Kabanata XXVIII

354 7 0
                                    

Narrator P.O.V.

"Alam ko na! Ang boses na iyan ay kay…" hindi natapos ang sasabihin ni Wantuk sapagkat inunahan sya ni Amihan.

"Lira…" sambit ni Amihan na ngayon ay lumuluha hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya na nadarama nya kay tagal nyang nangulila sa kanyang anak ngunit ngayon ay makakasama nya na ito.

"Lumayo ka sa akin" sabi ni Lira na natatakot kaya naman ay umatras ito lumapit si Amihan ngunit umatras si Lira ulit.

"Anak… ako ito ang tunay mong ina" sabi ni Amihan na malungkot sapagkat lumalayo ang kanyang anak at natatakot sa kanya.

"Ssheda… wag mo na akong linlangin" sabi ni Lira inilabas ni Amihan ang kanyang brilyante.

"Hayaan mo na ang hangin ang syang mag pakilala sa akin… mag paramdam din kung gaano kita kamahal… kung gaano ako nag alala sayo… kung gaano ako nangulila sa iyo… at mag sabi sayo ng katotohanan" sabi ni Amihan ngayon ay may pumalibot na hangin kay Lira hangin na puno ng pag mamahal napapikit si Lira sapagkat iba ang kanyang nararamdaman may mga bagay na naalala nya at nag bukas ng kanyang mata sa katotohanan dumilat si Lira at tumulo ang kanyang luha.

"Ikaw… ikaw yung hangin… yung hangin na yumakap sa akin… yung hangin na gumagabay sa akin… ikaw nga… ikaw nga ang aking… ina" sabi ni Lira at ngumiti niyakap nya si Amihan at yumakap naman ng pabalik si Amihan ito na ata ang pinaka masayang araw sa kanilang buhay dahil mag kasama na silang dalawa na matagal ng hinahanap amg bawat isa.

"Halika na anak… umuwi na tayo"

Sa Lireo…

"Hagorn… mukhang may nakakalimutan ka ata" nakangiting sabi ni Samara.

"Ano naman ang nakalimutan ko Samara" tanong ni Hagorn na walang gana.

"Na… kailangan mo ng hara upang tulungan ka… tulungan ka na mamahala ng Lireo" nakakapang akit na sabi ni Samara lumapot sya kay Hagorn, pumunta sya sa gilid nito at hinawakan nya ng dahan dahan ang mag kabilang balikat ni Hagorn.

"Tama ka kailangan ko nga ng hara" nakangiting sabi ni Hagorn at tumingin sa kanya napangiti naman sya dahil alam nya sya ang gagawin nyang reyna. "Hanapan mo ako ng reyna ngayon din nais ko ay nakakaakit na nilalang at nga pala… wag mong isasama ang iyong sarili"

Nagulat sya sa sinabi ni Hagorn mapait syang ngumiti.

"A-anong sabi mo?" Nauutal nyang tanong.

"Narinig mo naman hindi ba?" Sakristong sabi ni Hagorn at umupo sa kanyang trono nagyukom ng kamao si Samara nais nyang patayin ito ngunit alam nya ang tungkol sa propesiya.

"Nakakalimutan mo ata Hagorn nangako ka sa akin bago kita tulungan" sabi nya at tumingin kay Hagorn.

"Hindi ko na kasalanan iyon… hindi ko kasalanan kung ikaw ay uto uto gaya ng mga diwata… at alam naman natin na lahat ng pangko ay napapako" mahinahing sabi ni Hagorn napatawa sya ng mapait yumuko sya at tunalikod kay Hagorn.

'Hagorn... Hagorn... Hagorn… nagkamali ka ng binangga mo… nakakalimutan mo ata na ako ay isang bathala… na ako si Samara… anak ni Ether at ni Arde… na pinag kakautangan ng malaki ng Hathoria'

Sa Sapiro…

"Nakita nyo ba sila Amihan?" Tanong ni Ybrahim.

"Hindi pa Rama Ybrahim… baka nasa palikid lamang sya" sabi ni Danaya.

"Eh si Celestia… nasaan sya?" Tanong ni Ybarro napangiti naman ng lihim si Ybrahim.

"Kanina kasama ko si Celestia… bigla nalang syang nawala may pupuntahan lang daw" sagot ni Ybrahim kay Ybarro tumango lang ito. Ngayon ay dumating at iba at nag usap usap habang hinihintay si Amihan at Celestia. Maya maya ay dumating si Wantuk.

"Ehem… ehem… ehem…" pagkukunwaring inuubo upang kunin ang kanilang atensyon. "Mga kasama nais ko sabihin sa inyo andito na si Hara Amihan…" lumabas na nakangiti si Amihan at sumunod si Lira. "At si Diwani Lira"

Makikita mo ang ngiti sa kanilang mga labi sapagkat masaya sila at sa wakas ay nakita na nila ang diwani, ang tagapamana ni Amihan at ang tunay na Lira.

"Avisala… Diwani Lira"

Sa Aranto Yadamya…

Aranto Yadamya-batis ng katotohanan

"Samara… ano ba kailangan mo sa akin?" Walang ganang tanong ni Celestia napangiti naman si Samara.

"Baka ikaw ang may kailangan sa akin" sabi ni Samara at nilapitan si Celestia lumitaw si Haliya.

"Ano naman ang kailangan nya sa iyo?" Takang tanong ni Haliya.

"Malakas na kakampi laban kay Hagorn, Ether at Adre" sagot ni Samara napakunot naman ng noo si Haliya wala itong tiwala kay Samara maliban sa anak sya ni Arde at Ether ay hindi nya pa ito lubusang kilala.

"Ano naman maitutulong mo? Sa pagkakatanda ko… kakampi ka ni Hagorn noon" sabi ni Celestia at umupo sa malaking bato malapit sa batis.

"Celestia… noon iyon hindi na ngayon matapos ng ginawa nya sa akin" galit na sabi ni Samara diniinan nya ang salitang noon.

"Mapagkakatiwalaan ba sya?" Bulong ni Haliya kay Celestia tumingin sa kanya si Celestia at tumango. "Avisala meiste… aalis na ako"

Umalis na si Haliya tumingin si Celestia kay Samara.

"Pagkakatiwalaan kita… hindi dahil kababata kita… kundi dahil matalik kitang kaibigan alam kong… hindi mo ako kayang traydurin" nakangiting sabi ni Celestia napangisi naman si Samara.

"Kahit kailan talaga… kilalang kilala mo ako"

Sa Sapiro…

"Avisala sa inyong lahat" nakangiting sabi ni Lira.

"Masaya ako na makilala ko na ang aking pinsan" nakangiting sabi ni Mira yumakap ito kay Lira.

"Ako din masaya akong makilala ka" nakangiting sabi ni Lira at humiwalay sa pagkakayakap.

"Ako si Ashti Pirena mo… panganay na kapatid ng iyong ina" nakangiting sabi ni Pirena.

"Ako naman si Ashti Alena mo… pang apat na kapatid ng iyong ina" nakangiting sabi ni Alena.

"Ako naman si Ashti Danaya mo… bunsong kapatid ng iyong ina" nakangiting sabi nito.

"Ako si Aquil… Mashna ng Lireo" nakangiting sabi nito at yumuko.

"Ako si Muros… Hafte ng Lireo" nakangiting sabi din nito at yumuko.

"Ako si Alira Naswen… Mashna ng Sapiro" nakangiting sabi nito at yumuko.

"Ako si Ybarro ang iyong aldo… bunsong kapatid ng iyong ama" nakangiti itong nagpakilala.

"Ako naman si Ybrahim Rama ng Sapiro… at ang iyong ama" nakangiting pagpapakilala nito sa kanyang anak.

"Masaya po akomg makilala kayo…" nakangiting sabi ni Lira. "Maaari ko ba kayong mayakap?"

"Oo naman aking adea" nakangiting sabi no Amihan at niyakap ni Lira isa isa maliban kay Wahid.

Adea-anak

"Nagtataka ako… bakit po wala si Ashti Inang Celestia?" Malungkot na tanong ni Lira ang inaasahan nya kasi sya ang una nitong makikita.

"Ako ba ang iyong hinahanap?"

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon