Narrator P.O.V.
"Hindi ko kailanman sisirain ang inyong tiwala. Kaya manalig kayo dahil uunahin ko ang kapakanan ng Encantadia bago ang aking sarili" nakangiting pangako ni Amihan. Inalalayan sya ni Muros at Aquil papunta sa trono.
"Hindi kamang ang brilyante ang aking ipapasa sa iyo Amihan" nakangiting sambit ni Mine-a tinangal ni Ades ang maliit na koronang pang sanggre ni Amihan.
Ipinatong ni Mine-a ang kanyang korona sa ulo ni Amihan kinakabahan man sya ay buong puso nyang tinaggap ito. Humarap si Mine-a sa kanila at pumunta si Raquim sa tabi ni Mine-a.
"Nais kong ipakilala sa inyo... mga diwata at encatado... ang bagong reyna ng lireo... si Hara Amihan" nakangiting sabi ni Mine-a.
"Hasne Ivo Live Encantadia! Hasne Ivo Live Lireo! Hasne Ivo Live Hara Amihan!" Sigawan ng lahat.
"Ashte mashte lesnum Lireo" nakangiting sabi ni Amihan. Nagpalakpakan ang lahat para sa bagong yugto ng Encantadia sa pamumuno ni Amihan.
Sa Barbaro at Higantes...
"Saan ka galing anak?" Tanong ni Vish'ka.
"Sa Lireo upang masaksihan ko ang pagbitaw ni Inang Mine-a sa kanyang tungkulin at sa pag pasa nya ng tungkulin bilang hara kay Amihan" malungkot nyang sabi.
"Bakit malungkot ka hindi ba dapat maging masaya ka?" Nilapitan sy ni Vish'ka.
"Sino ba ang matutuwa na nakuha ni Hagorn ang isang brilyante? Wala man lang akong nagawa" mas lalo pa syang nalungkot kaya niyakap sya ni Vish'ka.
"Wala kang kasalanan anak kaya pabayaan mo na iyan lahat naman na nangyayari ay may rason" sabi ni Vish'ka.
"Ado iniisip ko kailan kaya nila ako mahahanap?" Humiwalay si Aliyah sa pag kakayakap.
"Sa tamang panahon Aliyah mag hintay ka lang mabilis lumisan ang panahon di mo mamamalayan nasa piling ka na nila"
Sa Lireo...
"May isa pa akong nais na sabihin sa inyo" sabi ni Raquim.
"Napagdesisyunan namin ni Mine-a na ito na ang tamang panahon upang ikasal si Ybrahim at Amihan sapagkat kailangan ng Hara ng isang Rama upang tumulong sa kanya sa pamumuno nsa Encantadia" tumingin si Raquim kay Mine-a.
Nagulat silang lahat lalo na si Amihan at Ybrahim. Masaya sila ngunit alam nilang nasasaktan ngayon si Alena.
"Matagal na itong kasunduan sa pagitan namin ni Amanda at Armeo" dugtong ni Mine-a sa sinabi ni Raquim. Masaya ang lahat maliban kay Alena na nasasaktan.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Pirena.
"Magiging ayos din ako ang kailangan ko lang ay tanggapin ito" pilit na ngumiti si Alena.
"Alam kong matatag at malakas ka kaya makakaya mo iyan" nakangiting sabi ni Pirena.
"Avisala meiste mag papahangin muna ako" umalis si Alena at sinundan naman sya ni Ybarro.
"Masaya ako para sa inyo Amihan" sabi ni Danaya.
"Avisala eshma" malungkot na sabi ni Amihan.
"Iniisip mo ba si Alena?" Tanong ni Danaya tumango lamang si Amihan. "Huwag kang mag alala kilala ko si Alena makakaya nya ito at matatanggap nya din"
Ngumiti si Amihan at niyakap si Danaya. "Avisala eshma"
Sa talon...
"Alena..." tawag ni Aliyah sa kanya. Pinunasan ni Alena ang kanyang luha.
"Kanina ka pa nandyan?" Tanong ni Alena. Tumabi sa kanya si Aliyah.
"Kararating ko lamang" nakangiting sabi ni Aliyah. "Bakit ka umiiyak mahal na sanggre?"
"Hindi ako umiiyak" pag sisinungaling ni Alena.
"Huwag kang mag sinungaling sa akin" sabi ni Aliyah.
"Masakit... sobrang sakit... hindi talaga kami para sa isa't isa... dapat pala... hindi ko na pinagpipilitan sarili ko sa kanya" muling tumulo ang luha ni Alena. Niyakap sya ni Aliyah.
"May mga bagay talaga na akala natin para sa atin hindi pala" sabi ni Aliyah. "May mga bagay din na kahit anong pilit natin pag hindi para sa atin ano man ang gawin natin walang mangyayari ang tanging magagawa lang natin ay tanggapin ito"
Niyakap sya ni Alena ng mahigpit at lumuha na lumuha sa kanya.
"Iiyak mo lang iyan... magiging ayos din ang lahat hindi man ngayon... pero dadating din ang araw na mawawala na iyan" nakangiting sabi ni Aliyah. Hindi nya alam na kanina pa naka masid si Ybarro sa kanilang dalawa.
"Avisala eshma dahil lagi kang andyan para sa akin"
Sa Lireo...
Nasa azotea ngayon si Amihan at pinuntahan sya ni Ybrahim.
"Amihan" humarap si Amihan kay Ybrahim.
"Ybrahim ikaw pala... ano ang kailangan mo?" Nakangiting tanong ni Amihan.
"Nais sana kitang makausap tungkol sa ating dalawa" lumapit si Ybrahim kay Amihan.
"Alam ko na nasa isip mo" natatawang sabi ni Amihan. "Na tayo talaga ang itinadhana"
"Bakit lagi mong nalalaman nais ko?" Natatawang tanong ni Ybrahim. Niyakap sya ni Amihan at niyakap nya din ito pabalik. "Mukhang hindi ko na kailangan lumayo sa iyo Amihan"
"Hindi mo na takaga kailangan Ybrahim akala ko kayo talaga para sa isa't isa ni Alena ngunit kung titignan mo tayo pala ang tinadhana" nakangiting sabi ni Amihan. "Akala ko mag isa nanaman ako"
"Amihan... kailanman ay di ka mag-iisa... dahil lagi mo akong kasama sa kahit na anong pagdadaan mo... di kita iiwan... pangako iyan aking Hara" nakangiting sabi ni Ybrahim at napangiti naman si Amihan. "Avisala meiste mahal kong hara"
"Aalis ka na?" Malungkoy na tanong ni Amihan.
"Huwag kang mag alala mag kikita ulit tayo mahal kong reyna"
Sa Hathoria...
"Agane gawin mo na ang dapat mong gawin" sabi ni Hagorn.
"Ngayon na po mismo?" Tanong ni Agane.
"Paslangin mo o hindi ayos lang basta mag karoon ng takot ang mga taga Encantadia" nakangiting sabi ni Hagorn.
"Avisala meiste Panginoon... gagawin ko na ang pinag uutos nyo"
Sa Sapiro...
"Avisala mga rehav" nakangiting bati ni Aliyah sa mga rehav na kadadating lang.
"Ikaw nanaman?!" Sigaw ni Ybarro.
"Ako nga ito mahal na Rehav Ybarro" nakangiting sabi ni Aliyah.
"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ni Ybarro.
"Hindi kita sinusundan" sabi ni Aliyah, tumingin sya kay Ybrahim. "Avisala Rehav Ybrahim ako ang bago mong dama"
"Nagagalak ako at kasing edad ko lamang ang aking bagong dama" nakangiting sabi ni Ybrahim.
"Mga Rehav halika na kayo nakahanda na ang mga pagkain"
Sa Lireo...
"Mga dama maaari nyo na akong iwan dito" nakangiting sabi ni Amihan. Umupo sya at hinawakan ang kwintas na Lira, hindi parin sya makapaniwala sa mga naganap isa na syang reyna at nalaman nya na sila talaga ni Ybrahim para sa isa't isa.
"Avisala... Amihan"
BINABASA MO ANG
Encatadia:Our Destiny
FantasyDalawang sanggol ay ipapanganak sa panahon kung saan hindi ka tiyak sa panahon ng iyong kamatayan sila ay isisilang upang tuluyan ng makamtan ang nais ng puso ng bawat isa wawakasan nila ang lahat ng masama ang kapayapaan ay muling masisilayan sila...