Kabanata XXXIX

270 5 0
                                    

Narrator P.O.V.

"Huwag kang mag alala hindi naman ako ang makakalaban mo…"  nakangiting sambit ni Hagorn maya maya ay lumabas si Alena nagulat naman si Amihan.

"A-alena" nauutal nyang sambit kinakabahan sya ngayon at tila ba ay nanghihina dahil sa lungkot.

"Amihan… poltre… hindi ko nais ito ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili na sundin ang kanyang utos" malungkot na sabi ni Alena at naluluha na.

"Patayin mo sya Alena" utos ni Hagorn kaya naman ay sasaksakin nya si Amihan ngunit nakailag ito nag patuloy sila sa pakikipag laban tuwang tuwa naman si Hagorn sa kanyang nakikita.

"Alena pigilan mo…"

Sa kagubatan…

May sumugod sa kanila na lalaki.kaya nan pinatakas ni Muros si Lira ngunit nasundan ito ng lalaki ngayon at nahihirapan si Muros sapagkat may malalim syang sugat sa tagiliran dumating si Danaya at ginamot sya.

"Nasaan ang aking hadia?" Tanong ni Danaya tinuro ni Muros ang daan kung saan pumunta si Lira kaya tinahak ito ni Danaya sinundan ni Celestia si Danaya.

Nandito ngayon si Lira pinagigitnaan ng mga daan hindi nya alam kung saan sya tutungo ng biglang may lalaking kumalaban sa kanya mas magaling ito kaya naman na bitawan nya ang kanyang sandata at nasaksak sya nito ng matindi nakita ito ni Danaya kaya dali daling pinuntahan si Lira kinuha nya ang espada nito at isinaksak sa encantado.

"Pashnea!" Galit na sabi nito muli syang nag balik sa kanyang hadia at inilabas ang brilyante ng lupa. "Gamutin mo ang aking hadia"

Nagliwanag ang brilyante maski ang sugat ni Lira na ngayon ay nag hilom na tumayo sila hinigpitan ni Danaya ang hawak sa espada at muling sinaksak ang encantado nagulat naman si Celestia sa nakita nya napaluha sya. Lumapit si Danaya sa encantado na nag aagaw buhay.

"Sabihin mo sino ka?" Tanong nito at inalis nya ang nakatakip sa mukha nito nagulat sya ng malaman nya kung sino ang nag tangkang pumatay kay Lira.

"K-kahlil…"

Sa baybayin…

"Alena pigilan mo…" sabi ni Amihan.

"Hindi ko kaya" malungkot na sabi nito nag patuloy lang silang mag laban ayaw nilang saktan ang isa't isa. Dumating ang isang kawal na hathor at may sinabi kay Agane umalis ito at humarap si Agane kay Hagorn.

"Napaslang na si Kahlil" sabi ni Agane na pabulong.

"Sino ang pumaslang sa kanya?" Tanong ni Hagorn napangiti naman si Agane.

"Si Sanggre Danaya…" sagot nito kaya malapad na ngumiti si Hagorn.

"Umatras na tayo… hayaan natin na magpatayan ang mga sanggre" sambit nito at tumawa maya maya ay umalis na sila.

"Kahit kailan talaga duwag si Hagorn" sabi ni Ybrahim tumingin sa kanya si Pirena.

"Syang tunay" sabi ni Pirena lumapit sa kanila si Kiara, Austin at Aquil.

"Wala na ang mga hathor" ulat ni Aquil.

"Mabuti kung gayon" sabi ni Ybarro.

"Asan si Mira, Lira at Kahlil?"

Sa Kagubatan…

"K-kahlil" sabi nya at unting unting tumulo ang kanyang luha niyakap nya si Kahlil na ngayon ay nawalan na ng buhay inilabas nya ang kanyang brilyante.

"Brilyante ng lupa gamutin mo ang aking hadia" utos nito ngunit walang nagawa ang brilyante dahil patay na si Kahlil. "Brilyante ng lupa buhayin mo ang aking hadia!"

