Kabanata II

535 14 0
                                    

Mine-a P.O.V.

"Ades ikaw muna ang bahala sa aking mga anak hihintayin ko lang si Raquim" utos ko kay Ades lubhang nag aalala na ako sa kanila sana naman ay ligtas sila.

"Masusunod Hara Mine-a" dali dali akong pumunta sa punong bulwagan.

Narrator P.O.V.

Sa baybayin...

"Ama! Nasan ka? Ama!" Lumingon lingon si Hagorn sa paligid upang makit nya si Arvak ngunit sa pag lingon nya sa kanyang gilid ay hindi nya inaasahan ang kanyang nakita. "Ama! Anong nangyari sayo? Sino may kagagawan  nito?!" Umiiyak si Hagorn sa sinapit ng ama halata amg galit sa kanyang mukha. "Kung sino man ang may kagagawan nito ay pag babayarin ko! Buhay kapalit sa buhay na kunuha nila sa akin! Mamatay sila! Sinusumpa ko na magbabayad sila! Amaaaaaaa!"

Sa Sapiro...

"Hasne ivo live Sapiro! Hasne ivo live Lireo! Hasne ivo live Encantadia!" Sigaw ng mga Sapirian at Diwata sapagkat nagtagumpay sila.

"Aking apwe nais kong ipagkaloob sa iyo ang brilyante ng lupa nais ko na ibigay mo ito kay Hara Mine-a sapagkat ang mga diwata ang karapat dapat na mangalaga sa mga brilyante" ibinigay ni Armeo kay Raquim ang brilyante.

"Avisala eshma makakaasa ka na ibibigay ko ito kay Mine-a" nakangiting sabi ni Raquim.

"Umuwi ka na sapagkat nabalitaan ko nanganak na ang hara... ipapasundo ko nadin ang ibang dama at ang aking mag iina... ligtas nadin dito sapagkat iniba ko na ang gubat at di kami makikita ng Hathor sapagkat humingi ako ng tulong sa brilyante ng lupa" sabi ni Armeo.

"Avisala meiste aking apwe babalik na ako sa Lireo nais kong makita ang aking anak" nakangiting sabi ni Raquim halata sa kanya ang pananabik na makita ang kanyang anak.

"Mag ingat kayo"

Sa Lireo...

"E corre" lumingon si Mine-a sa kanyang likod.

"Raquim" nakangiti ito at tumakbo palapit kay Raquim at ginawaran ito ng mahigpit na yakap.

"Nasan ang ating anak nais ko silang makita" tumingin si Mine-a sa kanya at hinawakan nito ang kamay ni Raquim at dinala sa kanilang silid.

"Tama ba ang aking nakikita?" Nangingiyak na tumingin sa kanya si Raquim.

"Oo mahal tama ang iyong nakikita kambal ang ating anak" lumapit sa kanya si Mine-a. "Ang nakabughaw na lapin ay si Amihan at ang nakaputing lapin naman ay si Celestia"

"Napakaganda nila aking hara" binuhat ni Raquim si Celestia at Amihan. "Mga anak ako ang inyong ado"

"Aking rama mukhang pagod ka na mag pahinga na tayong dalawa" hinawakan ni Mine-a sa likod si Raquim.

"Mamaya na may kailangan pa kaming pag usapan ngunit bago iyon nais kong ibalik sayo ang brilyante ng hangin at ibigay ang tatlong brilyante alam ko na mas karapat dapat kayong mga diwata ang mangalaga dito" binaba ni Raquim ang dalawang sanggol at binigay kay Mine-a ang mga brilyante.

"Avisala eshma" tumitig sya kay Raquim.

"Avisala meiste mahal ko mag pahinga kana susumod ako sa iyo" umalis na si Raquim.

Sa Hathoria...

Sinunog na nila ang bangkay ng kanilang hari at sunod nito ay itinalaga na si Hagorn bilang bagong hari mg Hathoria. Dumating si Gurna upang mag ulat sa kanya.

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon