Narrator P.O.V.
"Avisala Diwani Lira" nakangiting bati ni Vashna.
"Avisala… sino ka? At nasaan ako?" Tanong ni Lira habang pinagmamasdan ang paligid.
"Ako si Vashna ang kanang kamay ni Bathalang Emre nandito ka ngayon sa Devas" nakangiting sagot ni Vashna kay Lira pumalakpak naman si Lira.
"Yieh dito na ako sa Devas alam mo ba na pupunta kami ni Ashti Ina dito upang humingi ng basbas" nakangiting kwento nito.
"Hindi ka narito para sa basbas diwani" sabi ni Vashna napakunot ng noo si Lira.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Lira.
"Sapagkat patay ka na Lira hindi mo ba naalala? Napatay ka ni Hagorn" malungkot na sabi ni Vashna napaisip si Lira maya maya ay naalala nya ang nangyari at totoo nga ang sinabi ni Vashna.
"Hindi maari ito… hindi pa ako pwedeng mamatay… nais ko pang makapiling ang aking ina at ama" sabi ni Lira aalis na sana sya ngunit hinarangan sya ng mga kawal.
"Agape avi… wala ka ng magagawa kailangan mong tanggapin na patay ka na… sumama ka na sa akin diwani" sabi ni Vashna umiling uling naman si Lira.
"Hindi… hindi ako sasama sa iyo… nais ko pang mabuhay at makasama ang tunay kong mga magulang… kaya gagawin ko ang lahat upang makabalik sa Encantadai at mabuhay muli" naiiyak na sabi ni Lira napangiti naman si Vashna nag pakita si Emre kay Lira.
"Lira… bibigyan kita ng pag kakataon ipagkakaloob ko sayo ang kayamanan nito kung mananatili ka sa Devas" sabi ni Emre umiling si Lira.
"Poltre Bathalang Emre… hindi ko kailangan ng kayamanan pagkat ang pamilya ang tunay na kayamanan" sabi nito napangiti naman si Emre.
"Kung gayon ay itong brilyante katulad ng mga brilyante ng iyong mga ashti at ng iyong ina" sabi Emre umiling muli si Lira.
"Poltre Bathalang Emre… kahit ano ang ibigay nyo hindi ko tatanggapin okay lang po kung wala akong kayamanan at kapangyarihan… ang tanging mahalaga po sa akin ay makabalik sa Emcantadia at makasama ng aking pamilya… yun lang po ang mahalaga sa lahat" sabi ni Lira nagkatinginan si Emre at Vashna at nakgkangitian sa isa't isa humarap si Emre kay Lira at nilapitan nya ito.
"Kung gayon ay ikaw ay aking binabasbasan… maaari ka ng bumalik sa Encantadia" sabi ni Emre natuwa naman si Lira kaya niyakap nya si Emre.
"Avisala eshma Bathalang Emre"
Sa Avila…
"Sa katunayan ay si Lira parin ang may hawak ng desisyon sya ang bahala kung babalik pa ba sya sa mundo o sasama na sa taga sundo sa kanya" malungkot na sabi ni Pagaspas niyakap ni Celestia ang kanyang hadia at lumuha ito. Maya maya ay nagising si Lira.
"Ashti ina…" nakangiting sabi ni Lira kaya naman ay umayos ng upo si Celestia umiyak muli ito at ngumiti.
"Lira… masaya akong nagising kana aking hadia" niyakap nya muli si Lira.
"Kami din diwani masaya kaming nagising ka na" nakangiting sabi ni Lakan.
"Ashti ina may goodnews ako sa inyo… na basbasan na ako ni Bathalang Emre noong nasa devas ako at sinusundo ni Vashna" nakangiting sabi ni Lira.
"Mabuti naman kung ganon hindi na natin kailangan pang mag lakbay upang hindi ka na mapahamak pa" sabi ni Celestia lumapit si Wahid at Wantuk sa kanila.
"Mukhang kailangan na nating bumalik kila Hara Amihan" nakangiting sabi ni Wahid.
"Mabuti naman para ligtas ma talaga tayo at wala na tayong makasalubong na mga hathor" sabi ni Wantuk na todo ang ngiti.
"Sasama kami ni Pagaspas sa inyo upang hindi nyo na kailangan patugtugin iyan para tawagin kami" nakangiting sabi ni Lakan.
"Avisala eshma Lakan at Pagaspas"
Sa Sapiro…
"Mga kasama… nandito na si Alena" sabi ni Ybrahim pumasok naman si Alena.
"Avisala Sanggre Alena masaya ako nagbalik ka na" nakangiting sabi ni Imaw. Niyakap ni Mine-a si Alena.
"Mabuti at buhay ka anak" nakangiting sabi ni Mine-a.
"Alena… masaya kaming nag balik ka na ngunit kailangan mong ipaliwanag ang lahat" galit na sabi ni Danaya lumuhod si Alena kila Danaya.
"Agape avi… nag mahal lamang ako kaya ko nagawa lahat ng iyan" paliwanag ni Alena tumulo ang kanyang luha nilapitan ni Ybarro si Alena at hinawakan ang magkabilang balikat.
"Kahit na… hindi yan sapat na rason" sabi ni Pirena.
"Pasalamat ka Alena hindi kamatayan ang hinatol sa ating apwe kaya buhay pa sya" sabi ni Amihan.
"Poltre Amihan… may nais akong sabihin sa iyo" malungkot na sabi ni Alena at tinayo sya ni Ybarro.
"Ano iyon?" Tanong ni Amihan.
"Nag dadalang diwata ako… ang ama ay si… Y-ybrahim" sabi ni Alena at muling tumulo ang kanyang luha nagulat naman si Ybarro at Amihan tumulo ang luha ni Amihan at napatingin kay Ybrahim na ngayon ay nakayuko.
"Masaya ako para sa inyo" sabi ni Amihan at pilit na ngumiti umalis sya at nag tungo sa kanyang silid.
"Amihan…" sabi ni Alena susundan nya sana si Amihan ngunit pinigilan sya ni Danaya.
"Hayaan mo muna si Amihan lubha syang nasaktan sa kanyang mga nalaman… pakiusap pag pahingain nyo muna sya"
Sa kagubatan…
Naglalakbay ngayon sila Celestia patungo sa Sapiro kung nasaan nadoon sila Amihan. Sa tahimik ng kanilang paglalakbay ay sinugod sila ng mga hathor at ni Agane hindi nakalaban ng mabuti sila Celestia dahil binugahan sila ng pampatulog kaya naman ay nawalan sila ng malay.
"Hayaan mo sila dyan kuhanin nyo si Celestia at Lira"
Sa Sapiro…
"Amihan… e corre hara… poltre kung nagkaroon kami ng anak ni Alena" malungkot na sabi ni Ybrahim na kararating lamang sa silid ni Amihan tumingin sa kanya si Amihan at tumayo ito at lumapit sa kanya.
"Wala kang kasalanan kaya wag kang humingi ng tawad" sabi ni Amihan at pilit na ngumiti.
"Hindi ko inaasahan na pag kakalooban kami ni Emre ng anak wala naman nangyari sa amin may retre lamang na dumapo aa kamay naming dalawa" malungkot na kwento ni Ybrahim hinawakan ni Amihan ang kanang pisnge ni Ybrahim.
"Huwag kang mag alala handa kong tanggapin ang bata at tsaka sya ay aking hadia… maging masaya na lamang tayo sa magiging anak nyo ni Alena… isa syang biyaya galing kay Emre… huwag kang mag alala walang mag babago sa ating dalawa e corre… pangako…"
BINABASA MO ANG
Encatadia:Our Destiny
FantasyDalawang sanggol ay ipapanganak sa panahon kung saan hindi ka tiyak sa panahon ng iyong kamatayan sila ay isisilang upang tuluyan ng makamtan ang nais ng puso ng bawat isa wawakasan nila ang lahat ng masama ang kapayapaan ay muling masisilayan sila...