ROSÈNandito lang kami sa labas, nagtatambay. Tapos na din ang period namin ngayon.
"Nililigawan ka niya?!" pasigaw na tanong ng dalawa na 'to sa akin simula ng ikwento ko sa kanila lahat yung mga pinag-usapan naming dalawa.
Huminga ako ng malalim, "Oo nga."
Gulat na gulat talaga silang dalawa. Tapos hindi sila makapaniwala na madaling araw na akong nakatulog. Sabi ko totoo nga. Di lang nila napansin kasi masarap yung tulog nila. Hahaha!
"Nako. Pero support kami sa inyo ha! Masaya kami na nililigawan ka na pala niya!" nakangiting sambit ni Sehun sa akin.
"Oo naman. Syempre. Supportive bestfriends here!" natatawang sambit ni Lisa.
Ningitian ko naman silang dalawa, "Thank you sa inyong dalawa." nakangiting sambit ko sa kanila.
Pero huminga ako ng malalim, "Pero alam niyo namang mahal namin ang isa't isa di'ba? Pero nagpaligaw ako kasi gusto kong maranasan na maligawan." natatawang sambit ko sa kanila.
"Nako, mabuti nalang yan Sè 'no. At nang malaman mong ikaw lang talaga ang mahal niya." sabi ni Sehun.
Napangiti naman ako, "Ramdam ko namang ako lang." sabi ko at ningitian lang naman ako ng dalawa 'to.
Tinignan ko naman yung phone ko, hindi pa siya online. Syempre, may classes naman sila. Pero mamaya siguro kami mag-usap. Tsaka nag-usap din kaming dalawa kanina sa chat. Miss na nga namin ang isa't isa agad eh.
"Ah Sè? Talaga? Okay na talaga kayo ni Chanyeol?" tanong ni Lisa sa akin.
Tinignan ko naman siya at napatango lang naman ako, "Oo naman. Super okay na kami." sagot ko.
"Ganon ba? May sasabihin kasi kami ni Lisa sa'yo eh." napaharap naman ako kay Sehun na napapakamot sa kaniyang ulo. May sasabihin sila?
Tapos nakita ko lang naman na nagkatinginan silang dalawa ni Lisa pero mamaya napaiwas din sila ng tingin sa isa't isa. Nagtaka lang naman ako sa kanilang dalawa.
"Hoy. Anong sasabihin niyo sa akin?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Ano.. di sana namin 'to gustong sabihin sa'yo ni Lisa sa'yo. Pero gusto lang naman namin maging honest sa'yo kasi syempre.. bestfriends. Walang taguan ng secrets." sabi ni Sehun at mas lalo naman akong nagtaka. Ha?
"Oo nga. Tsaka sana nga wag kang magalit sa amin." sabi ni Lisa. Pero parang kinakabahan yata ako sa sasabihin nila?
"Oo na, oo na. Ano na ba kasi yung sasabihin niyo? Gusto ko ng malaman." nagmamadali kong sambit.
"Ano kasi Sè.. yung sa ano..yung ano.. alam mo yung-- tangina! Kinakabahan talaga ako eh baka magalit ka sa amin ni Lisa." sabi ni Sehun.
Natawa naman ako, "Bad news ba yan o ano? Dali na! Nacucurious ako kung ano yan." sambit ko sa kanila.
Nakita ko namang huminga ng malalim si Lisa, "Ganito.. naaalala mo ba yung sa mall? Yung dinare namin kayo ni Yugyeom?"
Napatango naman ako, "Oo naman. Bakit?" tanong ko sa kanila.
"Di'ba sabi namin noon, may titignan lang kami ni Lisa 'non?" tanong ni Sehun at napatango lang naman kami.
"Oo. Tapos?"
"Ang sa totoo kasi niyan Sè eh wala kaming tinignan non. May pinag-usapan kaming dalawa." Lisa.
"Tsaka yung pinag-usapan naming dalawa yung plano namin sa inyo ni Yugyeom. Una pa lang, planado na namin yung dare at sa basketball."
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3