Narrator P.O.V.
"Ako ba ang iyong hinahanap?" Tanong ni Celestia nagulat naman si Lira kaya tumingin sya sa kanyang likuran tumulo ang kanyang mga luha.
"Namiss ko po kayo… akala ko po hindi na po kita muling makikita" sabi ni Lira na nakayakap kay Celestia.
"Bakit anong akala mo sa akin kasing hina ng pashnea?" Pabirong sabi ni Celestia napatawa naman si Lira humiwalay ito sa pagkakayakap at nakurot nito ang tagiliran ni Celestia.
"Ahh!" Napadaing sa sakit si Celestia nagtaka naman si Lira.
"Ayos lang po ba kayo?" Nag aalang tanong ni Lira pilit na ngumiti naman si Celestia.
"O-oo ayos lang ako" sagot ni Celestia napanatag naman ang kalooban ni Lira. "Pupunta lang ako sa aking silid pagkat napagod ako kakalakbay"
"Sige po Ashti Ina" nakangiting sabi ni Lira inalis nya ang kamay nya sa tagiliran ni Celestia umalis na ito at nakatingin sa kanya silang lahat paramv may kakaiba dito lalo na paika ika ito at nakahawak sa kanyang tagiliran. Tumingin naman si Lira sa kanyang kamay at nakita nyang may dugo ito nakita ito ni Ybarro at kumunot noo.
"Ashtadi… sabi na may sugat na naman sya"
Sa Kagubatan…
"Cassiopeia! Cassiopeia! Mag pakita ka!" Galit na sabi ni Samara lumitaw si Cassiopeia.
"Ano ang kailangan mo sa akin Samara?" Takang tanong ni Cassiopeia.
"Este ivi nasusugatan na sya?" Takang tanong ni Samara bumugtong hininga si Mata at tumango ito. "Paano?!"
"Dahil mas pinili nya ang Encantadia kesa ang Devas… dahil nagmahal sya… dahil pag mamahal ang pinili nya kesa sa kanyang kapangyarihan" malungkot na sagot ni Mata nagulat naman si Samara hindi nya akalain na may puso pala si Celestia, na may kahinaan ito at kaya pala nitong mag mahal.
"Hindi ko inaasahan… na ang walang puso at manhid na bathala ay kayang mag mahal"
Sa Sapiro…
Kumuha si Celestia ng dahon at tela pinunit nito ang kanyang damit kung nasaan ang sugat upang magamot nya.
"Hindi yan gagaling ng mabilis" sabi ni Ybarro nagulat ito kaya tinignan nya ang nag salita nakita nya si Ybarro kasama si Ybrahim at ang kanyang mga apwe. Lumapit sa kanya si Danaya at lumuhod inilabas nito ang kanyang brilyante.
"Brilyante ng lupa iyong gamutin ang aking apwe" utos ni Danaya nag liwanag ang sugat ni Celestia at ang brilyante maya maya ay gumaling na ang sugat ni Celestia kaya naman ay tinago nya muli ang kanyang brilyante.
"Saan nang galing iyan?" Galit na tanong ni Amihan.
"May traydor lamang akong nakasalubong kanina" sabi ni Celestia at yumuko sya.
"Sino ang traydor na iyong tinutukoy?" Tanong ni Ybrahim.
"Sino pa ba ang nag traydor sa Sapiro na sakim sa katungkulan" walang ganang sagot nito bumugtong hininga lamang sila.
"Bakit ka pala nandito?" Tanong ni Ybrahim.
"Anong masama kung nandito ako?" Pamimilosopo ni Celestia.
"Kwarto ni Amihan iyan" sagot ni Ybrahim kumunot ang noo nya
"Nasaan ang kwarto ko?" Tanong nito na nakataas ang kilay.
"Baka nakakalimutan mo… asawa mo ako kaya iisang kwarto lang ang tutulugan natin" sabi ni Ybarro tumayo na si Celestia.
"Bakit dito sila hindi pa ba naaayos ang silid nila sa kaharian?" Takang tanong ni Celestia.
"Bukas aayusin na ang lahat at ililipat na sila" sagot ni Ybrahim tumango si Celestia.
