Kabanata XLI

278 6 0
                                    

Narrator P.O.V.

"Linfloria… muli kang bumangon" sambit ni Celestia yumanig ang lupa at unting unting nabuo muli ang Linfloria napakaganda nito hugis rosas ang nasa ibaba nito at ang buong kaharian ay tila ba'y isang korona na nakapatong sa isang rosas ito ay kulay puti o isang dyamante na kapag tinamaan ng araw ay mag ninigning sa itaas ng kaharian ay may bolang kristal kung saan kapag tinamaan ng liwanag ng araw at buwan ay mag liliwanag ito at parang kumukuha ng kapangyarihan sa liwanag ng araw at buwan. Napakaganda ng paligid ang dahon at mga bulaklak ay mga kristal at may mga bughaw na dyamate dito. Lahat ay namangha sa kanilang nasilayan maya maya ay dumating na ang mga Linflorian sila ay mas makapangyarihan sa lahat ng encantado at encantada dito sa Encantadia kaya nilang maipulahin ang lupa, tubig, apoy at hangin may mga kakaiba at makapangyarihang pashnea rin ang maninirahan dito. Dumating si Bathalang Emre kasama si Cassiopeia, Vashna at iba pang mga bathala kasabay nito ang pag ulan ng petal na kristal sa langit pag ito ay bumabagdak sa lupa nagiging fairy dust kung sakali naman sa iyo bumagsak ito parang may hiwaga kang madarama.

"Ano titingin lang ba kayo?" Tanong ni Celestia napatawa naman sila.

"Napakaganda pala ng Linfloria" sambit ni Samara.

"Syang tunay… ngunit mas gumanda ito ng dahil kay Celestia" nakangiting sabi ni Haliya. Pumasok na ang lahat upang umpisahan na ang pag diriwang. Sa pagpasok ni Celestia sa kaharian ay nag bago ang kanyang kasuotan kaya namangha ang lahat dahil mas lalo syang gumanda. Pumunta sila sa punong bulwagan ng Linfloria at umakyat si Bathalang Emre sa tatlong trono nandun sya sa gilid ang dalawang trono na nasa mag kabilang gilid ay ang mauupo doon ang hara at rama ng Linfloria at ang nasa gitna naman ay ang Bathala ng Encantadia na pinakamataas na katungkulan dito sya ang mas may karapatan at mas dapat igalang at katakutan.

"Ashti ina ang ganda po dito" sambit  ni Lira na nakangiti hindi sya nilingon ni Celestia.

"Syang tunay… nawa ay mapangalagaan pa ito" pag sang ayon nya sa kanyang hadia.

"Ashti Celestia bakit tatlo amg trono?" Takang tanong ni Mira.

"Ang dalawang trono sa magkabilang gilid ay ang trono ng hara at rama ng Linfloria… at ang nasa gitna naman ay ang trono ng Bathala ng Encantadia" sagot nito sa kanyang hadia tumango tango naman ang mga ito.

"Sino ang Bathala ng Encantadia?" Tanong ni Kiara humarap sa kanya si Celestia.

"Malalaman mo din sa tamang panahon" sagot nito nanguso naman si Kiara dahil wala syang matinong sagot na nakuha.

"Avisala Encantadia… nais ko kayong pasalamatan sa inyong pag dalo… ngayon ang araw na muling itinatag ang Linfloria… nais kong tawagin si Danaya at Aquil na pumunta sa akin" sambit ni Bathalang Emre lumapit sa kanya si Aquil at Danaya gayon din si Vashna na hawak hawak ang korona ng rama at hara una ay ipinatong ni Emre kay Aquil ang korona sumunod naman ay kay Danaya pinaupo sila sa kanilang trono.

"Encantadia nais kong ipakilala sa inyo… ang bagong hara at rama ng Linfloria… si Sangdre Danaya at si Aquil" nakangiti sambit ni Emre nagpalakpakan ang lahat.

"Ivo live Encantadia! Ivo live Rama Aquil! Ivo live Hara Danaya! Ivo live Linfloria"

Sa Sapiro…

Natapos na ang pag diriwang lahat ay nag sibalik na sa Sapiro at sa kanilang tahanan sa sobrang pagod nila ay nag pahinga na sila. Nandito ngayon si Ybarro sa silid kainan patuloy syang umiinom ng di malaman na dahilan nakita sya ni Celestia sapagkat napadaan sya dito. Malalim syang humugot ng hininga bago lumapit kay Ybarro.

"Mukhang lasing kana" sambit nito tsaka umupo sa tabi ni Ybarro.

"Hindi *hik pa *hik ako *hik lasing" sambit nito tumayo ito ngunit natumba sya buti na lamang ay nahawakan sya ni Celestia upang hindi tuluyan matumba.

"Ssheda… wag kang mag sinungaling halatang halata na" galit nitong sambit napasubsob sa kanyang dibdib ang mukha ni Ybarro.

"Mahal *hik pa rin *hik kita *hik Alena…" nang marinig nya ito ay tumulo ang kanyang luha lubha syang nasaktan sa kanyang narinig pero sinawalang bahala nya na inalalayan nya si Ybarro pabalik sa kanilang silid inihiga nya ito. Lumabas sya at kumuha sya ng pamunas at mainit na tubig.

"Bakit gising ka pa Sanggre Celestia?" Takang tanong ni Lakan.

"Ako dapat ang mag tanong sa iyo niyan" sagot nya sa mulawin napatawa naman silang dalawa tinignan ni Lakan ang kanyang dala.

"Saan mo iyan gagamitin?" Tanong nito tinignan naman ni Celestia ang kanyang hawak.

"Kay Ybarro lasing na lasing kasi sya" sagot nito tumango tango si Lakan.

"Avisala meiste Hara Celestia… mag papahinga na ako sana ikaw din" nakangiti nitong sabi tumango si Celestia at umalis na sya. Bumalik sya sa silid umupo sya sa tabi ni Ybarro.

"Sana maging maayos ka habang wala ako… sana naalagaan mo ang iyong sarili" pinunasan nya si Ybarro st pinag masdan. "Agape avi… kung di ako makakapag paalam sa iyo"

"E corre diu… Ybarro" hinalikan nya sa noo si Ybarro tumayo sya paalis na sana sya ng hawakan ni Ybarro ang kanyang kamay tumingin sya kay Ybarro bigla sya nitong hinatak kaya napapating sya dito malapit na malapit ang kanilang mga mukha damang dama nila ang init ng kanilang hininga.

"Y-ybarro mag papaal---" hindi nya natapos ang kanyang sasabihin ng hagkan sya sa labi ni Ybarro kakaiba ang saya na kanyang nadarama lumalim ang kanilang halik nagbago ang kanilang posisyon si Ybarro naman ang nasa ibabaw nya ngayon. Nagtama ang kanilang mga mata unting unting lumapit ang mukha ni Ybarro sa kanya kaya naman ay pumikit sya hanggang sa mag kalapat na ang kanilang labi lumalim ito ng lumalim hinalikan sya ni Ybarro sa noo, patunta sa pisnge, papunta sa labi, ng pumunta sa panga hanggang sa bumaba sa leeg hindi nya mapigilan ng may lumabas ng ungol sa kanyang bibig kakaiba ang kiliti na kanyang nararandaman para bang kuryente na dumadaloy sa kanyang balat at ugat bumalik ang labi ni Ybarro sa kanyang labi sinabayan nya ito kinawit nya ang braso sa batok nito.

"Alena…"

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon