Kabanata XXXVIII

272 5 0
                                    

Narrator P.O.V.

"Si Sanggre Danaya…" sagot ni Emre tumango tango naman si Cassiopeia.

"Alam kong hinding hindi nya tayo bibiguin"

Sa Lireo…

"Handa na ba ang mga hukbo Agane?" Tanong ni Hagorn.

"Oo Panginoon" sagot nito.

"Asval pamunuan mo ang isang hukbo doon kayo sa gilid" utos ni Hagorn.

"Masusunod mahal na hari" nakangiting sabi ni Asval na tila ba'y may plinaplano.

"Halika na" sabi ni Hagorn at umalis na sumunod sa kanya sila Agane at Asval.

"Mayca at Kaizen sumunod kayo kila Hagorn mag pakitang gilas kayo" utso ni Lila Sari.

"Masusunod po…"

Sa kagubatan…

Nandito ngayon si Kahlil upang kitain si Ether.

"Batalumang Ether nasaan ka na?" Tanong nito nag pakita si Ether.

"Mabuti at nandito ka na Kahlil… gawin mo ang pinagagawa ko sa iyo… patayin mo ang anak ni Amihan na si Lira"

Sa Sapiro…

"Inay maari ba kaming sumama sa inyo?" Tanong ni Lira tumingin si Amihan sa kanila.

"Dito na lang kayo kasama sila Imaw, Ades, Pao-Pao at mga dama" sagot nito nalungkot naman ang mga diwani at rehav.

"Inay sige na po may mga alam na po kami sa pakikipagdigma" pag susumamo ni Lira sa ina.

"Syang tunay ina" sabi ni Mira tumingin sa kanila ang mga sanggre.

"Tanong nyo muna sa Ashti Celestia ninyo" sabi ni Amihan tumingin naman sila Lira kay Celestia at nag mamakaawa bumugtong hininga si Celestia.

"Sige na… mag handa na kayo… basta ipangako nyo wag kayong hihiwalay sa ina ninyo" sabi nito natuwa naman ang mga diwani at rehav.

"Avisala Ashti Celestia…"
Sa baybayin…

Nandito na ang dalawang kaharian na mag didigmaan sa kanang bahagi ay sila Amihan at sa kaliwang bahagi ay sila Hagorn.

"Nakita nyo ba si Wahid?" Tanong ni Ybarro.

"Hindi mahal na rama" sagot ni Alira Naswen.

"Eh si Celestia? Nakita nyo ba ang inyong hara?" Tanong nito.

"Hindi pa rin mahal na rama parehas silang nawawala ni Wahid" sagot ni Alira Naswen tumango tango naman si Ybarro.

"Muros ikaw ang mamuno sa mga diwatang nasa gilid, Alira ikaw ang mamuno sa mga Sapiryan na nasa gilid, Aquil ikaw ang bahala sa mga hukbong nasa likod makakasama mo sila Wantuk at Paco" utos ni Amihan tumango naman sila at pumunta na sa kanya kanyang pwesto maya maya ay dumating ang mga barbaro kasama si Vish'ka at Wahid.

"Masaya kami na tutulong kayo" sabi ni Ybarro.

"Masaya kami na tulungan ang mga kapatid at kaibigan ni Aliyah este Sanggre Celestia" sabi ni Vish'ka ngumiti naman sila sumunod na dumating ang mga mulawin na kasama sila Pagaspas, Lakan at Celestia.

"Avisala eshma sa inyo" nakangiting sabi ng mga sanggre.

"Celestia mamuno ka sa mga taga pana sa harapan" utos ni Amihan tumango si Celestia at pumunta sya doon. Nakita sya ni Ether kaya namab ay pinatamaan nya si Celestia ngunit hinarangan iyon ni Samara kamit ang kanyang kapangyarihan.

"Pashnea! Kahit kailan traydor ka!" Galit na sigaw ni Ether napangisi naman si Celestia.

"Ether tanggapin mo na lamang na sa akin ang katapatan ng mga bathala at ng iyong mga anak" sabi ni Celestia lalong nagalit naman si Ether kaya umalis ito. "Masaya ako na sa amin ka kakampi"

"Sawa na akong maging sunod sunuran" nakangisi nitong sabi.

"Mahal na hari nasa panig nila Amihan si Samara" ulat ni Agane.

"Tanakresna! May traydor palang nakapasok sa atin" galit na sabi ni Hagor at pinag diinan ang salitang traydor.

"Estasectu!" Sigaw ni Amihan at Hagorn. Inilabas ni Amihan ang kanyang brilyante.

"Brilyante ng hangin nais ko na gumawa ka ng isang malaking ipo ipo at puksain ang mga hathor" utos nya sa kanyang brilyante kaya naman ay nag karoon ng malaking ipo ipo na pinatay ang kalahating hukbo ng Hathoria kaya lumamang sila Amihan.

"Pashnea! Yan pala ang nais mo… estasectu!" Galit na sabi ni Hagorn. Nagpatama sila ng malalaking bol na nag liliyab sa parte nila Amihan mabuti na lamang ay nag lagay ng pananggala si Celestia gamit ang kanyang brilyante.

"Atayde!" Sigaw ni Agane at nag simula na nga ang digmaan.

Kasama ngayon ni Amihan si Lira ngunit montik mapatay si Lira kaya tinasag ni Amihan si Muros.

"Muros ibalik mo si Lira sa Sapiro" utos nito tumango naman sya at hinila si Lira paalis sa digmaan sinundan ni Kahlil sila Lira nag kasalubong si Amihan at Ybrahim at hawak kamay nakipaglaban ganun din ang nangyari kay Celestia at Ybarro nag katagpo ang pito si Amihan, Ybrahim, Celestia, Ybarro, Danaya, Aquil at Pirena.

"Mahal na hara nauubusan na tayo ng kawal ng sapiro at lireo" ulat ni Aquil.

"Kung gayon ay umatras na kayo" utos ni Amihan.

"Masusunod mahal na hara" sabi ni Aquil.

"Pupuntahan ko si Hagorn… Celestia at Danaya gamitin nyo ang inyong brilyante upang paslangin ang mga hathor at nawa ay lumamang tayo sa kanila… Pirena, Ybarro at Ybrahim pamunuan nyo ang mga natitira" utos nito tumango naman ang lahat lumapit si Mira.

"Mga Ashti, mga Ado at Ina nakita nyo po ba si Lira at Kahlil?" Tanong ni Mira nag katinginan naman ang lahat.

"Si Lira ay nasa kagubatan kasama si Muros… si Kahlil hindi ko alam kung nasaan… mas mabuting na kayo na ni Danaya mag hanap kay Kahlil" sambit nito.

"Masusunod Ina" sabi ni Mira. Inilabas ni Celestia ang kanyang brilyante.

"Brilyante ng diwa nais kong bigyan mo ng buhay ang mga puno" utos ni Celestia nag liwanag ang kanyang brilyante unting unting gumagalaw ang mga puno at umalis sa kanilang mga lugar nakipag laban sila para sa nag bigay sa kanila ng buhay. Pumunta na si Amihan kay Hagorn si Pirena, Ybarhim at Ybarro patuloy na nakipag laban at si Danaya at Mira naman ay pumunta sa kagubatan upang hanapin si Kahlil.

"Avisala Hagorn" bati ni Amihan ngumisi si Hagorn hinarangan sya ni Agane paalis na sana si Hagorn.

"Ssheda dini luna!" Galit na sambit nito hinarap sya ni Hagorn at sinenyasan nya si Agane na umalis.

Ssheda dini luna — Stop and face me.

"Amihan… Amihan… Amihan… anong akala mo sa sarili mo? Malakas? Baka nakakalimutan mo dalawa ang brilyante ang hawak ko" sambit ni Hagorn at inilabas ang mga brilyante na kanyang hawak nainis naman si Amihan ng makita nya ang brilyante ni Alena. "Huwag kang mag alala hindi naman ako ang makakalaban mo…"

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon