Kabanata XLV

263 7 0
                                    

Narrator P.O.V.

Kagigising lamang ni Celestia sapagkat napagod sya kagabi marami ang kaganapan. Lumabas sya ng kanyang silid at nakita niya sila Aquil na tila ay malalim ang iniisip.

Celestia: bakit ganyan ang inyong wangis?

Aquil: sapagkat kami ay kinakabahan

Kalina: alam na nila ang tungkol sa pag katao ninyo

Asiya: pinapapapunta pa kayo

Natawa si Celestia sa kanilang reaksyon alam nya ang tungkol dito kaya naman ay umiling uling ito sumimsim sya ng tsaa.

Aquil: Hara Celestia hindi ka man lang ba kinakabahan?

Kalina: oo nga kamahalan

Celestia: bakit naman ako kakabahan? Sino ba sila para katakutan?

Asiya: hay nako kamahalan… nagawa mo pang mag yabang

Kalina: natatakot na nga kami nag mamayabang ka pa (naiinis nyang sabi)

Aquil: wala naman tayong magagawa kay Hara Celestia… walang kinakatakutan iyan

Tumawa si Celestia ng mahina pilit nyang pinipigil upang hindi mainis ang mga ito tumayo sya at lumakad huminto sya saglit at tumingin sa kanila.

Celestia: hindi ba't pinapatawag tayo?

Aquil: oo

Celestia: yan naman pala eh ano ba ginagawa nyo riyan? Tayo na…

Sa Sapiro…

Maagang nagising si Ybarro nag aalala sya kay Celestia kahit hindi nya aminin alam nya sa sarili nya na nahuhulog na ang loob nya dito ngunit pinipigilan nya lamang.

Alira Naswen: mahal na rama nalahanda na po ang hapag kainan… hinihintay na din po kayo nila

Tumango ito at sumunod kay Alira Naswen tumabi sya kay Alena.

Danaya: nais kong mag paalam… nais ko sanang tignan sila Celestia kung maayos ba sila roon

Amihan: sasama ako sa iyo nag aalala na rin kasi ako sa ating apwe at kay Aquil

Pirena: gayun din ako ayoko naman mag pa iwan dito at nag hihintay ng balita na mula sa inyo

Alena: kung aalis kayo sasama ako para makita ko kalagayan nila

Ybrahim: bakit hindi na lamang tayong lahat ang pumunta doon?

Ybarro: tama si Ybrahim tutal nais naman nating lahat na makita sila

Sa Pirosia…

Kararating lamang dito ni Ybarro at Ybrahim kasama ang apat na sanggre namangha sila sa kanilang nakita. Napag dedisyunan nila na pumunta sa kaharian nito baka saklaing doon nila makita sila Aquil at Celestia sapagkat lahat ngayon ay papunta sa kaharian.

Ybrahim: nakakapagtaka bakit lahat ay papunta sa kaharian?

Ybarro: yaan ang dapat nating malaman kaya halika na

Nandito na sila sa kaharian kung saan nandoon ang mga kamahalan sa taas kasama sina Aquil, Kalina, Asiya at Celestia.

Rama Hydros: mga pirosian avisala eshma sa inyong pag dalo… may mahalaga kaming sasabihin sa inyo

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon