Kabanata XXXVII

288 5 0
                                    

Narrator P.O.V.

Nandito ngayon sila sa punong bulwagan ng Sapiro upang mapag usapan ang mga dapat gawin at ang mga kailangan nila kung sakali mang biglang sumugod sila Hagorn.

"Kailanga natin ng karagdagang sandata at mga kalasag" sambit ni Pirena tumango si Ybarro at tinignan si Wahid.

"Paki sabi kay Vish'ka na kailangan namin ng  mga makabagong sandata at kalasag" sambit ni Ybarro tumango si Wahid. "May mga sasabihin pa ba kayo?"

"Nais ko sana… mag karoon tayo ng mas malaking hugbo o magkaroon ng karagdagan na kapanalig… kung sakaling dumating tayo sa isang malaking digmaan" sambit ni Amihan sumang ayon sa kanya ang lahat.

"Wantuk paki puntahan si Paco kayong dalawa ang aking uutusan upang humanap ng mga bagong kapanalig" sambit ni Ybarro tumango si Wantuk.

"Wantuk… wag kayong pumunta sa  Pirosia… kami na ang bahala ni Aquil doon… sa Adamya baka mahirapan kayo sapagkat hanggang ngayon ay wala pa rin si Memfes… sa Punjabwe naman hindi pa nakakabalik si Azulan kaya malabong makuha natin sila" malungkot na sabi ni Celestia na kanina lamang walang imik dahil ang lalim ng iniisip.

"Nasaan na kaya ang dalawa mong kababata?" Tanong ni Mine-a tumingin sa kanya si Celestia.

"Hindi ko alam" pag sisinungaling nya alam nya kung nasaan ang mga ito o paano sila makita ngunit hindi nya maaaring sabihin sapagkat nangako sya. Maya maya biglang sumulpot si Samara

"Celestia… nais kayong sugurin ni Hagorn" sambit nito bumugtong hininga lang si Celestia. "May bagong hara na ang Lireo hindi mo gugustuhin malaman kung sino"

"Bakit? Sino ba kasi ang bagong reyna na iyan?" Takang tanong ni Celestia na may hawak ngayon na alak na nasa kopita.

"Ang anak anakan ni Cassiopeia… ang isinumpang prinsesa ng Sapiro… si Lila Sari" nakangiting sagot ni Samara napakunot ang noo ni Celestia nagalit ng sobra si Celestia kaya nabasag nya ang hawak hawak nyang ang kopita kaya nagulat silang lahat tumayo sya nandilim ang kanyang mukha.

"Paano… sya… nakatakas… sa… Carcero?" Madiin nyang tanong napalunok naman si Samara eto ang pinaka ayaw nya na makita si Celestia na maging demonyo sa galit.

"Nakakatakot si Ashti Ina" bulong ni Lira kay Mira sumang ayon naman ito.

"Sino kaya si Lila Sari?"  Tanong ni Kiara na pabulong napangisi naman si Austin.

"Mukhang mali tayong minaliit natin sya" sabi ni Austin napatingin sa kanya si Celestia kaya nag iwas syang tingin kasi nakakatakot. Lumapit sa kanya si Celestia.

"Ni hindi ko sya minaliit alam mo yan… kayong tatlo lamang ni Ether ang nag maliit sa kanya… sa katotohanan ako ang nag iisa nyang kakampi" sabi ni Celestia at ngumiti.

"Nga pala… nakatakas sya sa tulong ng ibang bilanggo" sagot ni Samara tumango tango naman si Celestia.

"Nais ko syang makita" sambit ni Celestia.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Nung huli nyong pagkikita hindi natapos ang pag lalaban nyo" sambit ni Austin napatawa naman si Celestia at Samara

"Pinantayan lang ni Celestia ang lakas ni Lila Sari… ni hindi nya binigay ang lahat ng kanyang lakas hindi tulad ni Lila Sari na bigay na bigay" sambit ni Samara.

