski sanggol na walang kamuang muang dinamay mo!
Hagorn: hindi ko alam ang sinasabi mo
Amihan: ssheda! Wag ka ng mag sinungaling Hagorn! Pag babayaran nyo ang ginawa nyo sa aking anak! (Inilabas nya ang kanyang brilyante) brilyante ng hangin inuutusan kita! Tanggalin mo ang hininga ng mga kawal ng Hathoria maliban kay Agane at Gurna… nais kong makita nila ang pag kaubos ng kanilang mga kauri
Nag liwanag ang brilyante ng hangin at unting unting na ubos ang mga hathor. Nagalit ng sobra si Hagorn kaya pinatamaan nya sila Amihan mabuti na lamang nakagawa ng sanggala si Celestia.
Celestia: mali ang iyong ginawa Hagorn (inilabas nya ang kanyang brilyante) brilyante ng diwa inuutusan kita wasakin mo ang Hathoria nais kong bumagsak sila tulad ng dati
Nag liwanag ang kanyang brilyante at yumanig ang lupa kasabay ng pag bagsak ng kaharian.
Celestia: halika na Amihan upang di tayo makasama sa pag bagsak ng Hathoria
Sa Linfloria…
Nasa Azotea ngayon ang mga diwani, rehav at miting mga bathala sapagkat naramdaman nila ang pag yanig ng lupa kaya naman ay lumabas sila.
Kahlil: nakikita nyo ba ang nakikita ko?
Anthony: of course we see it
Pao-Pao: hindi naman kami bulag Kuya Kahlil para hindi namin makita ito
Sinamaan ng tingin ni Kahlil si Pao-Pao na ngayon ay Tumawa tawa lang.
Lira: bumabagsak ang Hathoria
Mira: sino kaya ang may kagagawan nito?
Austin: si Sanggre Celestia…
Wahid: paano mo nasabi?
Kiara: pagkat nakikita namin ang kasalukuyan at ang nakaraan isa iyan sa mga taglay naming kapamgyarihan bilang bathala
Sa Avila…
Nasilabasan ang mga mulawin sa kanilang silid dahil naramdaman nila ang pag yanig ng lupa tinignan nila kung bakit nangyari ang pag yanig.
Lakan: bumabagsak muli ang Hathoria
Sa Lireo…
Naramdaman nila ang pag yanig at nakita nila ang pag basak ng Hathoria bumalik na sila Celestia at Amihan.
Imaw: mabuti at narito na kayo… ikaw ba ang may kagagawan nito Hara Amihan?
Umiling si Amihan at nakatulalang nag lakad papunta ng kanyang silid sinamahan sya ni Ybrahim.
BINABASA MO ANG
Encatadia:Our Destiny
FantasyDalawang sanggol ay ipapanganak sa panahon kung saan hindi ka tiyak sa panahon ng iyong kamatayan sila ay isisilang upang tuluyan ng makamtan ang nais ng puso ng bawat isa wawakasan nila ang lahat ng masama ang kapayapaan ay muling masisilayan sila...