Narrator P.O.V.
"Diwani Amihan gising na po" sabi ni Ades at napamulat naman si Amihan ngunit halata na antok na atok pa sya.
"Ades ang aga pa naman pwede bang matulog ako sandali lang" sabi ni Amihan.
"Mag eensayo kayo ngayon kasama si Rehav Ybrahim at Ybarro kaya bumangon ka na Diwani Amihan" tumayo si Amihan at agad nag bihis ng pang ensayo.
"Ades talaga bang kasama si Ybrahim?" Dali dali syang lumapit kay Ades umaasa sya na sana totoo ito.
"Totoo kasama nyo ang dalawang Rehav ng Sapiro kaya halika na hinihintay ka na nila" natatawang sabi ni Ades pagkat alam nya na may lihim na pagtingin si Diwani Amihan kay Rehav Ybrahim.
"Kung gayon halika na Ades gusto ko na din mag ensayo at maipakita ang ibang natutunan ko kay Ado" hinila nya si Ades papunta sa labas sa baybayin at nakangiti si Ades sapagkat nakikita nya ang pag nanais ng Diwani makita ang Rehav.
Sa Devas...
"Handa ka na ba?" Tanong ni Emre.
"Opo Ado Emre" matapang na sabi ni Celestia.
"Kung ganyon umpisahan na natin adarde sila Haliya na muna ang bahala sayo tuturuan ka nila ng mga dapat mong malaman ako na bahala sa iba" sumunod si Celestia nag umpisa na sila tinuro sa kanya ang mga patakaran at batas ng mga bathala marami ding pag subok ang binigay sa kanya upang mahasa sya at ang kanyang kapangyarihan. Iba't ibang pagsubok ang hinaharap nya kada araw na lalong nag palakas sa kanya tinuturuan sya ng tamang pananamit, pag sulat, pag bigkas at marami pang iba na dapat malaman ng isang magiging bathala. Tinuruan sya ni Emre kung paano gamitin ng tama ang kapangyarihan nya aminado si Emre na pinakamaka pangyarihan ang sanggre na ito kesa sa kanya pinagkaloob ni Emre sa kanya ang brilyante ng diwa na mas nag palakas sa kanya at tinuruan din sya nito ng pag gamit ng iba't ibang klase ng armas.
Sa baybayin na nasasakupan ng Lireo...
"Ybrahim nandito na si Amihan ohh" lumingon naman si Ybrahim kung saang direksyon tinuro ni Ybarro halata ang kanyang saya ng masilayan ang diwani.
"Amihan anak andito ka na pala mabuti naman" sabi ni Raquim at sinalubong si Amihan at binuhat ito.
"Ado malaki na po ako wag nyo na po akong buhatin" natatawang sabi ni Amihan kaya binaba na sya ni Raquim. "Ado mag uumpisa na po ba ang pag eensayo sa amin?"
"Maya maya pa anak hinihintay pa si Mashna Aquil at iyong ina bakit gusto mo na ba mag ensayo?" Tumango naman si Amihan. "Kung gayon ectasectu! Tayo muna ang mag ensayo" kinuha ni Amihan ang kahoy at nag ayos sa posisyon. Di pa man nagbibigay ng hudyat si Raquim sumugod na si Amihan nakita ang kanyang galing sa espada sapagkat naturuan na sya ni Raquim nung nasa mundo ng tao sila. Manghang mangha ang ibang diwani at rehav lalo na si Ybrahim sapagkat napakagaling nito montik na sana matalo ni Amihan ang kanyang ama ngunit mas magaling ang kanyang ama kaya siya ang natalo. May pumalakpak kaya lumingon si Amihan.
"Hara mukhang hindi na namin kailangan hasain si Sanggre Amihan sapagkat napaka husay nya" pabirong sabi ni Aquil at tumawa naman ang iba.
"Napakahusay mo anak ngunit kailangan mo parong mag ensayo kaya ectasectu mag uumpisa na ang inyong ensayo" masayang nag ayos ang mga diwani at rehav. Nag simula na ang kanilamg pag eensayo. Nakita mo na masaya sila ngunit medyo nahihirapan araw-araw ganto ang kanilang gawain nagsasanay sa pakikipaglaban at nag aaral din tinuturuan din sila ng mga gawain ng isang diwani at rehav. Lumapit si Diwani Danaya kay Aquil. "Mashna maari po ba mag pahinga muna tayo?"
BINABASA MO ANG
Encatadia:Our Destiny
FantasyDalawang sanggol ay ipapanganak sa panahon kung saan hindi ka tiyak sa panahon ng iyong kamatayan sila ay isisilang upang tuluyan ng makamtan ang nais ng puso ng bawat isa wawakasan nila ang lahat ng masama ang kapayapaan ay muling masisilayan sila...