ROSÈNandito kami sa bahay ng bestfriend kong si Lisa. Nagpapaalam ngayon sa kuya niya. Papasyal kasi kami ngayon sa mall eh. Kaya kailangan niyang magpaalam. And for sure papagalitan siya ng kuya niya kapag hindi nagpaalam si Kuya.
"Sige na Kuya Hoseok! Payagan mo na akong magmall! May kasama naman ako. Look! Nandito naman si Rosè at Sehun oh!" pagpipilit niya sa Kuya niya.
Medyo naman kasi strikto 'tong Kuya niya.. kaya kailangan mo talagang ipilit para pumayag lang.
Huminga naman ng malalim si Kuya Hoseok, "Fine fine Lisa. Pumapayag na ako." at ng dahil doon napaharap naman siya sa amin at ang lawak lawak ng ngiti niya.
"Talaga kuya?! Salamaaaaaaat! Kaya love na love kita eh!" masayang sambit ni Lisa tsaka niya yinakap ng mahigpit si Kuya Hoseok. Tsaka napalit sa mukha ni Kuya Hoseok ang ngiti niya kanina nasa poker face.
Ipinagmamasdan ko lang naman sila na nagkakayakapang magkapatid. Napapangiti nalang ako ng tuluyan. Sana may Kuya din ako na tulad ni Kuya Hoseok. Mag-isa lang kasi ako eh.
"Love din kita. Basta.. mag-ingat kayong tatlo ha. Basta.. pasyal lang sa mall. Wag kayong gagawa ng kalokohan." paalala niya sa aming tatlo. "Lalong lalo ka na Sehun, ingatan mo 'tong kapatid ko. Patay ka sa akin pag maligaw 'tong kapatid ko. Pati na din si Rosè ha."
Nga pala, bestfriend ko din si Sehun. Actually, tatlo kaming magbebestfriends. Kinder, elementary at hanggang highschool, magkakilala kami. Tsaka ang matindi? Si Sehun at Lisa ay sila na. Tignan niyo! Yung mga bestfriends ko eh magjowa na ngayon. Syempre, support ko silang dalawa! Hehehe!
Natawa naman si Sehun, "Oo naman hyung 'no! Promise yan! Iingatan ko 'to silang dalawa!" nakangiting sambit ni Sehun.
"Yun, mabuti yun. May tiwala ako sa'yo ha. Tandana mo yan." nakangiting sambit sa kanya ni Kuya Hoseok.
"Eh ayaw mo bang sumama Kuya Hoseok?" tanong ko.
"Hindi muna Rosè. May ginagawa pa akong importante eh. Siguro next time nalang tayo magbonding." sagot niya at napatango naman kami doon. "Oh sige. Mauna na kayo. Mag-ingat kayo lagi. Wag kayo papaabot sa gabi. Hanggang sa di pa kayo umaabot sa curfew dapat nasa sari-sarili na kayong tahanan." napaka-over protective naman neto ni Kuya.
"Grabe ka naman Kuya! Hindi naman kami magpapagabi ah!" natatawang sambit ni Lisa.
"Lisa.. nagiging concern lang naman ako sa inyo basta sundin niyo ako." nakangiti niyang sambit sa amin. Ang sweet talaga ni Kuya Hoseok.
"Oo na Kuya! Thanks sa concern ha!" Lisa. "Sige, ingat ka din dito Kuya! Mauuna na kami!" paalam naman ni Lisa at napatango lang si Kuya.
"Sige ingat kayong tatlo."
"Mauna na kami Kuya." Sehun.
"Bye Kuya. Ingat." sabi kong nakangiti.
"Osige. Bye na. Ingat kayo." nakangiti niyang sambit.
Tsaka naman kami sumakay tatlo sa kotse ni Sehun. Syempre, driver si Sehun. Tapos tabi naman kami ni Lisa sa upuan sa likuran ng passenger's at driver's seat.
Ang swerte din ni Lisa 'no? May protective at may mapagmahal siyang Kuya. Strict pa at concern. At si Kuya Hoseok yun.
Nakakainggit naman kung ganon 'no? Ako nga eh. Gusto ko ding magkaroon ng Kuya. Gusto ko din makaranas ng ganon. Na may nag-aalala sa akin, nagagalit, nag-aalaga at nagmamahal na Kuya sa akin. Pero anong magagawa ko eh wala nga?
Sa aming tatlo, eh ako lang yung walang nakakatandang ate o kuya. Si Lisa, meron. At si Kuya Hoseok nga yun. Si Sehun merong nakakatandang ate, at si ate Tiffany naman yun na ngayon ay nasa Austrilia na. Parang kaugali lang din ni Kuya Hoseok si Ate Tiffany.. masyado ding strict kay Sehun.
Ano kaya feeling 'no? Mabuti pa sila. May ate or kuya.
Matagal ko ng hinihiling yan kay Mama. Pero ako nga pala yung panganay, akala ko nga may Kuya ako eh. Tsaka nagulat ako dahil nung six years old ako, may sinabi sakin si Mama na may matagal na siyang tinatago sa akin. May Kuya pala ako, matagal na. Di naman ako nagalit, natutuwa pa nga ako eh dahil may Kuya na ako.
Pero ang masaklap, nasa Korea daw. Iniwan daw doon ni Mama sa kapatid niya. Ang masaklap, hindi ko pa alam ang pangalan niya. Walang kwenta ano?
Paulit ulit niyang sinasabi sa akin na soon, makikita at makikilala ko daw siya. Pero ang daming taon na nagdaan, wala pa din yung Kuya ko. Nagsasawa na akong maghintay pero dahil wala naman akong pag-asa. Hanggang sa nagsawa na ako, di ko na naisipang maghintay pa dahil parang umaasa lang naman ako sa wala.
Pero nandyan naman sina Kuya Hoseok at ate Tiffany eh.. pinaparamdam din nila sa akin na parang kapatid din nila ako. Sapat na sa akin yun.
Pero iba talaga kapag kadugo mo eh.
"Are you okay Rosè? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?" napaharap naman ako kay Sehun na nagtanong.
"Oo nga. Is someone bothering you?" tanong naman ni Lisa sa akin.
Hanggang sa napatanong nalang ako na..
"Ano sa feeling kapag may Kuya or Ate ka 'no?"
一
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3