"Avisala meiste… matulog nawa kayo ng mahimbing" sabi ni Celestia at pilit na ngumiti.
"Ikaw din aking apwe" nakangiting sabi ni Amihan at niyakap sya maya maya dumating si Pao-Pao kasama si Lira at Mira.
"Ashti Ina saan po ba kayo pupunta?" Takang tanong ni Lira.
"Sa aking silid mag papahinga na ako" nakangiting sagot ni Celestia at hinawakan ang pisnge ni Lira.
"Good night po" nakangiting sabi ni Pao-Pao.
"Goodnight din Pao-Pao" sabi ni Celestia nagulat si Pao-Pao dahil nakita nyang marunong din ito at alam ang salita nila hinalikan ni Celestia ang ulo ng bata. "Sleep well…"
"Avisala mesite… Ashti Celestia" nakangiting sabi ni Mira niyakap ni Celestia ito at hinagkan ang noo.
"E corre diu… ashti ina" nakangiting sabi ni Lira niyakap nya din ito at hinagkan sa noo.
"Sabay na ako sayong matulog" nakangiting sabi ni Ybarro at inakbayan sya.
"Naku si Ashti Ina kinikilig" pabirong sabi ni Lira nag prkeng tawa sya.
"Halika na" nakangiting sabi ni Celestia at tinignan si Ybarro bumilis at lumakas ang kabog ng kanyang puso.
"Halika na e corre"
Sa Ulapusio…
"Avisala… Samara" nakangiting bati ni Alexus.
"Avisala… Bathalang Alexus" nakangiting bati din nito.
"Ano ang kailangan mo?" Tanong nito habang nililinis ang palaso.
"Ilang batas ba ang nasuway ni Celestia?" Tanong ni Samara nagulat naman si Alexus sa kanyang tanong kaya naman ay tumingin sya dito.
"Hindi ko alam… bakit hindi mo tanungin si Bathalang Emre?" Painosenteng sabi nito inirapan sya ni Samara.
"Lokohin mo na amg lahat wag lamang ako" sabi ni Samara binigyan sya ng libro ni Alexus at kinuha nya ito.
"Andyan ang mga batas ng isang bathal… si Emre mismo ang gumawa nito… sapagkat sya ang nakakataas na bathala… ginawa nya ito noong namatay ang kanyang asawa at nabigo sya o nasaktan noon…" malungkot na sabi ni Alexus. "Noon wala pang batas na ganyang nagkaroon lamang nung umibig ang isang bathala sa isang encantado… ang encantado ang naging hadlang sa lahat ng plano ng mga magulang ng isang bathala… kaya naman ay ginamit nila si Emre upang mag sagawa ito ng batas… may kapalit na parusa ang paglabag sa batas… ang parusa ay naaayon sa batas na iyong nilabag…" tumingin si Samara sa libro. "Sana ay maliwanagan na si Emre at tanggalin ang batas na ito… naaawa na ako kay Celestia… isa sya sa nahihirapan sa batas na ito… hindi ko alam bakit ganto ang iba… kapag nasaktan nais nila na idamay din ang iba… sana naman… sana sya na ang susi upang magbukas ang mata at puso ni Emre… sya na lamang ang inaasahan namin ni Celestia… sya na lamang ang aming pag asa"
"Haba ng sinabi mo" sabi ni Samara na halatang naiirita tumawa si Alexus.
"Agape avi… maliban sa pagiging bathala ng pag ibig… isa din akong madaldal" sabi nito na natatawa.
"Sino ba ang tinutukoy mo?" Takang tanong ni Samara.
"Malalaman mo iyan pag dating ng araw" sagot ni Alexus at pumunta ng kanyang hardin sinundan sya ni Samara.
"Sino nga kasi?!" Galit na tanong nito.
"Si Cassiopeia"
BINABASA MO ANG
Encatadia:Our Destiny
FantasiDalawang sanggol ay ipapanganak sa panahon kung saan hindi ka tiyak sa panahon ng iyong kamatayan sila ay isisilang upang tuluyan ng makamtan ang nais ng puso ng bawat isa wawakasan nila ang lahat ng masama ang kapayapaan ay muling masisilayan sila...