ROSÈ"Hmm, medyo matagal yung dalawa ah?" natatawang tanong sa akin ni Yugyeom.
Natawa nalang din ako, "Oo nga eh. Ano ba kasi yung tinignan nila?" tanong ko.
Nagkibit balikat naman siya, "Wala naman silang sinabi kung ano yun. So di ko alam." natatawang sambit ni Yugyeom.
"Oo nga naman!" natatawang sambit ko at napapatingin nalang ako sa mga tao na nagsisidaan dito sa mall.
"Yan na sila. Papapunta na sila dito." sambit ni Yugyeom na may tinuturo. Tsaka napatingin naman ako doon. Tsaka nakita ko naman si Lisa at Sehun na papalapit dito sa amin.
"Uy! Matagal ba kami?" natatawang tanong ni Sehun sa amin.
"Hindi naman." sagot ko.
"Saan kayo galing? Anong tinignan niyo?" nakangiting tanong sa kanya ni Yugyeom.
"Souvenir lang naman! Tsaka sa susunod, bibili kami ni Sehun doon. Di'ba Sehun?"
"HAHAHAHA! Oo nga! Ganon na nga!" Sehun.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Yugyeom tsaka natawa nalang kaming dalawa. Masyado yatang masaya 'tong dalawa na 'to ah.
"Tsaka tara na. Okay naman yata tayo ngayon! Ano game na tayo sa arcade?" natatawang tanong ni Sehun sa amin.
Lahat naman kami napatango, "Oo naman!"
"Tara na!" Lisa.
Sabay kaming apat pumunta sa Arcade Section doon sa fourth floor. Pagkarating agad namin doon, bumili na agad kami ng tokens. Pagkatapos yun, naglaro na kami doon lahat. Sumubok kami sa Tekken, Claw Machine, Car Racing 3D at Dance Challenge. Parang bumalik lang kami sa pagkabata namin. Nakakatuwa lang talaga!
Pagkatapos namin sa Dance Challenge. Nagpahinga muna kami sa gilid. Ang enjoy lang! Sobra. Partner ko si Lisa kanina. Tapos syempre si Sehun at Yugyeom.
"Grabe yung sayaw 'no? Kapagod tapos medyo mahirap. Mabilis! Kaya parang mahirap gayahin!" natatawang sabi ni Lisa.
"Ha? Hindi naman!" natatawang sambit ni Sehun sa kanya. Tsaka naman ako nabigla doon.
"Oo nga. Ang dali lang kaya." Yugyeom.
"HAAAAAA?!" nabibigla na tanong ni Lisa sa kanilang dalawa.
Natawa lang naman ako, "Ikaw naman Lisa. You know? Professional dancers things." natatawang sambit ko at nagsitawanan lang naman kami dito.
"Oo nga naman. So.. so ano next nating ittry?" tanong ni Lisa sa amin.
"Aha! Alam ko na! Sa basketball tayo!" sabi ni Sehun at medyo naman akong nabigla doon. Anobayan. Hindi ako marunong magbasketball. Pero susubukan nalang.
"Sige game!" Yugyeom.
"Tara na doon! May bakante doon sa pinakadulo oh!" sabi ni Sehun tsaka nagmamadali naman kaming apat na nakarating doon.
Pagkarating namin agad doon, nakita naming magpapasok na sana ng tokken si Yugyeom ng agad siyang pinigilan ni Sehun.
"Oh bakit bro?" nagtatakang tanong sa kanya ni Yugyeom.
"Ganto guys oh. Para naman mas enjoy 'to, lagyan natin ng twist!" nakangiting sambit ni Sehun.
"Anong twist naman yan?"
"Duo to duo tayo. Partner kayo ni Yugyeom, tapos kami ni Lisa.. I mean, team kami ni Lisa. Tapos kayo naman ni Yugyeom. Ganon!" explain ni Sehun. Tsaka naman kami napatango tango naman kaming lahat doon.
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3