Kabanata VIII

353 8 0
                                    

Narrator P.O.V.

Pinulong ni Mine-a ang kanyang mga anak sa silid tanggapan sapagkat may nais itong sabihin sa kanila.

"Ina bakit nyo kami pinatawa?" Tanong ni Pirena. Ngumiti naman si Mine-a.

"Umupo muna kayo mga anak" umupo naman sila.

"Kaya ko kayo pinatawag dahil may nais akong sabihin sa inyo" seryosong sabi ni Mine-a nagkatitigan ang apat.

"Nalalapit na ang arae na kailangan ng pumipili para sa bagong reyna ng Lireo... nais ko sanang si Celestia ang mamuno sapagkat noong pinanganak sya ay nagliwanag ang kalangitan ngunit wala na sya dito... kaya naman ay isa sa inyo ang hahalili sa akin" malungkot na sabi ni Mine-a sapagkat naalala nya nanaman ang kanyang nawawalang anak.

"Maiwan ko na kayo dito" umalis na si Mine-a kasama si Ades.

Tumayo si Pirena at humarap sa kanyang mga apwe.

"Kung mayroon man dapat na maging tagapag mana ay walang iba kungdi ako sapagkat ako naman ang panganay" nakangiting sabi ni Pirena tumayo naman si Danaya.

"Ssheda Pirena ako man ang bunso sa ating apat kaya ko naman pamunuan ang buong kaharian" seryosong sabi ni Danaya tumayo naman si Alena.

"Pirena at Danaya di lang kayo ang may kayang pamunuan ang kaharian kaya ko din kahit ako pa ang mukhang mahina sa atin" sabi ni Alena.

"Ssheda wag nyong pag awayan ito wag nyong hayaan masira tayo ng dahil dito alam ko naman na may paraan si Ina upang malaman kung sino ang dapat tagapag mana maging masaya nalang tayo sa magiging resulta nito" tumayo si Amihan at umalis na.

Sa silid ni Mine-a...

"Mukhang may bumabagabag sayo Hara Mine-a" sabi ni Imaw na kararating lang.

"Nahihirapan ako Ninunong Imaw sa pag pili" pumunta si Mine-a sa bintana.

"Bakit naman mahal ko? Lahat naman ay karapat dapat na maging tagapag mana" sabi ni Raquim na lumapit sa kanya at niyakap sya sa likod.

"Tama si Rama Raquim si Pirena ay may aking talino na karapat dapat sa pagiging reyna... si Danaya ay nasa puso at isip ang kaugalian at batas ng Lireo... si Alena ay maawain sa lahat at dalisay ang puso... si Amihan naman ay katulad mo Mine-a" sabi ni Ninunong imaw.

"Alam ko iyan Pinunong Imaw ngunit nag aalala ako nawa ay isa kila Danaya, Alena at Amihan ang mag wagi sa aking pag subok" sabi ni Mine-a.

"Natatakot ka ba kung sakaling si Pirena maging Hara ng Lireo?" Tanong ni Raquim.

"Oo baka gamitin sya ng kanyang ama ayaw ko na mapasakamay ng masama ang Lireo" humarap si Mine-a kay Raquim.

"Mahal ko mag tiwala ka kay Pirena alam ko na may kabutihan sa kanyang puso na katulad mo alam ko na matalino sya at hindi sya mag papagamit sa kanyang ama" ngumiti si Raquim.

"Avisala eshma mahal tama ka sa iyong sinabi dapat sigurong mag tiwala ako kay Pirena kung sakaling sya ang manalo" yumakap sya kay Raquim.

"Alam ko Mahal na Hara Mine-a na gagabayan mo si Pirena" sabi ni Ninunong Imaw na kinangiti ni Mine-a. Di nila alam kanina pa nakikinig si Pirena may halong sakit ngunit ng marinig nya ang sinabi ni Raquim ay naging maayos ang kanyang pakiramdam.

"Napakaswerte ni Celestia at Amihan na ama nila ay si Rama Raquim tama lang na sya ang minahal ni Ina"

Sa silid ni Amihan...

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon