Kabanata XI

362 10 0
                                    

Narrator P.O.V.

Nawala ang ngiti ni Amihan ng biglang may kadrnang sumakal sa kanya at may patalim na nakatutok sa tagiliran nya.

"Avisala.... Hara Amihan" nakangising sabi ni Agane.

"A-agane... anong g-ginagawa mo d-dito?" Nauutal na sabi ni Amihan.

"Sumusunod lang ako sa nais ng aking Panginoon" sabi ni Agane. Hinawakan ni Amihan ang kadena at pilit na tinatanggal ito.

"A-agane... t-tigilan mo n-na ito" sabi ni Amihan.

"Ssheda... hinding hindi ko gagawin iyan... kaya avisala meiste Amihan!" Sabi ni Agane at sinaksak si Amihan sa likuran.

"Pashnea! Bitawan mo sya!" Sigaw ni Aliyah at tinadyakan nya si Agane kaya nabitawan nito si Amihan.

"Pashnea! Di pa tayo tapos pakielamerang encantada!" Sabi ni Agena tsaka tumakas dahil naririnig nya na ang yapak ng mga kawal. Nang mawala na si Agane ay agad nyang dinaluhan si Amihan.

"Amihan ayos ka lang ba?" Tanong ni Aliyah na ngayon ay nag aalala ng sobra kay Amihan.

Bago pa nawalan ng malay si Amihan ay hinawakan nya ang pisnge ni Aliyah at ngumiti ito. "C-celestia"

"Pag hihigante kita Amihan sa hathor na iyon" tumayo si Aliyah at lumabas ng silid.

"Pashnea! Ang mahal na reyna!"

Sa Baybayin...

"Celestia... anak... nasaan ka na ba mahal kong anak?" Sabi ni Raquim na naglalakad ngayon sa baybayin.

"Alam mo ba na gustong gusto ka na naming makasama... lalo na kami ng iyong ina? Anak kailan ba kita mahahanap? Hindi na ako makapag intay na makasama ka... antagal na nung mawalay ka sa amin" sabi ni Raquim na hawak hawak ang lampin ni Celestia. "Hindi ako naniniwalang patay ka na anak... ramdam ko na buhay ka pa... kaya hindi ako titigil sa kakahanap sayo... pangako iyan"

"Rama Raquim!" Sabi ni Muros.

"Ano ang kailangan mo Hafte Muros?" Tanong ni Raquim.

"May nangyaring masama kay Hara Amihan... may nagtangkang pumatay sa kanya... sinaksak sya sa likuran" sabi ni Muros na hinihingal parin.

"Ano?!"

Sa kagubatan...

"Ahhh!" Daing ni Agane sapagkat tinamaan sya ng pana sa tagiliran na galing kay Aliyah.

"Sinong nag sabi sayo na tapos na tayo?" Sabi ni Aliyah at lumapit kay Agane na ngayon ay nahihirapan.

"Pashnea! Wala kang karapatan na gawin ito sa akin!" Sabi ni Agane sabay tanggal ng pana sa tagiliran nya.

"Wala ka ding karapatan para patayin ang apwe ko!" Galit na sabi ni Aliyah.

"Tama ba narinig ko? Apwe mo si Amihan?" Tanong ni Agane.

"Oo... ako si Celestia... ang matagal na nawalay na anak ni Raquim at Mine-a kaya humanda ka... sisiguraduhin ko na papaslangin kita bilang kabayaran sa ginawa mo sa aking apwe! Avisala meiste hathor!" Sabi ni Aliyah at tinangka myang saksakin si Agane ngunit nakaiwas ito kaya nauwi sa labanan. Nahiwa ni Agane si Aliyah sa kanang braso tsaka sinipa kaya naman ay natumba ito ng may oras na sya ay tumakas sya.

"Pashnea! Bumalik ka dito!"

Sa Lireo...

Nilipat ng mga kawal sa silid si Amihan. Nang malaman ito ni Mine-a at kanyang mga apwe ay agad na pinuntahan si Amihan.

"Danaya... gamitin mo ang brilyante ng lupa upang pagalingin si Amihan" sabi ni Mine-a. Binuksan ni Danaya ang kanyang palad.

"Brilyante ng lupa... sinasamo ko... pagalingin mo ang hara ko kapatid" sabi ni Danaya umilaw ang kanyang brilyante at ang sugat ni Amihan nag hilom na ang sugat ni Amihan kaya magaling na ito.

"Sabihin mo Aquil sino ang may kagagawan nito?" Sabi ni Pirena.

"Sa aking nakita isamg encantada na naka dama na pang Sapirian" sabi ni Aquil.

"Kung gayon ay pakihigpitana ng seguridad ng kaharian" sabi ni Raquim na kadarating lang.

"Pakihanap ang may gawa nito kay Amihan dapat syang parusahan" sabi ni Mine-a.

"Masusunod Inang Reyna" sabi ni Aquil at lumabas na. Habang pinagmamasdan ni Mine-a si Amihan ay may naisip syang bagay na dapat gawin.

"Muros... pakitawag si Pinunong Imaw... nais ko kamo syang makausap"

Sa Sapiro...

"Saan ka galing?" Tanong ni Ybarro.

"Sa labas lang po Rehav Ybarro" sabi ni Aliyah tinignan syang mabuti ni Ybarro.

"Sa labas... pero may sugat sa braso" sabi ni Ybarro binuhat sya nito na pang kasal.

"A-anong ginagawa mo?" Nauutal na tanong ni Aliyah.

"Dadalhin ka sa aking kwarto... upang gamutin" sabi ni Ybarro na nakangisi. Nang nasa kwarto na sila ay ginamot na ni Ybarro ang sugat nito lumabas na sila sa silid.

"Aliyah nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap" sabi ni Ybrahim.

"Poltre... Rehav Ybrahim" sabi ni Aliyah.

"Ybrahim! Ybarro! Aliyah!" Sigaw ni Wantuk na hingal na hingal.

"Bakit Wantuk?" Tanong ni Ybarro.

"Si Hara Amihan... nasaksak sya... may nagtakang pumatay sa kanya" sabi ni Wantuk napatingin naman si Ybarro kay Aliyah.

"Kung gayon ay halika na puntahan natin si Amihan"

Sa Lireo...

Marahang nagmulat ng mata si Amihan.

"Ina..." Sambit nya.

"Amihan kamusta na ang iyong pakiramdam?" Tanong ni Mine-a.

"Maayos na po Ina" sabi ni Amihan.

"Mabuti kung ganun" sabi ni Raquim.

"Amihan..." Sabi ni Ybrahim at lumapit dito. "Kamusta na ang iyong kalagayan?"

"Eto maayos naman na Ybrahim" nakangitong sabi ni Amihan pagkat nakita nya na sobrang nag aalala sa kanya si Ybrahim.

"Inang Reyna pinatutugis na po namin ang encantada na naka pang dama ng Sapiro" sabi ni Aquil na kakapasok lang ng silid ni Amihan.

"Hindi... hindi ang nakapangdama ang sumaksak sa akin... kundi si Agane... si Aliyah pa mismo ang nag ligtas sa akin" sabi ni Amihan napangiti naman si Ybarro.

"Poltre...  kung agad kong inakusahan ang encantada" sabi ni Aquil.

"Kaya pala may sugat sya sa braso" sabi ni Ybarro.

"Ayos lang ba sya?" Tanong ni Amihan.

"Oo ayos lang sya"

Sa Barbaro at Higantes...

"Avisala Wahid" sabi ni Aliyah na nakangiti.

"Ano kailangan mo?" Tanong ni Wahid.

"Samahan mo ako sa Hathoria" nakangiting sabi ni Aliyah. Tumingin sa kanya si Wahid.

"Nahihibang ka na ba?!"

Sa Hathoria...

"Andito na tayo... maari na ba akong umalis?" Nakangiting tanong ni Wahid.

Ngumiti si Aliyah sa kanya. "Hindi... kaya halika na" pumasok na sila sa Hathoria sa likod sila dumaan at bumaba dumaan sila sa kulungan. Tumingin tingin sila sa paligid. Huminto bigla si Aliyah.

"P-pirena..."

Encatadia:Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon