Narrator P.O.V.
"Handa na ba ang lahat Agane?" Tanong ni Hagorn.
"Opo Panginoon handa na lahat" sagot ni Agane.
"Siguraduhin mo dapat mag tagumpay tayo"
Sa Lireo...
Ngayon ang araw na pinkahihintay ng lahat dahil ngayon sasabihin kung paano pipili ng bagong reyna.
Nandito lahat ng Encantada at Encantado. Nasa harap ng trono ang apat na sanggre nakaharap naman sa kanila si Aquil, Ades, Imaw at Muros.
"Ngayon ang araw na inyong pag subok upang malaman kung sino ang susunod na magiging hara ng Lireo... sa pag subok na ito ay kailangan nyong kalabanin ang encantada na ito nasa kanya ang susi upang mag wagi kayo gamitin ang isip at puso hindi lamang ang sandata" sabi ni Imaw.
"Handa na ba kayo?!" Pasigaw na tanong ni Aquil sa kanila.
"Handa na!" Sabay sabay na sabi ng mga sanggre.
"Estasectu!" Sigaw ni Aquil.
Naunang nakipag laban ay si Danaya at Alena hindi nila na kayanan ang encantada kaya natalo sila may pag hihinayang sa mukha nilang dalawa.
Sumunod naman ay si Pirena at Amihan nag tulungan sila upang kalabanin ito noong una ay kaya pa nila ng biglang nag pakitang gilas ang encantada kaya nagulat sila sa nakitang galing nito. Kanina pa may nahahalata si Amihan na iniiwasan ng encantada na sila ay saktan parang may kakaiba sa kanya. Napamali ng tapak si Amihan kaya nahulog sya sa azotea buti nalang ay napahawak ito sa barandilya.
"Tulong!" Sigaw ni Amihan pagkat hindi nya na kaya na manatili doon unting unti na syang napapabitaw. Nang mapabitaw sya ay nahawakan naman sya ni Pirena.
"Kumapit ka Amihan!" Sigaw ni Pirena. Hirap na hirap ito na mapanatili pa ang pag hawak kay Amihan. Napaisip sya na tama itong panahon upang mag wagi sya ngunit naalala nya ang sinabi sa kanya ni Aliyah.
"Huwag kang makipag patayan para maging hara kung ito talaga ang nakatakda sa iyo ay ikaw ang mag wawagi ng hindi nandadaya kung hindi naman para sayo tanggapin mo na lamang dahil may nakatakda sa iyo mag hintay ka lamang" hinigpitan ni Pirena ang hawak nito kay Amihan at tinulungan na makaahon at nakaahon ulit si Amihan sa tulong ni Pirena nag patuloy silang kalabanin ang encantada montik na sanang saktan ni Pirena ang encantada ngunit pinigilan nya ito.
"Ssheda Pirena wag mo syang saktan" sabi ni Amihan.
"Bakit Amihan?" Takang tanong ni Pirena.
"Sapagkat sya si Ina" tumingin si Amihan sa encantada. "Nag iba ka man ng anyo ngunit hindi pa rin nag babago ang iyong puso na mapagmahal"
Bumalik sila sa bulwagan.
"Sino ang nag wagi?" Tanon ni Alena.
"Si Amihan sapagkat nalaman nya ang susi" sabi ni Imaw.
"Paano hindi nya nakuha ang susi sa encantada?" Tanong ni Danaya.
"Sapagkat ang susing tinutukoy ni Imaw ay si Ina ang makilala natin sya kahit maging ano man ang kanyang wangis at tanging si Amihan lang ang nakatuklas ng kanyang pag babalat kayo" sabi ni Pirena na nakangiti.
"Paano mo nalaman na sya si Ina?" Tanong ni Danaya.
"Dahil walang ina ang nais na masaktan ang kanyang anak at makita ito sa bingit ng kamatayan" nakangiti si Amihan.
"Kung gayon ang aking anak ang nag wagi" nakangitong sabi ni Raquim. "Masaya ako para sayo"
"Kami din" sabay na sabi ng mga sanggre at nagyakapan sila.
Lumapit si Raquim kay Mine-a na nakangiti habang pinag mamasdan ang mag kakapatid na sanggre.
"Sana andito din si Celestia" tumilo ang luha ni Mine-a.
"Makakasama din natin ang ating anak sa tamang panahon" sabi ni Raquim at hinalikan ang noo ni Mine-a. Hindi nila alam na nakapasok si Hagorn sa silid kung nasaan ang apat na makapangyarihang brilyante maraming bantay kaya naisipan nya na mag balat kayo bilang si Aquil.
"Mga kawal mag bantay kayo sa labas nakita ko si Gurna na nag mamasid mukhang may plano itong masama" sumunod naman ang kawal sa kanya ng sigurado nya ng wala ng tao ay nagbalik sya sa kanyang anyo.
"Mga diwata talaga madaling malinlang" tumawa si Hagorn at pumasok na sa loob. "Sa wakas ay mapapasa akin kayo mga brilyante"
Kinuha nya ang brilyante ng apoy sapagkat ito lamang ang unang lumapit sa kanya kukunin pa sana nya ang iba kaso narinig nya may paparating kaya naman ay umalis na sya.
"Mahal na Hara" lumapit sa kanya si Aquil.
"Nawawala ang brilyante ng apoy sabi ng isang kawal na diwata"
BINABASA MO ANG
Encatadia:Our Destiny
FantasyDalawang sanggol ay ipapanganak sa panahon kung saan hindi ka tiyak sa panahon ng iyong kamatayan sila ay isisilang upang tuluyan ng makamtan ang nais ng puso ng bawat isa wawakasan nila ang lahat ng masama ang kapayapaan ay muling masisilayan sila...