Narrator P.O.V.
"Sino ba ang tinutukoy mo?" Takang tanong ni Samara.
"Malalaman mo iyan pag dating ng araw" sagot ni Alexus at pumunta ng kanyang hardin sinundan sya ni Samara.
"Sino nga kasi?!" Galit na tanong nito.
"Si Cassiopeia" nakangiting sagot ni Alexus gulat na gulat naman si Samara.
"Alam ba ito ni Celestia?" Tanong ni Samara tumango naman si Alexus.
"Sya ang unang nakaalam tungkol dito… may isa pa na kailangan mong malaman… panoodin mo ito"
Sa Devas…
"Bathalang Emre…" sabi ni Cassiopeia at lumuhod. "Poltre… kung ginambala kita"
"Ano ang kailangan mo Cassiopeia?" Tanong ni Emre at humarap sa kanya tumulo ang luha ni Cassiopeia.
"Nag dadalang diwata ako…" malungkot na sabi nito. "At alam nating dalawa kung sino ang ama"
"Hindi ko kayang panindigan ang bata… labag sa batas din kung papakasalan kita" malungkot na sabi ni Emre.
"Pwede mo naman tanggalin ang batas diba?" Tanong nito na makikita mo ay pilit na umaasa bumugtong hininga si Emre.
"Sige… tatanggalin ko ang batas… tatanggapin ko ang bata at ikaw" malungkot nitong saad tumayo si Cassiopeia.
"Hindi na pala… mukhang napipilitan kalang mahal na bathala… kalimutan mo na lamang ang araw na ito… kalimutan mong may anak ka sa akin" malungkot na sabi ni Cassiopeia tumalikod sya. "Avisala meiste"
Sa Sapiro…
Nasa punong bulwagan silang lahat at nag pulong pulong biglang sumulpot si Samara.
"Ano nanaman ba pinag gagawa mo Celestia?!" Galit na galit na tanong ni Samara nagulat naman ang kahat sa pag dating nya natakot si Lira tumayo si Celestia.
"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ni Celestia lumapit sa kanya si Samara.
"Para buksan mata mo… hindi natin makakayanan ang aking ina kung wala sa iyo ang kapangyarihan" inis na sagot nito hinawakan sya ni Celestia sa braso.
"Huwag tayong mag usap dito hintayin mong matapos kami" galit na sabi nito.
"Celestia…" may tumawag sa kanya kaya napatingin sya at nakita nya si Mata na lumuluha.
"Cassiopeia… anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Celestia at nilapitan nya ito.
"Tulungan mo ako" sabi nito.
"Paano kita matutulungan?" Tanong ni Celestia hinawakan ni Cassiopeia ang kamay ni Celestia.
"Mag balik kang muli sa Devas" sagot nito nagulat naman sya.
"Buti yan ang hinihiling mo Mata… laking tulong nyan kung babalik ka" nakangiting sabi ni Samara.
"Ssheda Samara… Cassiopeia hindi pwede… alam mong pinagbabawalan akong makatapak sa Devas" malungkot na sabi ni Celestia yumuko naman si Cassiopeia. "Mashna Alira… dalhin sila sa hardin ng Sapiro… mag usap tayo mamaya… lalo ka na Samara"
"Masusunod po" sabi ni Alira at umalis na sila.
"Agape avi sa naganap… magpatuloy na tayo"
Sa kagubatan…
Umalis si Alena sa Sapiro at pumunta sya sa kagubatan hindi na nya kaya dahil sobra na syang nasasaktan kaya naman ay lumisan ito ng walang paalam. Napahawak sya sa kanyang sinapupunan sapagkat sumasakit ito kaya naman ay umiri sya at lumabas ang bata.
"Ikaw si Khalil anak ni Alena at Ybrahim… lagi mo iyang tandaan" malungkot na sabi ni Alena at tumulo ang luha nya. "Binabasbasan kita na ikaw ay magiging malaki ka upang kaya mong ipaglaban sarili mo"
Binaba nya ang sanggol at naging pagong sya pumunta sya sa dagat at lumaki bigla si Khalil.
'Darating ang panahon na magkikita muli tayo aking anak'
Sa hardin ng Sapiro…
"Ahhhh!" Daing ni Cassiopeia at napahawak ito sa kanyang sinapupunan.
"Cassiopeia ayos ka lang ba?" Tanong ni Samara nag aalala ito kaya naman ay hinawakan nya ang mag kabilang balikat ni Mata at inalalayan ito.
"Manganganak na ako Samara" sabi nito nagulat naman si Samara maya maya ay dumating si Celestia.
"Dalhin natin sya sa aking silid" sabi ni Celestia.
"Ako na bahala sa kanya mag tawag ka ng kumadrona o dama"
Sa Devas…
"Sya parin ba ang nilalaman ng iyong puso?" Tanong ni Vashna.
"Hindi ko alam… baka… oo… siguro" sagot ni Emre lumapit sa kanya si Vashna.
"Hindi naman madaling makalimot" nakangiti nitong sabi. "Pero dapat hindi tayo mandamay sa sakit na ating nadarama"
Bumugtong hininga si Emre.
"Ano ang aking gagawin Vashna?" Tanong nito tumingin sa kanya si Vashna.
"Alahanin mo ang huling habilin nya sayo" sagot nito at ngumiti umalis sya upang mapag isa si Emre at malinawan.
'Nais ko… na buksan mo ang puso mo sa iba… hindi tayo ang para sa isa't isa… sana maging bukas ang iyong mata upang makita mo sya… kasi hindi mo sya nakikita… palagi ka na lamang sa akin nakatingin… nandyan lang sa tabi tabi ang taong mamahalin ka ng tunay… hayaan mo na lumingon ang iyong mata… hayaan mo na muling mahulog ang puso mo… hayaan mo ang lahat mang yari sapagkat ito ay nakatadhana noon pa man…'
Sa silid ni Celestia…
Nailuwal na ang sanggol na anak ni Cassiopeia at Emre.
"Ano ang plano mo?" Tanong ni Samara.
"Palalakihin ko sya ng mag isa" nakangiting sbai ni Cassiopeia at tumingin sa sanggol.
"Mukhang hindi mo sya mapapalaki na mag isa" nakangiting sabi ni Celestia napakunot naman ng noo si Cassiopeia.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong nito.
"Makikita mo na lamang mamaya hintayin natin sya" sabi nito at lumabas na nandito ngayon sya sa punong bulwagan.
"Nakita nyo ba si Alena?" Tanong ni Danaya.
"Hindi pa namin nakikita ang ating apwe simula kanina" sagot ni Pirena.
"Hahanapin ko sya" sabi ni Celestia tumingin sa kanya lahat.
"Sigurado ka?" Tanong ni Amihan.
"Oo naman" sagot ko.
"Samahan na kita sa pag hahanap kay Alena" sabi ni Ybarro.
"Huwag na kami na lamang ni Lakan ang mag hahanap" nakangiting sabi ni Celestia at tumingin kay Lakan ngumiti naman ito nakita ni Ybarro tinginan nila kaya nag yukom sya ng kamao.
"Mas mabuti ng tayo ang nakikita kesa naman may iba makakita iba kasama mo" mahinahong sabi nito tumango lang si Celestia.
"Kung gayon mag ingat kayo sa labas delikado tayo ngayon"
Sa kagubatan malapit sa baybayin…
Naghiwalay sila ni Ybarro sya ang naatasan dito nakita nya ang isang emcantado at kakaiba ang kanyang nadarama.
"Encantado ano ang iyong pangalan?" Tanong nito tumingin sa kanya ang Encantado nilapitan nya ang Encantado at hinawakan kamay pumikit sya at nakita nya ang nakaraan ng encantado umiyak sya at dumilat yumakap sya dito.
"Ako si Khalil anak ni Alena at Ybrahim"
BINABASA MO ANG
Encatadia:Our Destiny
FantasyDalawang sanggol ay ipapanganak sa panahon kung saan hindi ka tiyak sa panahon ng iyong kamatayan sila ay isisilang upang tuluyan ng makamtan ang nais ng puso ng bawat isa wawakasan nila ang lahat ng masama ang kapayapaan ay muling masisilayan sila...