"Kaya pala nanibago ako sa mga galaw mo noon" sambit ni Austin nilapitan sya lalo ni Celestia at tinapik.

"Mag handa na kayo Alira Naswen at Muros… sa baybayin natin dadalhin ang digmaan upang walang masaktan dito" sambit ni Celestia tumango ang dalawa tumngin si Celestia kay Aquil. "Ikaw naman mag balot ka na pag kayari nito ay maglalakbay na tayo"

"Masusunod mahal na hara" sabi ni Aquil yumuko sya at umalis.

"Saan ka pupunta Celestia?" Tanong ni Samara.

"Sa Pirosia" sagot nito tumango tango si Samara. "Bago ako umalis kailangan ko itayo ang Linfloria"

"Linfloria… ang dating pinamamahalaan ni Bathalamg Celestia ang sinasabing una mong katauhan" sambit ni Samara kumunot noo si Celestia.

"Ano ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Austin.

"Hindi mo ba alam ang tungkol kay Bathalang Celestia?" Tanong ni Samara tumango si Austin. "Sya ay asawa ni Bathalamg Emre… sya ang nakakataas na bathala na anak ni Amang Bathala… namatay sya ng dahil sa ating ina… isinumpa nya na darating ang araw na may isang sanggol na isisilang na kasing lakas at makapangyarihan nya… isang sanggol na anak ng mga marangal na encantado at encantada… hindi nya ito magiging kamukha ngunit kapag titignan mo syang maigi makikita mo sya sa kanya"

"Ssheda… wag na natin pag usapan ang tungkol dyan" galit na sabi ni Celestia yan ang iniiwasan nya.

"Buhay daw si Bathalang Celestia ngunit iba ang kanyang ngalan maski ang encantadong mahal nya" sambit ni Samara.

"Alam ko… at alam ko kung sino sila ngayon" seryosong sabi ni Celestia at tumingin kay Amanda at Armeo at tumingin kay Ybarro at Ybrahim

"Mag handa na kayo"

Sa Devas…

"Handa na ba Vashna ang mga Linflorian?" Tanong ni Bathalang Emre.

"Handa na po silang lahat mahal na bathala" sagot ni Vashna maya maya ay pumunta sa kanila si Cassiopeia.

"Mahal… narinig mo ba ang sinabi ni Celestia?" Malungkot na tanong nito humarap sa kanya si Emre.

"Oo mahal… wag kang mag alala kilala ko kung sino si Celestia at Ybarro ngayon… alam ko ang ginagamit nilang pangalan" sagot nito kumunot ang noo ni Cassiopeia.

"Paano?" Tanong nito.

"Ako ang bathala… walamg makakatakas sa akin" sagot nito.

"Bakit hinayaan mo sila?" Tanong ni Cassiopeia hinawakan sya sa pisnge ni Emre.

"Dahil nakita ko na tunay silang nag mamahalan at ngayon ko lang nakitang ganun kasaya si Celestia" nakangiting sabi ni Emre.

"Babawi ka ba sa iyong anak na si Aliyah este si Celestia?" Tanong ni Cassiopeia.

"Oo… andami kong mali nagawa sa kanya… andami kong pag kukulang… andaming sakit na pinaramdam ko sa kanya… gusto kong bumawi ng sobra sa anak ko" nakangiti nitong sagot napangiti naman si Cassiopeia.

"Tutulungan ka namin mahal… nga pala mamaya na ba bubuuin ang Linfloria?" Tanong ni Cassiopeia.

"Oo… pinahanda ko na ang mga damat kawal mg Linfloria… nakahanda nadin ang mga dating kayamanan ng Linfloria… pinakuha ko ang mga larawan na ipininta ng dating hara at ang larawan niya… lahat ay handa na hinihintay ko na lamang buuin na ni Celestia ang Linfloria" sagot nito.

"Sino ang magiging bagong hara nito?" Tanong ni Cassiopeia.

"Si Sanggre Danaya…"

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon