Kabanata XX

330 8 0
                                    

Narrator P.O.V.

"Anak saan ka nang galing?" Tanong ni Celestia kay Lira.

"Kila Antony lang Inay may mga pinag usapan lang kami about sa totoo nyang identity" nakangiting sabi ni Lira.

"Pumayag ba sya sa nais natin anak?" Tanong ni Celestia lumapit sa kanya si Lira aylt niyakap sya sa likod.

"Opo Inay pumayag po sya malakas po kasi ako sa kanya" nakangiting sabi ni Lira.

"O baka naman may gusto sya sayo anak" pabirong sabi ni Celestia.

"Inay naman... malabo kaya iyan mag kaibigan lang kami" namumulang sabi ni Lira hinarap sya ni Celestia.

"Mag kaibigan o magka ibigan? alin dyan anak?" Pang aasar na tanong ni Celestia.

"Magkaibigan Inay wala ng hihigit pa dun" nakangiting sabi ni Lira.

"Anak aalis muna ako mag hahanap ako ng paraan upang makabalik tayo sa Encantadia" nakangiting sabi ni Celestia.

"Mag ingat po kayo Inay"

Sa Sapiro...

"Avisala... Aldo Ybarro" nakangiting bati ni Lira na kararating lamang sa Sapiro.

"Avisala... aking hadia" nakangiti ding bati ni Ybarro sa kanyang nag iisang hadia.

"Aldo narito ba ang aking Ado?" Tanong ni Lira na may hawak na basket na nag lalaman ng mga prutas at tinapay.

"Wala pa ang iyong Ado Ybrahim pumunta sya sa mga barbaro at higantes upang bumili ng bagong kagamitan o sandata" sabi ni Ybarro nalungkot naman si Lira.

"Kung gayon ay hihintayin ko na lamang ang aking ado"

Sa mundo ng mga tao...

"Akesya bakit ka nasa labas?" Tanong ni Bernardo.

"Nais ko lamang mag pahangin" sagot ni Akesya.

"Hindi bat sinabi ko na delikado sa labas... pumasok ka sa loob!" galit na sabi ni Bernardo

"Ngunit nai---" hindi natapos ang sinasabi ni Akesya sapagkat pinutol ito ni Bernardo.

"Walang ngunit ngunit pumasok ka sa loob!"

Sa Barbaro at Higantes...

"Nagawan mo na ba ng paraan upang makabalik ng Encantadia si Celestia aking kaibigan?" Nakangiting tanong ni Wahid.

"Kinakulungkot ko kaibigan wala parin aking maisip na ibang paraan... mas mapapadali sana kung si Amihan o si Ybarro ang mag utos nito... ayaw kong pangunahan sila... baka isipin nila na may panig akong pinapaboran" sabi ni Ybrahim nalungkot naman si Wahid.

"Kawawang sanggre... ngayon lamang nya nakasama ang kanyang tunay na pamilya nahiwalay muli sya" malungkot na sabi ni Wantuk na umiling uling umakbay sa kanya si Wahid at Paco.

"Kailan kaya nya makakamit ang tunay na kasiyahan? Hindi panandalian lamang" sabi ni Paco.

"Madami na syang naisakripisyo para sa iba... ni hindi nya nga inisip ang kanyang sarili... puro paano sya... paano sila... paano ka... paano kayo... ni minsan hindi nya tinanong paano ako" malungkot na sabi ni Wahid tinapik naman ni Ybrahim si Wahid sa balikat.

"Manalig ka kaibigan... alam ko na makakabalik muli si Celestia at malilinis ang kanyang pangalan... hindi din ako naniniwala sa bintang ni Alena... kahit minsan ay sobra ko itong inibig"

Sa Lireo...

"Mahal na hara nandito na po ang pagkain ninyo" sabi ni Ades na kapapasok lang sa silid ni Amihan binaba nya sa lamensa ang mga pagkain.

"Avisala eshma... Ades" nakangiting sabi ni Amihan.

"Aalis na ako mahal na hara... kung kailangan nyo po ako ay tawagin nyo na lamang ako" nakangiting sabi ni Ades paalis na sana sya.

"Ades... teka lang" sabi ni Amihan

"Bakit Hara Amihan?" Tanong ng Punong dama kay Amihan.

"Bakit ganon Ades... alam ko na sya ang aking anak... ang Lira ko... ngunit may kakaiba parin akong nararamdaman... gaya ng hindi mapanatag ang loob ko" sabi ni Amihan lumapit sa kanya si Ades.

"Marahil ay kailangan nyo ng sapat na panahon upang mag kasama... yung wala munang responsibilidad... kailangan mo din na mas lalo mong makilala ang iyong anak" nakangiting sabi ni Ades

"Marahil ay tama ka Ades"

Sa Sapiro...

"Ado mabuti ay narito ka na" nakangiting sabi ni Lira sa kanyang ama na kababalik lamang ng Sapiro.

"Ano ang iyong ginagawa rito Lira?" Tanong ni Ybrahim at binaba ang kanyang espada.

"Nandito ako ado upang bisitahin ka... hindi ka na kasi pumupunta sa Lireo... mukhang abala ka na masyado sa Sapiro... kaya nakalimutan mo na kami ni Ada" malungkot na sabi ni Lira nilapitan sya ng kanyang ama at niyakap.

"Agape avi anak... kung mas inuuna ko ang Sapiro... mas kailangan ako ng iyong Aldo Ybarro... pangako... babawi ako sa inyo ng iyong ina" nakangiting sabi ni Ybrahim.

"Aasahan ko iyan Ado"

Sa Lireo...

Hanggang ngayon ay lubhang nasasaktan parin si Pirena sa pagkawala ng kanyang anak kaya naman hindi nya maiwasan ng lumuha ng lumuha hindi nya alam na nakita sya ni Mine-a at lubha itong nasasaktan sa tuwing nakikita nyang malungkot amg kanyang anak.

"Mahal ko... halika na... kailangan na nating umalis" sabi ni Raquim.

"Paano ang mga anak ko?" Tanong ni Mine-a.

"Alam ko na kaya na nila ang mga pagsubok na darating sa kanila... magtiwala ka lamang sa kanila... mahal ko"

Sa kagubatan...

"Avisala Mira" nakangiting bati ni Cassiopeia kay Lira na kanyang nakasalubong.

"Avisala encantada… ngunit sino ka?" Tanong ni Lira.

"Ako si Cassiopeia o kilala bilang 'Mata' ako ay isang adoyaneva mo-re" nakangiting sabi ni Cassiopeia.

"Sino ang tinatawag mo na Mira?" Tanong ni Lira at lumingon lingon sa paligid.

"Walang iba kundi ikaw diwani" sabi ni Mata.

"Ssheda! Ako si Lira hindi ako si Mira" nakakunot na sabi ni Lira.

Lumapit sa kanya si Cassiopeia.

"Kawawang diwani... hindi mo alam ang tunay mong katauhan" sabi ni Cassiopeia.

"Ano ang iyong mga sinasabi?" Takang tanong ni Lira.

"Ikaw ay si Mira... anak ni Pirena at Azulan... ikaw ay hindi totoong anak ni Amihan… sapagkat ang tunay na Lira ay nasa mundo ng mga tao kasama si Celestia… ikaw ay ginamit ni Hagorn ang iyong Lolo" sabi ni Mata at pinakita nya ang mga kaganapan lalo na ang nangyari kay Celestia.

Nagulat si Mira sa kanyang nalaman at tumulo ang kanyang mga luha.

"Sana ako na lamang ang totoong anak ni Ina upang hindi ako mag karoon ng dugong hangal" umiiyak na sabi ni Mira may inabot si Cassiopeia sa kanya.

"Kunin mo ito at ibigay sa kanila siguraduhin mo na sila ang makakakuha nito… isiwalat mo ang katotohanan na iyong nalaman mula sa akin upang malinis ang pangalan ni Celestia at upang makabalik na sila lalo na ang tunay na anak ni Amihan"

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon