Narrator P.O.V.
"Ashti Ina malapit na po ba tayo sa Devas?" Tanong ni Lira na kanina pa inip na inip.
"Malayo ang Devas Lira kaya hindi ko pa sigurado kung malapit na nga ba tayo o malayo" sabi ni Celestia lumaylay naman ang balikat ni Lira at nalungkot.
"Sanggre Celestia hindi ba doon ka lumaki sa Devas bakit hindi mo alam?" Takang tanong ni Wahid.
"Wahid kasama ko si Emre nung pumunta ako doon hindi namin kailangan mag lakbay" sagot nito kay Wahid.
"Bakit hindi mo na lamang tawagin si Bathalang Emre?" Nakangiting tanong ni Wantuk.
"Ssheda manahimik ka na lang hindi pwede ang iyong sinasabi" masungit na sabi ni Celestia.
"Nag tatanong lang mahal na sanggre" sabi ni Wantuk.
"Ashti Ina ano ang mga iyon… mga monster?" Tanong ni Lira at tinuro ang mga hathor.
"Pashnea… mga hathor"
Sa Lumang Etheria…
"Pashnea… hindi maaring mabasbasan si Lira" galit na sabi ni Ether.
"Kailangan kong gumawa ng paraan"
Sa kagubatan…
"Ashti Ina ano ang mga iyon… mga monster?" Tanong ni Lira at tinuro ang mga hathor.
"Pashnea… mga hathor" galit na sabi ni Celestia at hinanda ang kanyang espada.
"Avisala Sanggre Celestia… masaya ako nag balik ka na" nakangising sabi ni Agane.
"Avisala Agane hindi ko inaakala ikaw agad bubungad sa akin" nakangitung sabi ni Celestia.
"Ayaw mo ba na kamatayan ang bungad sayo?" Tanong ni Agane at napangiti ito napangisi naman si Celestia.
"Kamatayan… ilang beses ko na iyan natakasan… pero sige haharapin ko na ang aking kamatayan… basta… humanda kayo na gumuho ang Encantadia" nakangiting sabi ni Celestia napakunit naman ng noo si Agane sapagkat alam nya ang mangyayari kung sakaling paslangin nila si Celestia.
"Avisala… Hara Celestia" nakangiting sabi ni Hagorn na kararating lamang.
"Hagorn… buhay ka pa pala… akala ko namatay ka na nung naguho ang Hathoria" nakangising sabi ni Celestia.
"Pashnea! Patayin sila!" Sigaw ni Hagorn at sumugod ang mga Hathor.
"Agane ikaw bahal sa kanila ako ang bahala kay Lira" nakangiting sabi ni Hagorn napangiti naman si Agane.
"Masusunod po Panginoon" sabi ni Agane at umalis na sya.
"Avisala… Lira ang tunay na anak ni Amihan at Ybarhim" nakangising sabi ni Hagorn.
"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" Tanong ni Lira na takot na takot
"Wala naman nais ko lang mawala ka sa mundo!" Sabi ni Hagorn sinaksak nya si Lira ngunit mag evictus ito kaya hindi nya talaga nasaksak. "Nararamdaman kita Lira alam ko kung nasaan ka" nakangiting sabi ni Hagorn sinaksak nya patalikod si Lira sapagkata nasa likod nya itong lumitaw.
"Pashnea! Lira!" Sigaw ni Celestia at lumapit kay Lira.
"Agane halika na… hayaan natin si Celestia ipabalita kay Amihan ang nangyari sa kanyang anak" sabi ni Hagorn at tumawa tumingin si Celestia kay Hagorn na galit na galit. Umalis na sila Hagorn at nawalan na ng buhay si Lira.
"Hindi! Hindi ka maaring mamatay" naiiyak na sabi ni Celestia.
"Mahal na sanggre ano na ang ating gagawin?" Tanong ni Wantuk.
"Kunin mo ang Pluata at patugtugin ito" sabi ni Celestia agad naman ito ginawa ni Wantuk patuloy parin ang pag iyak ni Celestia maya maya ay dumating na si Lakan.
"Mahal na sanggre ano ang kailangan mo sa akin?" Tanong ni Lakan tumingin sa kanya si Celestia.
"Pakiusap… tulungan mo akong buhayin ang aking hadia" sabi ni Celestia niyakap sya ni Lakan.
"Agape avi… hindi kita matutulungan" malungkot na sabi ni Lakan.
"Maaari syang mabuhay muli kung nasa inyo ang gintong binhi" sabi ni Pagaspas tumingin sa kanya si Celestia at Lakan.
"Ano ang ginting binhi?" Tanong ni Celestia.
"Ito ang binhi na nag bibigay ng buhay ito ay nilikha ni Emre ng malaman ni Ether amg tungkol dito ay kinuha nya ang gintong binhi at naglikha ng isang halimaw upang mag bantay dito kaya mag ingat kayo" sabi ni Pagaspas tumayo si Celestia.
"Kung gayon ay pupuntahan ko ito" sabi ni Celestia.
"Delikado ito mahal na sanggre kaya mag ingat ka" sabi ni Pagaspas.
"Sasama ako sa iyo" sabi ni Lakan napangiti naman si Celestia.
"Dalhin mo sa Avila si Lira upang mahirapan ang mga retre na matunton ito"
Sa Ligawo…
"Lagi kang maging handa sapagkat sabi ni Pagaspas ay delikado ang halimaw na iyon" sabi ni Lakan at tumango naman si Celestia.
"Doon ka… dito ako" sabi ni Celestia.
Tinignan ni Lakan ang daan nakita nya na sa maayos sya pinapupunta ni Celestia."Mas mabuting doon ka mas maayos ako na dito sa madilim" sabi ni Lakan napakunot naman ng noo si Celestia.
"Ssheda manahimik ka wag mong minamaliit ang sanggre katulad ko" masungit na sabi ni Celestia.
"Ang sungit talaga kahit kailan" pabulong na sabi ni Lakan napatingin sa kanya si Celestia.
"Anong sinasabi mo?" Tanong ni Celestia.
"Wala sabi ko mag hanap na tayo tumatakbo ang oras" pag sisinungaling ni Lakan nag lakad na sila at mag kahiwalay upang mas madali nilang mahanap ang halimaw. Habang nag hahanap sila ay hindi nila alam may tatlong bandido na pumasok dito.
"Ahhh!" Nakarinig sila ng ungol kaya agad itong pinuntahan ni Celestia at Lakan nakita nila na nasaksak ito ng mga babdido kaya naman ay tinulungan nila ito at kinalaban ang mga bandido natalo nila ang mga ito kaya umalis.
"Sanggre Celestia may sugat sya" sabi ni Lakan pinuntahan naman ni Celestia ang halimaw nilagay nito ang palad sa sugat ng halimaw bilang sapiryan ay kaya nilang gumamot ng sugat gamit ng kanilang kamay maya maya ay gumaling na ang sugat nito kaya naman ay binigyan sila ng gintong binhi.
"Avisala eshma" nakangiting sabi ni Celestia.
"Halika na baka mag bago pa ang isip nya mahal na sanggre"
Sa Avila…
"Nandito na kami" sabi ni Celestia.
"Mabuti kung ganun dala nyo na ba ang gintong binhi?" Tanong ni Pagaspas.
"Oo dala na namin ito" sagot ni Lakan.
"Kung gayon ay ipainom nyo na sa diwani" sabi ni Pagas pas kaya naman ay pinainom ni Celestia ang gintong binhi kay Lira nag hintay sila ng medyo matagal na oras.
"Bakit hindi parin gumigising amg aking hadia?" Tanong ni Celestia kay Pagaspas.
"Sa katunayan ay si Lira parin ang may hawak ng desisyon sya ang bahala kung babalik pa ba sya sa mundo o sasama na sa taga sundo sa kanya"
BINABASA MO ANG
Encatadia:Our Destiny
FantasyDalawang sanggol ay ipapanganak sa panahon kung saan hindi ka tiyak sa panahon ng iyong kamatayan sila ay isisilang upang tuluyan ng makamtan ang nais ng puso ng bawat isa wawakasan nila ang lahat ng masama ang kapayapaan ay muling masisilayan sila...