Kabanata XXXV

290 7 0
                                    

Narrator P.O.V.

"Edi ituring mo akong taksil… wala akong pakialam… ayoko na dito… ayoko na maging sunod sunodan sa iyo ina… anak mo ako… hindi ako alipin… hindi ako preso… para utusan mo… at ikulong… nais ko lang makaramdam ng pag mamahal… na alam ko sa kanila ko lang matatagpuan… poltre ina… pero simula sa araw na ito hindi na kita ina… at hindi mo na ako anak… isa na ako sa magiging kalaban mo… tutal pinag tangkaan mo akong patayin…" nagulat si Ether sa sinabi ng anak. "Nagulat ka ba ina? Alam ko na tinangka mo akong patayin… hindi ako pashnea… para hindi ko iyon mapansin… hindi ko akalain na hahantong ka sa ganito… kahit anak mo kaya mong patayin"

"Ssheda… wag ka ng mag salita pa… umalis ka na lang… pag umalis ka wala ka ng babalikan… ituturing na kitang kalaban… isa ka ng traydor gaya ni Samara na iyong kapatid na walang utang na loob… mag sama sama kayo lahat mga walang kwenta!" Galit na sambit nito napangisi si Austin.

"Talagang aalis ako!"

Sa Devas…

Ngayong araw ang pag iisang dibdib ni Cassiopeia at Emre kaya abala ang lahat masaya sila para sa dalawa dahil sa wakas na tagpuan na nila ang isa't isa. Lahat ng bathala ay dumalo lalong lalo na si Celestia, Samara at Austin.

"Napala engrande ng kanilang kasal" sabi ni Austin na ngayon ay manghang mangha sa kanyang nasisilayan.

"Syang tunay hindi ako makapaniwala… na ganito ka ganda ang aking masisilayan dito" sabi ni Samara na nakangiti.

"Pag balik natin sa Encantadia may makakasama tayo" sabi ni Celestia napatingin naman sa kanya ang dalawang mag kapatid.

"Sino naman?" Sabay nilang tanong.

"Si Kiara…" sagot nito nagulat naman sila.

"Umayos na kayo mag uumpisa na ang kasal" nakangiting sabi ni Vashna.

Nagsi handa na ang lahat sapagkat mag sisimula na ang pag iisnag dibdib ni Emre at Cassiopeia. Si Alexus ang nakatakda na mag kasal kay Emre at Cassiopeia masaya ang lahat para sa kanilang dalawa mga bathala lamang ang dumalo dito. Maya maya ay unting unting nag lalakad si Cassiopeia patungo sa altar kasama nito si Kiara ang kanilang anak sya ay lumuluha hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya na kanyang nararamdaman mas lalong naging maganda ang lahat ng may liwanag na tila masaya ito kaya nag pakita nakarating na sya sa dulo ng altar humarap sila ni Emre sa isa't isa.

"Emre…" nakangiti nitong sabi habang lumuluha. "Hindi ko inaasahan na darating ang araw na ito… na magiging kaisang dibdib kita… akala ko hanggang parangarap lang… akala ko hanggang panaginip lang… hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon… yung taong pinapangarap ko eto ngayon… makakasama ko habang buhay… noong una wala na talagang natitirang pag asa sa akin… dahil alam ko sya pa rin… sya pa rin ang laman ng iyong puso't isipan… kelan nga ba sya nawala sa iyo? Kahit naman nandito ako sya pa rin ang hanap hanap mo… matagal na kita mahal Emre kahit noong hindi pa kayo ikinakasal… alam mo ba masakit noong ikinasal kayo… ilang libong balisong ang sumaksak sa puso ko ganun kasakit… kahit kinasal kayo patuloy kitang minamahal… patuloy kitang minamahal na patago… lagi akong nariyan sa tabi mo… sa tuwing nasasaktan ka ng dahil sa kanya… nandyan ako nung iniwan ka nya… pero hayaan na natin iyon… ang mahalaga ay yun tayo ngayon… avisala eshma… dahil minahal mo rin ako sa wakas… pangako sa iyo hinding hindi kita sasaktan… hinding hindi kita iiwan… mamahalin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan… e corre diu Emre"

"Cassiopeia…" nakangiti nitong sabi hinwakan nya ang kamay nito. "Hindi ko akalain… na ang matagal ko ng hinahanap ay nasa tabi ko lang pala… antagal kong nagbulag bulagan… antagal kong kinulong amg sarili ko sa sakit at sa nakaraan… akala ko kasi… sya na… sya lang… hindi ko akalain… na ikaw pala… at hindi sya… nagulat ako na nagising nalang ako… nabuksan mo na pala ang puso ko… ikaw na ang sinisigaw nito… alam mo naintindihan ko na ang lahat… alam ko na ang rason kung bakit nya ako nilisan… hindi talaga kami para sa isa't isa… tama sya… na nasa tabi lang ang nakatadhana sa akin… kailangan ko lang buksan ang aking mga mata at ang aking puso… at hayaan itong lumingon at matagpuan ang nakalaan sa akin… at ikaw pala iyon… ikaw na hindi ako sinukuan… ikaw na palaging nariyan… ikaw ay isa sa nag pasaya muli sa akin… ikaw ay isa sa nag pamulat sa akin… kaya isa ka sa mga ito kasi kasama na si Celestia amg aking anak… pangako mamahalin kita ng buong puso… hinding hindi kita sasaktan… at hindi ka.na muling luluha… e corre diu Cassiopeia"

Makikita mo sa kanilang mga mata ang saya at ang tunay na pag ibig.

"Sana mahanap ko na din amg para sa akin" nakangiting sabi ni Samara tumawa naman si Austin.

"Sa sungit mo na iyan… paano ka makakahanap?" Pabirong sabi ni Austin binatukan sya ni Samara.

"Tama na… nagkakasakita na kayo" natatawa sabi ni Celestia kaya tumigil naman sila.

'Kailan kaya darating ang araw na maiisip din ni Ybarro ang lahat katulad ni Ado Emre… kahit matagalan ay ayos lamang mahal ko sya kaya mag hihintay ako sa kanya' yan ang nasa isip ngayon ni Celestia patuloy na umaasa sa taong kayang lubusan na minahal.

"Sa kapangyarihan na pinag kaloob sa akin ako si Alexus bathala ng pag ibig kayo…" nakangiting nitong sabi. "Cassiopeia ng Emcantadia at Emre ng devas ay itinatalaga ko bilang mag kabiyak sa isa't isa…"

Lahat ay lumuluha sa saya at nagsigawan sila ng maghagkan ang dalawa.

"Ivo live Cassiopeia at Bathalang Emre!" Sigaw ng lahat.

"May nais sana akong ipakilala sa inyo" ankangitings abi ni Emre humarap sya sa banda namin sapagkat kasama namin si Kiara. "Ang anak namin ni Cassiopeia… si Kiara"

Lumapit si Kiara kila Emre at nag palakpakan amg lahat.

"Avisala eshma… pangako gagawin ko ang lahat upang maging karapat dapat na anak ng isang bathala ar isang hara durie ng Lireo… hinding hindi ko bibiguin ang aking mga magulang" nag palakpakan ang lahat.

"Hasne ivo live Bathala Kiara!" Sigaw ng lahat masaya ako para sa kaing apwe kahit hindi ko sya tunay na kadugo.

"Alam kong hindi mo kami bibiguin…"

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon