ROSÈ
"Baka naman.. libre naman dyan oh." pagpaparinig ko kay Lisa ng bumibili siya ng pagkain niya.
"Libre mo dyan. Sige na nga. Anong sa'yo?" natatawa niyang tanong sa akin.
"Yung apple pie lang at tsaka nestea. Yun lang." natatawa kong sambit.
"Oh sige. Teka." natatawa niyang sambit at binili niya na nga yung pinapabili ko sa kanya. Talaga, nilibre niya talaga ako. Rich kid si Lisa ha.
"Wow. Himala."
"Himala?" nagtataka niyang tanong.
"Talagang lilibre mo talaga ako 'no?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Ano ka ba, syempre naman 'no. Hindi naman ako madamot sa'yo ah." natatawa niyang sambit at tinanggap niya na yung apple pie at nestea at binigay niya yun sa akin.
Tinanggap ko naman yun, "Thank you, Lis ha." nakangiting sambit ko sa kanya.
"Wala yun." sagot niya.
Nakahanap naman kaming dalawa ng table at umupo naman kaming dalawa at kumain lang naman kaming dalawa. Tapos kami lang dalawa ngayon, wala si Sehun. Nagpractice daw kasi sa ng sayaw kasama ang mga kadance group niya so kami nalang munang dalawa.
"Pahiram ng phone mo Rosè." sambit ni Lisa habang umiinom ng Orange Juice. "Palaro ng Beat Fire." natatawa niyang sambit.
Natawa naman ako at inabot ko sa kanya ang phone ko at tinanggap niya naman yun at may kung ano ano na siya na kinakalutkot sa phone ko.
Kumakain lang naman ako dito at ipinagmamasdan ko lang naman si Lisa na may ginagalaw galaw sa phone ko. Ewan ko kung ano yun. Basta kumakain lang ako dito. Hehehehe.
"Nga pala Lisa, may copy ka ba doon sa English natin sa World Literature? Di ko natapos eh pacopy nalang nga." sambit ko sa kanya habang kumakain ng Apple Pie pero di niya ako sinagot. Bingi siguro.
"Huy, Lisa. May copy ka nga?" ulit kong tanong pero hindi pa din niya ako sinagot.
Dahil napapansin kong kanina pa siya natatahimik, tinignan ko siya. Mukha siyang nagugulat na nakatingin sa phone ko. Teka teka.. ano bang meron sa phone ko eh bakit ganyan siya makatingin?
"Huy! Ok ka lang?" taka kong tanong sa kanya.
"Chinat niya 'to lahat sa'yo?!" gulat niyang sambit nang iharap niya sa akin ang kanyang phone tapos nagulat ako ng nakita ko ang conversation namin ni Kuya Chanyeol. Waaaahhh? Binabasa niya pala?! Nakakahiya naman kung baka anong isipin niya. >.<
"Ah.. oo." sagot ko. "Bakit ba?"
"Eh wala lang ba sa'yo?" tanong niya sa akin na para bang may gusto siyang malaman.
"Wala lang. Normal lang naman sa akin yun eh. Tsaka ganyan naman talaga siya sa akin. Ang sweet nga eh." natatawa kong sambit.
Napatango tango naman siya, "Ganon ah. Pero grabe. Parang siya yung jowa mo na spammer. Grabe. Ang sweet niya sa'yo ha, parang hindi mo lang kuya eh. Asus." natatawa niyang sambit. "May pa-i-miss-you at i love you pa eh. Yiieeeeeeeeeee!" nakikilig niyang sambit.
"Tumigil ka nga dyan. Ganun lang talaga yun 'no. Medyo nasasanay na ako." natatawa kong sambit.
"Pero hoy, talaga ba? As in? Di mo ba talaga nafefeel na gusto ka 'non?" tanong niya sa akin at natawa naman ako dito.
"Baliw ka ba? Hindi ah! Bakit naman ako magugustuhan 'non? Tsaka diba nga sabi ko sayo, donssaeng lang ang tingin sa akin 'non. Pinag-iisip niya eh ganun lang talaga siya sa akin. Tapos maraming babae sa Korea na magugustuhan niya 'no. Ganon." sagot ko.
"Eh. Ganon? Sige. Sabi mo eh." natatawa niyang sambit at binalik niya na tuluyan ang phone ko sa akin at agad agad ko nalang yun tinago sa bulsa ko.
Pero habang kumakain ako, pinagmamasdan ko lang si Lisa dito na parang nilalaro niya lang ang kanyang pagkain at parang natutulala pa siya.
"Huy Lisa! Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya at mukha naman siyang nabigla.
Napatingin naman siya sa akin at napangiti, "Ha? Ano? Oo naman! Okay lang ako?"
"Eh bakit ka natutulala? Namimiss mo si Sehun 'no?" nang-aasar kong tanong sa kanya at natawa lang naman siya.
"Hindi ah. May iniisip lang." sagot niya naman.
"Anong iniisip mo?" tanong ko uli sa kanya.
"Basta. Wala pala akong may iniisip." napapailing na sambit ni Lisa. "Kumain nalang tayo." sambit niya at napatango nalang ako sa sinabi niya.
Pero habang kumakain kami dito, patago kong ipinagmamasdan si Lisa dito. Tsaka mukha talagang natutulala at may iniisip siya na ano. Bigla siyang naging ganito ah? Eh hindi naman siya ganito kanina. Pero biglang tumahimik? Eh?
Bahala na. Magbabago naman yan mamaya ang mood niya. Baka iniisip lang si Sehun eh namimiss niya naman. Yiieeeeeeee.
- - -
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3