Kabanata LVIII:Ang Wakas

598 7 0
                                    

Narrator P.O.V.

Tumayo si Austin at tumingin sa langit.

Austin: naganap na ang propesiya… patay na si Hagorn, Arde at Ether

Wantuk: ang lagusan!

Tumingin silang lahat lalo na ang mga sanggre sa lagusan at nagbukas na nga ito napayuko silang lahat tumulo ang luha nilang lahat.

Danaya: nagtagumpay na sila Amihan at Celestia

Alena: avisala eshma sa inyo mga mulawin dahil pinatuloy nyo kami

Sa Encantadia…

Isang magandang araw amg bumungat sa kanila niyayakap sila ng init nito. Kakaibamg hangin ang kanilang nadarama na tila may sinasabi sa kanila umulan naman ng nyebe ng madampian sila nito ay tila may sinasambit tulad ng hangin.

Pirena: Amihan…

Alena: Celestia…

Lira: Ina… Ashti ina

Inayos na nila ang encantadia maayos na din ang mga sinira ng Hadezar nabuo muli ang Lireo. Nandito sila ngayon sa punong bulwagan ng Lireo upang ipagdiwang ang kabayanihan nila Amihan at Celestia. Nag patayo din sila ng istatuwa nila Amihan at Celestia sa Gitna ng Enchan Academia sa puso ng academia ay naroon ang mga sandata, kagamitan, damit nila at tungkod ni Celestia.

Danaya: nasa akin ang kalatas… ibinigay ito ni Amihan bago sila mag sakripisyo

Imaw: kung gayon ay basahin mo na sa amin

Danaya: nais ko na mag hanap kayo ng tagapagligtas o tagapagprotekta ng bawat kaharian… humingi kayo ng tulong kay Bathalang Emre… kung sino man ang may simbolo ng aming brilyante ay sila muna ang pansamantalang mamumuno sa inyo…

Imaw: kung gayon ay mamaya mananalangin na kami kay Emre

Tumango si Danaya masaya sila dahil nakabalik na sila ngunit may lungkot parin silang nadarama. Nandito ngayon sila Imaw at Ades nag alay sila sa istatuwa ni Emre.

Imaw: Mahabaging Emre kahilingan namin nawa ay iyong pakinggan… nais po namin ng mga bagong tagaprotekta at tagapagligtas ng bawat kaharian… nawa po ay mahanap na po namin ang mga nararapat.

Umalis na sila at muling bumalik sa punong bulwagan maya maya ay dunating si Cassiopeia.

Imaw: Cassiopeia ano ang ginagawa mo rito?

Cassiopeia: nais ko lamang ibigay ito (binuksan nya ang kanyang palad at lumabas ang brilyante ng apoy, hangin at diwa) nakita ko ito ng magising ako… Pirena at Danaya lumapit kayo sa akin…

Tumango silang dalawa at lumapit kay Cassiopeia.

Cassiopeia: Pirena kunin mo ang brilyante ng apoy… ikaw ang tunay na tagapangalaga nito…

Binuksan ni Pirena ang kanyang palad at lumipat doon ang brilyante ng apoy.

Cassiopeia: Danaya… tanggapin mo ang brilyante ni Amihan at Celestia… idala mo ito sa puso ng Echan Academia kung saan ay ligtas ito…

Binuksan ni Danaya ang kanyang palad at lumipat ito dito.

Danaya: avisala eshma…

Ybarro: nasaan sila Celestia at Amihan?

Lumingon si Cassiopeia sa kanila at nakangiti.

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon