Celestia P.O.V.
Bumalik na kami ngayon sa Sapiro andito kami sa punong bulwagan kung saan nakahimlay ang aking hadia nakiusap si Alena sa mga retre na sunduin sya sa pangatlong araw noong una hindi ito pumayag nung ako ang nakiusap ay pumayag sila lahat ay malungkot at lumuluha dahil sa nangyari. Nakita ko ang sakit at galit sa mata ni Alena at Ybrahim kay Danaya naman ay sakit at konsensya kagabi noong umuwi kami ay montik na silang mag patayan mabuti at napigilan ni Amihan si Ybrahim at ako naman ay si Alena ang aking pinigilan. Ngayon ay dinadamayan ni Amihan si Ybrahim ginagawa nya ang lahat upang huminahon ito at umayos ng pakiramdam.
"E corre rama… iiyak mo lang iyan magiging ayos din lahat" sambit nito napatingin si Ybrahim kay Amihan.
"Bakit kailangan anak ko pa ang mawala?" Galit nitong tanong napayuko si Amihan.
"E corre… rama… lahat ay may dahilan" sambit nito.
Sa kabilang banda naman sya dinadamayan ni Ybarro si Alena nakikita ko sa mata ni Ybarro ang lubhang nag aalala kay Alena nakikita ko na mahal nya pa rin ito kahit ako ang laging nasa tabi niya.
"Alena… patawarin mo si Danaya sapagkat hindi nya sinasadya" sambit nito napakunot naman ng noo si Alena at humarap sa kanya.
"Walang kapatawaran ang kanyang ginawa" galit nyang sambit kinakain na sya ng kanyang galit napayuko ako at tumulo ang aking luha.
Kung kailan buo na kami tsaka pa kami muling mag kakahiwalay. Hays… kailangan kong gumawa ng paraan para mag ka ayos muli kami.
"Shhh… kapatid mo parin si Danaya"
Narrator P.O.V.
Sa devas…
Pumunta dito si Celestia at umaasa na may pag asa pa upang ibalik ang kanyang hadia. Pumunta sya sa troni ni Emre kung nasaan ito nang makarating doon ay nakita nya sa tabi nito si Kahlil kaya naman ay niyakap nya ito.
"Masaya akong dito ka napunta aking hadia" nakangiting sambit nito kumalas sya sa pag kakayakap nila.
"Hindi po ba kayo galit ashti?" Takang tanong nito hinawakan nya ang kaliwang pisnge ni Kahlil.
"Alam ko ang dahilan bakit mo iyo nagawa… alam ko ang nakaukit sa kapalaran nyo ni Lira" sagot nito napangiti naman si Kahlil tumingin si Celestia kay Emre. "Ado Emre nais ko pong ibalik sa Encantadia si Kahlil hindi bilang isang ivtre"
"Isa beses mo lang pwede itong magamit na ibalik ang ivtre sa Encantadia at hindi na sya mamamatay muli… kung gagawin mo sya bilang iyong kanang kamay"
Sambit ni Emre."Bathalamg Emre nais kong maging kanang kamay ang aking hadia na si Kahlil"
Sa Sapiro…
Lumapit si Danaya kay Alena at Ybrahim.
"Poltre… kung napatay ko ang aking hadia" malungkot nitong sambit tumawa naman ng peke si Alena at bigla nyang sinakal si Danaya.
"Mamamatay ka na!" Galit nitong sambit na tila ba ay isang halimaw na binalot na ang puso sa galit at pag hihigante. Pinigilan sila ni Amihan at Pirena.
"Ssheda Alena! Kapatid pa rin natin si Danaya!" Galit na pag suway ni Pirena sa kanyang kapatid na si Alena.
"Pag nakita ito ng ating ina alam kong malulungkot sya" sambit ni Amihan.
"Bakit ang hirap sa inyong ang mag patawad?" Tanong ni Celestia na kababalik lamang galing sa Devas tumingin sa kanya ang lahat. "Lahat tayo nakakagawa ng mali… hindi tayo perpekto… nakakagawa tayo ng kasalanan" tumingin sya kay Alena. "Patayin mo si Danaya kung sakalimg masabi mo sa akin wala kang ginawang kasalanan"
Napayuko naman si Alena alam nya na marami syang nagawang kasalanan sya ang may kagagawan ng lahat.
"Tignan mo… lahat tayo nag kakasala… malaki man o maliit… dapat marunong tayo mag patawad…" tinayo nya si Alena. "Tignan mo ang himlayan ng iyong anak"
Tinignan nila ang himlayan ni Kahlil ngunit wala na ito kaya nag taka sila humarap muli sila kay Celestia.
"Nasaan ang aking anak?" Tanong nito na nakanoot ng noo napangiti si Celestia.
"Kahlil… maaari ka ng mag pakita sakanila" maya maya ay lumabas na si Kahlil lahat ay nagulat ng makita sya agad naman sya pinuntahan ni Ybrahim at Alena at niyakap si Kahlil.
"Totoo ba na ikaw iyan anak?" Tanong ni Ybrahim tumango si Kahlil.
"Paano ka nabuhay muli anak ko?" Takang tanong ni Alena humarap si Kahlil kay Celestia.
"Sa tulong ni Ashti Celestia… ginawa nya akong kanang kamay upang makabalik ako sa Emcantadia at hindi na mamatay muli" nakangiti nitong sagot tumingin si Ybrahim at Alena sa kanya.
"Avisala eshma" sabay nilamg sambit ngumiti lang si Celestia lumapit si Danaya lay Celestia.
"Bakit mo iyon ginawa?" Tanong ni Danaya.
"Para sa iyo… para kay Alena at Ybarro… para sa atin… para kay ina" nakangiti nitong sagot yumakap sa kanya si Danaya.
"Avisala eshma" sabi nito kumalas sya sa pag kakayakap.
Maya maya lumapit silang lahat kay L
Kahlil."Avisala… Kahlil masaya kaming muli kang nabuhay" sambit nilang lahat at sunod sunod na yumakap lumapit si Danaya kay Kahlil.
"Poltre aking hadia… sa aking nagawa sa iyo" sabi nito niyakap sya ni Kahlil.
"Ayos lamang ashti alam ko naman kung balit mo iyon nagawa pinapatawad na kita… tutal lahat tayo nag kakasala lalo na ako montik ko ng mapatay ang aking apwe na si Lira" sambit niya.
"Ano ka ba bro okay lang i understand naman kung sakaling magagawa mo iyon"nakangiting sabi ni Lira nakinangiti ni Kahlil.
"Kailan kaya ako mag kakaroon ng kanang kamay?" Tanong ni Austin na tila nag paparinig tinignan sya ni Samara.
"Pumatay ka tas sabihin mo ginagawa kitang kanang kamay ko" inis na sambit nito.
"Tama na iyan baka mag kapikunan pa kayo" natatawang sabi ni Kiara napangiti naman si Kahlil nung makita sya.
"Umayos kayo may pupuntahan pa tayo" utos ni Celestia. "Kasama na kayo lalo ka na Danaya"
Sa lumang Linfloria…
"Grabe pala nangyaro dito wasak na wasak Ashti ina" sabi ni Lira.
"Syang tunay" pag sang ayon ni Mira sa kanya.
"Gusto kong masilayan ang dating wangis ng Linfloria na dati ay sa pagkwekwento lamang ng bathala ko ito naiisip" sambit ni Samara. Lumapit si Celestia sa gitna kung nasaan ang bato kumuha sya ng punyal at hiniwa ang kanyang pulso tumulo ang dugo dito ng lahat ng linya ay may dugo na ay nag liwanag ito umatras si Celestia na nang hihina kaya naman ay hinawakan ni Ybarro ang kanyang sugat at gumaling ito.
"Linfloria… muli kang bumangon"
BINABASA MO ANG
Encatadia:Our Destiny
FantasyDalawang sanggol ay ipapanganak sa panahon kung saan hindi ka tiyak sa panahon ng iyong kamatayan sila ay isisilang upang tuluyan ng makamtan ang nais ng puso ng bawat isa wawakasan nila ang lahat ng masama ang kapayapaan ay muling masisilayan sila...