Nakita ni Mira kaya naman lumapit sya.

"Ashti patay na sya wala ng magagawa ang iyong brilyante" malungkot na sambit nito. Lumapit si Celestia.

"Baka may paraan pa…" sabi ni Lira tumingin sa kanya ang tatlo. "Ashti ina naalala nyo po ba noong namatay ako? Hindi po ba gumamit kayo ng gintong binhi upang mabuhay ako"

Napayuko si Celestia. "Poltre Lira… ngunit huling gintong binhi na iyon"

"Ano na po ang gagawin natin?" Tanong ni Mira.

"Tanggapin na lang natin ang nangyari" sambit nito maya maya ay dumating si Alena at nakita nya ang kanyang anak.

"Anong nangyari sa aking anak?" Tanong ni Alena.

"N-napaslang ko si Kahlil" nauutal nyang sabi nagkunot noo naman si Alena at tumulo ang kanyang luha.

"Pumunta tayo kay Evades" utos ni Alena. "Hilingin mo na mabuhay ang aking anak Danaya… dahil kapag sya ay hindi nabuhay… kukunin ko ang buhay mo bilamg kapalit"

Sa puno ng buhay…

"Evades… mag pakita ka" utos ni Alena kaya naman ay nag pakita si Evades.

"Kayo nanamang mga diwata" sambit ni Evades na tila naiiraita ng makita nya si Celestia ay lumuhod sya. "Avisala Bathalang Celestia"

"Huwag mo na akong tawagin bathala nandito tayo sa Encantadia" sambit nito tumango si Evades at tumayo tumingin sya kay Alena.

"Ano ang kailangan mo Alena?" Tanong ni Evades.

"Kailangan ko ng bunga ng iyong puno upang buhayin ang aking anak" sagot nito tinignan ni Evades si Kahlil at nilapit tinignan nya ang pulso at tumayo.

"Agape avi… hindi kaya ng aking prutas na buhayin ang iyong anak patay na sya Alena… kailangan mo lang tanggapin" malungkot nyang sabi at nag laho na sya. Lalong bumuhos ang kanyang luha nandilim ang kanyang paningin kaya bigla nyang kinalaban si Danaya hinarangan sya ni Celestia.

"Danaya, Lira at Mira mag balik na kayo sa Sapiro" utos nito kaya umalis na ang tatlo tumingin si Celestia kay Alena kinuha nya ang espada nito at ibinaba pag kayari nito ay niyakap nya si Alena. "Iiyak mo lang iyan Alena… pag kayari nito ay bumalik ka na tayo sa Sapiro mag usap kayo ni Danaya alamin mo lahat… wag mong hayaan kainin ka ng galit"

Tumango si Alena at kumalas sa pag kakayakap at pumunta sa kanyang anak.

"Celestia dalhin na natin sya sa Sapiro… nais ko na marami ang makakita sa kanya kahit sa huling pag kakataon… mga retre… pag bigyan nyo ako na makasama ng konti pang panahon ang aking anak… nais ko lang makasama sya…" sabi nito lumapit si Celestia sa kanya at niyakap sya. "Bakit ganun? Kung kailan bumalik ako tsaka pa nawala ang aking anak… ito ba ang sumpa ng bunga aking kinain?… sana pala… sana pala hindi ko na kinain ang prutas… kung buhay… ng anak ko… ang kapalit… ang daya… ang daya daya… nais ko lang naman makasama ang aking anak… bakit eto ang naging kapalit?… nais ko lamang maalagaan ang aking anak… paano ko pa iyon magagawa?… paano ko pa magagawa ang lahat para sa kanya kung patay na sya?"

"Shh… tahan na… lahat ay may dahilan Alena… huwag kang mag alala gagawin ko ang lahat para makita muli ang saya sa iyong mata… at mag kaayos muli tayong mag kakapatid"

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon