Narrator P.O.V.
Sampung taon ang nakalipas...
Nakabalik na ng Lireo si Amihan at Ybrahim kasama si Raquim sapagkat sa tingin nila ito ang tamang panahon upang bumalik sa Encantadia at ligtas na ang dalawa sa panganib.
"Itay tignan mo ang ganda dito totoo nga po lahat ng sinabi nyo" manghang manghang sabi ni Amihan sapagkat ngayon nya lang nasilayan ang Encatadia at ang kaharian ng Lireo.
"Tama ka Amihan napakaganda ng Lireo ganto din ba Aldo sa Sapiro?" Tumingin sa Ybrahim kay Raquim.
"Totoo ganto din sa Sapiro ngunit hindi ganyang disenyo" sabi ni Raquim at hinawakan ang dalawang bata upang pumasok sa kaharian.
"Maligayang pag babalik sa Encantadia at Lireo Rama Raquim, Diwani Amihan at Rehav Ybrahim" sabi ni Aquil at nag siyuko sila.
"Avisala eshma" sabi ni Raquim at pumasok na sa Lireo kasama ang dalawang bata.
"Hara Mine-a nandito na po si Rama Raquim, Diwani Amihan at Rehav Ybrahim" sabi ni Muros habang yumuko. Tumabi sila ni Aquil at pumasok si Raquim, Amihan at Ybrahim.
"Masaya akong bumalik na kayo matagal akong nangulila sa inyo" lumapit sya kila Raquim at niyakap muna si Raquim sunod naman si Ybrahim at panghuli ay si Amihan.
"Ybrahim nandito ang iyong Ada at Ado" sinalubong ni Ybrahim ng yakap si Hara Amanda at Rama Armeo. "Nandito din si Ybarro" pinuntahan nya ito at niyakap din.
"Mga anak mula ngayon dito muna kayo sa Lireo upang makapag ensayo kayo ng maigi dadalaw dalawin nalang namin kayo ng inyong Ado" nakangit8ng sabi ni Hara Amanda at sumang ayon naman ang dalawang rehav.
"Amihan" hinawakan nya sa balikat si Amihan. "Nais kong ipakilala sa iyo ang iyong mga apwe... sya si Pirena panganay mong kapatid... sya si Alena pangatlo mo kapatid... Sya nama--"
"Teka Inay diba po si Celestia na aking kambal ang pangatlo kong kapatid" alam na ni Amihan ang tungkol sa kanyang kambal na nawalay sa kanila ngunit di nila alam ay nakilala ito ni Amihan sa kagubatan noong nawala sya agad nya ito nakilala dahil sa marka at sinabi din nito ang totoo ngunit isisikreto nya ito sapagkat ito ang nais ng kanyang apwe at alam nya ang dahilan. "Nakalimutan nyo na po pala sya"
"Agape avi akala ko hindi mo sya kilala at hindi nakwento ng iyong ado ang tungkol sa kanya... eto naman ay si Danaya bunso mong kapatid" pilit na ngiti ni Mine-a nangungulila parin sya kay Celestia.
"Masaya akong makilala kayo aking mga apwe" nagyakapan silang mag kakapatid at napangiti si Mine-a.
Sa Barbaro at Higantes...
"Ado! Ado! Ado!" Masayang tumatakbo si Aliyah papunta sa kanyang Ado Vish'ka.
"Saan ka ba galing?" Nag aalalang tanong ni Vish'ka sapagkat kanina pa nya hinahanap si Aliyah.
"Sa kagubatan po Ado Vish'ka nakita ko po ang kambal ko di ko naman po sinabi katauhan ko kaso nagliwanag po ang balikat naming dalawa kaya ayun po nalaman nya ako ang kanyang kambal kaya umamin na din po ako pero wag kayobg mag alala Ado nangako po ang aking apwe na hindi nya po ito sasabihin hanggat di pa po ito ang tamang panahon na nakatakda" masayang sabi ni Aliyah na ikinatawa ni Vish'ka.
"Napaka daldal mo talaga kahit kailan anak wag kang mag alala ayos lang naman sa akin iyan" binuhat nya si Aliyah. "Mag handa ka na Aliyah ito na ang panahon na kukunin ka muna ni Emre"
"Ado sandali lamang hindi pa ako nakakapag paalam sa kaibigan kong si Pirena o ang aking apwe malulungkot po iyon"
"Sige papayagan kita ngunit bilisan mo hanggat wala pa si Emre" binaba nya si Aliyah.
BINABASA MO ANG
Encatadia:Our Destiny
FantasyDalawang sanggol ay ipapanganak sa panahon kung saan hindi ka tiyak sa panahon ng iyong kamatayan sila ay isisilang upang tuluyan ng makamtan ang nais ng puso ng bawat isa wawakasan nila ang lahat ng masama ang kapayapaan ay muling masisilayan sila...