ROSÈSATURDAY
7:32 A.M.
Nandito kami sa bahay namin. Tapos nandito sina Sehun at Lisa, nagpasyal dito. Pumunta lang dito tapos di pa pala nakakain. Kaya pinakain ko nalang muna sila. For sure, nagutom sila. Nandito lang ako nakaupo kasama dito sa dining table.
"Sè, kain ka na dito. Parang mga walanghiya naman kaming kakain dito tapos yung may ari di pa namin aayain. Ang kapal kapal lang ng mukha namin, nakikifeel at home." sabi ni Sehun.
Natawa naman ako sa sinabi niya, "Baliw. Tapos na ako, kanina pa. Kumain na kayo diyan." natatawang sambit ko sa kanila.
"Ganon ba." natatawang sambit ni Lisa at tumango lang ako.
"Naninigurado lang Sè ha." natatawang sambit ni Sehun.
"Wala yun. Kumain na kayo diyan. Di pa pala kayo kumain." natatawang sambit ko sa kanila. Tapos nakikita ko namang kumukuha na sila ng pagkain at kumakain na silang dalawa.
Pero habang kumakain sila, nagsalita ako. "Malapit lapit nalang yung graduation natin. Tsaka vacation na din." nakangiting sambit ko sa kanila. "Anong plano?"
"Sa totoo lang, hindi ko pa alam. Ngayon ko lang pala narealize na malapit na ang graduation natin. Ang bilis ng oras." sabi ni Lisa.
"Oo nga. Parang kailan lang at magiging senior high na tayo." natatawang sambit ni Sehun. "Pero pag-iisipan pa natin yang sa vacation." dagdag niya.
"Oo nga." sabay na sambit namin ni Lisa.
"Nga pala Sè, di pa ba siya online?" tanong sa akin ni Sehun. Tsaka yun, naaalala ko na naman siya. Sobrang miss na miss ko na siya.
Gusto ko gawin yung first move, pero ayaw ko at magmumukhang tanga lang ako na chinachat siya. Hihintayin ko nalang siya. Umaasa din naman ako na babalik siya.
Tinignan ko naman yung phone ko, at huminga nalang ako ng malalim ng nakita kong di pa rin siya active, "Hindi pa." sagot ko.
"Wag ka mawalan ng pag-asa Sè. Magtiwala ka lang." sabi ni Lisa.
Ngumiti ako, "Oo naman. I love him."
"Tsaka totoo yung sinabi nung Hershey sayo? Hinalikan siya kasi akala niya ikaw?" tanong ni Sehun sa akin. Sinabi ko kasi sa kanila about sa kay Kuya Chanyeol at Hershey.
I breathed out, "Oo. Napagkamalan niyang ako. Nag-aalala na nga ako sa kanya kung ano na nangyayari doon sa kanya sa Korea. Naglalasing na pala siya." sabi ko.
"Ginagawa niya lang naman yun kasi nababaliw na yun sa'yo, Sè." sabi ni Lisa sa akin.
"Pero ayaw ko naman maging ganon lang siya ng dahil sa akin. Hindi naman siya ganyan." sabi ko.
"Pero Sè, kapag masyado ng nasasaktan ang isang tao, hindi niya na mapipigilan ang sarili niya dahil masyado ng masakit sa kanya. Hindi niya na kaya." Sehun.
"Pwede niya na sirain yung sarili niya dahil lang sa pag-ibig. Sa pag-ibig sayo." dagdag niya at natahimik naman ako ng tuluyan dito.
Sorry talaga Kuya, kasalanan ko 'to lahat lahat.
"Pero wag kang mag-alala Sè, maiintidihan niya din ang lahat. Tsaka malalaman niya din yung totoo.. yung about sa.. dare." sambit ni Lisa pagkatapos iniwas niya ang tingin nya sa akin.
"Talagang hintayin ko nalang siya para masabi ko na sa kanya yung about sa dare niyo at.. feelings ko." sabi ko tsaka naman nila ako ningitian. Tsaka lang naman nila ipinagpatuloy ang pagkain nila.
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3