MO72。

82 15 2
                                    


LISA

Kinabukasan...

4:12 P.M.

Dahil naghihintay kami ng school alarm sa uwian, dito nalang muna kami tumambay ni Sehun sa garden. Malapit lang naman dito room namin. Nakaupo lang kami sa bench. Pinag-uusapan namin si Rosè at Chanyeol.

"Dapat kasi.. di nalang natin yun dinare sa kanya. Tignan mo yung nangyari, hindi na pinapansin ni Chanyeol si Rosè. Malay mo, moved on na agad simula nung makita niya yung status ni Yugyeom at Rosè." kwento ko kay Sehun.

Mabilis naman siyang napailing, "Hindi yan. Imposible namang makamove on siya agad. Alam kong mahal na mahal niya si Sè 'no." angal niya.

"Nagkakaganon siya kasi nga syempre.. nagseselos siya. Tignan mo, darating ang araw na sasabihin niya yan kay Sè. Asus!" natatawa niyang sambit.

"Darating ang araw mo diyan eh umiiwas na nga siya kay Sè!" pasigaw kong sambit sa kanya.

"Nareremember ko yung sinabi niya sa chat, gusto niya sa kanya lang si Sè. Tsaka alam na alam ko Lisa, sasabihin niya yan. Di'ba? Kung magseselos yung tao di niya na mapipigilan yung nararamdaman niya? Malay mo." sabi niya. Napapailing nalang ako ng tuluyan.

Ang dami niyang alam. Bwisit. >.<

"Isa pa, matatawa nalang ako sa reaction ni Kuya Chanyeol kapag nalaman niyang dare lang natin yun sa kanila." natatawa niyang sambit. Parang natutuwa talaga siya.

Nagsisisi nga ako na pumayag sa plano ng Sehun na 'to. Nang dahil sa dare namin, di na pinapansin ni Chanyeol si Sè. Malamang, nagselos sa status nila ni Yugyeom! Naman yan! >.< Kasalanan namin 'to.

Binatukan ko naman si Sehun, "Baliw! Syempre tayo ang pagagalitan ni Rosè kasi tayo naman ang nag-utos sa kanila na gawin nila yun. Kaya sila nagkakaganyan." kontra ko sa kanya.

Natawa naman siya, "Ano ba! Kasalanan na nila yan kung bakit pinost nila yun sa Facebook! Wala na tayong problema doon!"

Baliw talaga. >.<

Binatukan ko naman siya uli, "Loko! Kung di naman natin sila dinare na ganon, di naman mangyayari yun sa kanila!" angal ko uli.

"Nambabatok ka na ha." sabi niya at tsaka nagulat ako na lumapit siya sa akin at yinakap niya ako. Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko at yakap-yakap niya lang naman ako. Napapangiti nalang ako habang nakikita kong nakapikit siya. Nanlalambot ako. Ang cute niya! >.< Arrghhh! Bwisit!

Natawa naman ako ng mahina tsaka ko ginulo yung buhok niya, "Ikaw naman kasi. Pinagsasabi mo."

"Yah. Wag kang mag-alala. Magkakaayos din yang dalawa. Si tadhana pa." bulong niyang mahina sa akin habang nakayakap pa din siya sa akin. Natatawa naman ako sa sinasabi niyang 'tadhana'. Ang korni niya po. TT___TT

Natawa naman ako, "Paano mo naman nasabi?" tanong ko sa kanya.

"Hmmm. Basta." mahina niyang sagot sa akin at nagulat nalang ako na bigla niya akong hinalikan sa pisngi ko sa rason na nang-iinit yung buong mukha ko at bumilis yung tibok ng puso ko. Pabigla bigla kasi 'tong gago na 'to.

Ackkkkk! Pero nakikilig ako! >.<

"Yieeee. Namumula." asar niya sa akin.

Binatukan ko naman siya ng mahina sa balikat niya, "Pabigla bigla ka kasi." natatawang sambit ko sa kanya.

"Kiss mo din ako dito." utos niya sa akin tapos tinuro niya yung pisngi niya. Yah! Bakit ang korni niya ngayon?

Ningitian ko lang naman siya tsaka ko nilalapit ang mukha ko sa kanya at hahalikan ko siya sa pisngi ng nagulat akong ginalaw niya ang ulo niya kaya nahalikan ko siya labi niya. Nabigla naman ako doon at mabilis kong nilayo ang mukha ko. Kunwari ko lang naman siyang sinamaan ng tingin. Pero nakikita ko lang naman na ningingisihan niya ako. Bwisit ha.

"Ikaw talaga."

"Sorry na." mahina niyang sambit at pinisil pisil niya lang naman yung pisngi ko. Natatawa lang naman ako sa ginagawa niya.

"Papapunta dito si Rosè." sabi niya sabay nguso kaya tinignan ko naman yun at papapunta nga si Rosè dito.

"Oo nga." sabi ko.

Napabitaw naman kami ni Sehun at umayos kami ng upo. Tsaka lang naman namin hinintay si Rosè na makarating dito. Maya maya ay tumabi din siya sa akin. Hanggang ngayon, blanko pa din yung mukha niya. Walang kaexpression. Nagtataka nga kami ni Sehun. Kasi whole day, ganyan siya at ang sobrang tahimik niya.

Tapos kung magsasalita lang siya ay kung tatanungin lang namin siya ni Sehun. Tinatanong naman namin sa kanya kung okay lang siya, pero lagi niya namang sinasabi na okay lang daw siya. Pero alam naman namin na sabi sabi niya lang yun at sa totoo, hindi talaga. Parang may iniisip nga siya.

Tapos napapansin pa namin ni Sehun na maya maya ay may tinitignan siya sa phone niya. Na para bang may hinihintay siya pero wala naman?

Hays. Di na nga yata siya chinachat nung Chanyeol.

Pero ano na kaya ang nararamdaman ni Rosè sa Chanyeol na yun? Bigla din siyang nagkakaganito simula nung malaman namin sa kanya na hindi na siya chinachat ni Chanyeol.

Di talaga okay ngayon si Rosè. Hmmmm naman. Tungkol kaya yan kay Chanyeol? Alam naman namin na di siya magseshare sa amin.

:(

"Yo Sè." bati sa kanya ni Sehun. Pero tinanguan lang siya ni Sè. Ningitian niya pa.. pero alam kong pilit lang yun.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya, "Oo naman." sagot niya. "Tsaka.. gusto ko lang sabihin sa inyo na samahan niyo akong dalawa sa bahay. Overnight kayo sa amin. Dala nalang kayo ng pangsuot niyo bukas para sa school."

Wala man lang siyang emosyon mag salita. Parang wala siyang buhay ngayon. >.< Katakot naman yan Sè. Joke! Pero ngayon lang namin siyang nakitang ganyan.

Napatango naman si Sehun, "Sige. Sure. Uwi lang kami muna ni Lisa tapos pupunta na kami doon." nakangiting sambit ni Sehun.

"Pero bakit mo naman kami inaaya?" tanong ko sa kanya.

"Wala kasi akong kasama. May business meeting sina Mom. With Tita ko sa Korea." Yan na naman. Parang wala siyang buhay.

"Ahhhh." sabay na react namin ni Sehun tapos napatango tango lang naman kami.

"Sige. Yun lang. Room lang ako." sabi niya tapos di pa kami nakakapagsalita ni Sehun, agad na siyang tumayo para lumayo sa amin.

Tsaka lang naman namin siya ipinagmasdan na papalayo sa amin. Tapos nakita naman namin sa kalayuan na tinignan niya naman yung phone niya. Alam ko yan, parang hinihintay niya ang chat nung Chanyeol. Pahamak talaga yung dare namin. :(

Nagkatinginan lang naman kaming dalawa ni Sehun. We just shrugged.

"Kapag si Kuya Chanyeol ang dahilan yang inaakto niya ngayon.. kapag nasasaktan siya sa lalaki na yun.." sabi ni Sehun at tinignan niya ako.

He smirked playfully, "Alam na."

- - -

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon