Kabanata XXXVI

276 6 0
                                    

Narrator P.O.V.

"Sigurado ka bang sasama ka sa amin pabalik sa Encantadia?" Tanong ni Celestia tumango si Kiara.

"Oo… siguradong sigurado ako" nakangiti nitong sagot lumapit si Austin at Samara.

"Kung gayon ay halika ka na… bago mag hinala sa akin si Hagorn" natatawang sabi ni Samara.

"Halika na gusto ko ng makabalik muli sa Encantadia"

Sa Sapiro…

Nandito sila ngayon sa baybayin malapit sa Sapiro protektado ito ng brilyante ng diwa nag sasanay ngayon si Anthony, Khalil, Mira, Lira at Pao-Pao.

"Gawin nyo mga itinuro ko sa inyo!" Utos ni Mashna Aquil.

"Opo!" Sabay sabay nilang sagot kaya nag handa na sila. Nanonood naman sa kabilang banda sila Amihan, Pirena, Danaya, Imaw, Ades, Ybrahim, Ybarro at Muros.

"Ire!… Dure!… Kaskil!… Pevis!" Sigaw ni Aquil nagawa ng lima ang pinagagawa ni Aquil kaya naman ay natuwa sya.

"Magaling ang ginawa ninyo… buti na lamang kayo… masunurin at hindi mareklamo" pag paparinig ni Aquil nagkunot noo naman ang tatlong sanggre parang sila ang pinaparinggan nito.

"Bakit Mashna Aquil sila Inay po ba ganoon?" Takang tanong ni Lira bumugtong hininga si Aquil.

"Sa kasamaang palad… ay oo" sagot nito natawa naman sila Lira napasimangot naman ang tatlong sanggre. Maya maya ay dumating si Raquim.

"Nasaan si Celestia?" Tanong nito ito agad ang bungad sa kanila.

"Nandito ako Ado…" sagot ni Celestia napatingin naman silang lahat at nakita nila may kasama ito.

"Kailangan nating mag usap sumama ka din… Aquil" sabi nito sinundan naman sya ni Celestia at Aquil.

"Avisala ako si Kiara" nakangiti nitong sabi.

"Avisala ako si Austin" nakangiti nitong sabi lumapit naman sila Lira at nag pakilala rin sila buong puso silang tinaggap ng mga ito kaya naman ay mas lalo silang natuwa.

"Masaya kaming makilala kayo…"

Sa Punong Bulwagan ng Sapiro…

"Kailangan nyong pumunta sa Pirosia kumg nasaan ang mga pirata malaki ang matutulong nila sa inyo" sabi ni Raquim nagkatinginan si Celestia at Aquil sa isa't isa.

"Kaming dalawa lang?" Tanong ni Celestia.

"Oo… hindi maaaring marami kayo baka kung ano ang isipin nila" sabi ni Raquim bumugtong hininga ang dalawa.

"Ano ang plano?" Tanong ni Aquil lumaylay naman ang balikat ni Celestia.

"Mag panggap kayo bilang nga Pirata… puntahan nyo si Asiya at Kalina matutulungan nila kayo… kailangan nyong kunin ang loob nilang lahat"

Sa Lireo…

Tapos na ang pag iisang dibdib Hagorn at Lila Sari nandito ngayon sila sa punong bulwagan upang ipakilala ang bagong reyna ng Lireo.

"Avisala sa inyong lahat…" pag bati ni Hagorn. "Ang aking asawa na si Lila Sari" umakyat naman si Lila Sari ipinatong sa kanyang ulo ang korona ni Cassiopeia. "Ang bagong reyna ng Lireo"

Nag palakpakan ang lahat para sa bagong hara ng lireo at sabay sabay silang nag sigawan.

"Ivo live Hara Lila Sari"

Sa Sapiro…

"Napakatagal naman ni Sanggre Celestia" reklamong sabi ni Austin.

"Hay nako Austin… kahit kailan napakareklamo mo" sambit ni Kiara napanguso si Austin palihim na napangiti si Mira nakita naman iyon ni Anthony.

"Avisala mga diwani at mga rehav" nakangiting bati ni Wahid na kadarating lamang.

"Avisala mga sanggre" nakangiting bati ni Wantuk na kasabayan lang ni Wahid na dumating.

"Avisala sa inyong dalawa… ano ang ginagawa nyo rito?" Tanong ni Amihan.

"May dala kaming paneya at mga prutas para sa inyo" sabi ni Wahid na nakangiti dumating ang mga barbaro at ibinaba sa lamensa ang mga paneya at prutas.

"Avisala eshma… Wahid at Wantuk" nakangiting sabi ni Amihan.

"Walang anuman sinusunod lamang namin ang nais ni Vish'ka" nahihiyang sabi ni Wahid tumango tango naman si Amihan.

"Nasaan na ba si Aliyah este si Celestia?" Tanong ni Wantuk na hanggang ngayon hindi pa rin sya sanay na tawagin itong Celestia.

"Kanina nandito sya ngunit tinawa ni Aldo Raquim" sagog ni Danaya tumango tango si Wantuk napatingin si Wahid kila Lira na ngayon at sinasanay sila ni Muros. Lumapit si Kiara at Austin sa mga sanggre.

"May nais sana kaming ibalita sa inyo" sabi ni Austin nagkatinginan naman ang mga sanggre.

"Ano naman iyon Austin?" Tanong ni Pirena.

"Mag tatayo kami ng kaharian ito ay Linfloria… nais itong itayong muli ni Ado Emre… bubuhayin nya muli ang mga nag silbi dito… nais nya na ikaw Danaya ang maging bagong hara nito sapagkat ikaw ang tagapangalaga ng brilyante ng lupa" nakangiting sabi ni Kiara napakunot naman ng noo si Danaya nagulat naman si Amihan at Pirena.

"Tunay ba ang iyong sinasambit diwani?" Tanong ni Danaya na naguguluhan.

"Syang tunay… mahal na sanggre… sa pamamagitan ni Sanggre Celestia mabubuo ang kaharian… sa pamamagitan ni Bathalang Emre naman ay maibabalik ang mga tagapag lingkod nito… sa pamamagitan mo naman Sanggre Danaya mapapalago at magiging malakas muli ang Linfloria" nakangiting sagot ni Austin napangiti ang mga sanggre lalo na si Danaya na may kabang nararamdaman ngunit sya ay maligayang maligaya.

"Avisala eshma…"

Sa Lireo…

"Panginoon… may maganda akong balita para sa iyo" nakangiting sabi Agane tumingin sa kanya si Hagorn.

"Ano iyon Agane?" Tanong ni Hagorn.

"Nandito na ang pinahahanap nyo kay Agua" sagot ni Agane gumilid sya at pumasok ang mga kawal ng Lireo na dala dala si Alena na pilit kumakawala sa pag kakahawak sa kanya kasama din nila si Agua lumapit ito kay Hagorn at yumuko.

"Panginoon… nandito na po si Sanggre Alena" malungkot na sambit ni Agua hindi nya nais ang mga nangyayari ngunit wala syang magawa dahil kambal diwa sya ng brilyante ng tubig kung sino ang may hawak nito ay ito ang kanyang susundin ngumiti sa kanya si Hagorn inilabas nya ang brilyante ng tubig.

"Magaling Agua… makakabalik ka na sa iyong tahanan" sambit nito kaya naman ay muli syang bumalik sa brilyante ng tubig itinago ni Hagorn ang brilyante.

"Bitawan nyo ako!" Sigaw ni Alena na pilit na pumipiglas.

"Ssheda!" Galit na sigaw ni Hagorn at pinatamaan si Alena kaya nakatulog ito.

"Dalhin sya sa bakut" utos ni Hagorn yumuko ang mga kawal at umalis na.

"Mahal na hari alam na namin kung nasaan ang Sapiro" nakangiting sabi ni Asval na kararating lamang.

"Mabuti kung ganon… siguraduhin nyo na hindi kayo papalpak ngayon… kailangan natin mapaslang ang mga sanggre" sambit ni Hagorn napangisi naman si Asval at umalis na.

"Panginoon ano ang nais nyo ngayon?" Tanong ni Agane.

"Susugurin natin sila"

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon