MO73。

80 16 15
                                    


ROSÈ

Nandito lang naman ako sa kwarto ko, hinihintay sina Sehun na makarating dito sa aming bahay. Inaya ko silang mag-over night dito kasi wala akong kasama. Nasa business meeting naman kasi yung mga parents ko.

Pero sa ngayong araw na 'to, ang sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hanggang ngayon. Sobra akong nanghihina. Parang.. wala na akong gana? Ganon. Tsaka anytime, nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Maski makipag-usap sa mga tao, parang wala na akong gana. Feeling ko, wala nang kulay yung mundo ko.

Pinipilit ko nalang talaga na maging okay. Pero hindi, parang.. ang sakit talaga.

Tsaka inaamin ko, nang dahil 'to kay Kuya Chanyeol. Oo.. nang dahil sa kanya lang naman.

Lagi ko nalang siya inaaalala. Kung bakit ba hanggang ngayon, hindi niya pa din ako chinachat. Lagi naman siyang active, pero grabe naman. Busy yun? Nakalimutan niya na ba agad ako? Sa totoo lang, nasasaktan ako.

Lagi ko nalang hinihintay na i-chat ako. Umaasa ako lagi na pag tingin ko sa phone ko, may chats na siya sa akin. Gaya lang ng dati.

Pero umaasa lang naman ako sa wala, dahil wala naman siyang chat sa akin. Kahit active pa siya.

Hindi ko alam, nasasaktan ako. Oo, narararamdaman ko. Pero kasi.. bakit naging ganyan bigla si Kuya Chanyeol sa akin?

Ilang beses ko pa siyang iniyakan ng patago nang dahil lang sa hindi niya pa ako kinakausap.

Kapag ba hinintay ko pa siya ng matagal, i-chachat niya pa din ba ako? Ang lungkot talaga. Sobrang miss ko na kasi si Kuya.

Pero bakit ganito yung nararamdaman ko para sa kanya? Ano na ba talaga 'to? Hindi kaya.. gusto ko na siya?

Mabilis akong napailing, "Hindi hindi Chaeyoung. Hindi mo siya gusto. Sadyang nagkakaganito ka lang kasi di ka nasasanay na di ka niya kinakausap. Ganon." sabi ko sa sarili ko.

Huminga naman ako ng malalim. Pero ramdam ko pa rin yung kirot sa puso ko. Ngayon lang ako nakaka-experience ng ganitong sakit. Kahit sobrang babaw lang ng rason. Pero sa akin, masyado ng masakit sa akin yun.

Kinuha ko naman yung phone ko, tsaka ko naman tinignan yung convo namin. Nakita kong active na naman siya pero hindi niya pa din ako chinachat. Yung last reply niya sa akin ay.. likezone.

Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko na naman na may tutulo na namang luha sa aking mata. Mabilis ko namang pinunasan yung mukha ko at huminga ako ng malalim, "Wag kang iiyak, Park Chaeyoung. Para kang abno." sabi ko sa sarili ko.

Dahil sa di ko na mapigilan ang sarili ko, nagtatype naman ako dito ng sasabihin ko sa kanya. Kahit magmukha man akong desperada at ang cold niya na sa akin, wala akong pakialam.

- - -

my handsome kuya ❤
active now

my cute ssaeng ❤:
hello kuya :> good evening

my cute ssaeng ❤:
napapansin ko lagi, active ka naman pero bakit hindi mo ako chinachat?

my cute ssaeng ❤:
are you still busy kuya?
seen by my handsome kuya ❤.

my handsome kuya ❤:
shit kelan ka ba titigil? mas lalo lang akong nasasaktan | deleted.

my handsome kuya ❤:
why are u still chatting me? di'ba may yugyeom ka na? | deleted.

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon